Chapter 70

579 8 0
                                    

Halos dugo ang makikita at mga katawang nakahandusay, ang iba ay sugatan at malala ang natamo. Hanggang sa kami na lang ang natirang naglalaban ni Ardeo.

"Dapat tinapos na kita noong isa ka pang paslit" sabi niya sa akin sa kalagitnaan ng laban namin. Ngunit dahil sa sinabi niya ay nagpantig ang tainga ko.

 At sinipa ko siya sa kanyang tiyan. Kaya napaurong siya at doon ko sinamantala ang pagkuha ng baril ko sa hita. Mabilis kong ikinasa at itinutok sa kanya ngunit bigla niya akong hinampas kaya nabitawan ko ang hawak ang baril. 

At sisipa ulit siya ngunit mabilis akong nakailag tapos agad na tumayo. Pero di ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Dahil  ngayon ay nakatutok ang baril sa akin sa harap ko. Tumawa ako bago nagsalita. 

"Patayin muna ako total mamatay tao ka naman" 

"Talaga. Ako lang ba? I think not" sabay kabit sa gatilyo. Kaya napapikit ako pero nagtaka ako dahil hindi pa ito pumuputok. Nang dumilat ako at nakita kong nagaagawan sa baril sina Jana at Ardeo.

"Isa ka pa papatayin din kita"

"Kung mamatay ako" at bigla 'tong umikot sabay sipa sa likod ni Ardeo. At babarilin na sana niya 'to nang may narinig akong putok ng baril. 

Sa muling pagligon ko kay Jana ay siyang pagbagsak niya kaya tumakbo ako palapit sa kanya. 

I saw her blood flowing. Tapos nahawakan ko ang tagiliran niya at naramdaman kong may mainit na likido. Pagtanggal ko ng kamay ko ay nakita ko ang dugo.

"Please hold on" sabi ko sa kanya.

The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon