Chapter 53

669 8 0
                                    

"Hindi ako demonyo sa mga taong inosente kagaya ng Ate mo" at may kinapa ako sa aking bulsa isa cellphone at ipinakita ko sa kanya.


"Hello pinakamamahal kong kapatid. Jana sorry kong si Ate minsan galit, masungit at moody tuwing nagtatanong ka sa akin. Huwag mong sisihin ang taong may hawak ng cellphone ko ha kasi siya ang nagligtas sa buhay ko. Dapat magpasalamat ako sa kanya. Mahal kong kapatid Jana tatandaan mong palagi lang ako sa tabi mo ha. Alam mo ba kung bakit ako ganoon sumagot kapag tinatanong mo ako. Para hindi ka madamay sa gulong pinasok ko. Dahil sa oras na may malaman ka tungkol dito sa pinaggagawa ko ay tiyak kong madadamay ka kaya itinago ko 'to sa 'yo. Patawarin mo si Ate. Jana sasabihin ko dapat sa'yo ang lihim ko pero dahil tinakot ako ng Boss kong si Ardeo Galvez na ikaw ang papatayin niya sa oras na hindi ko ibalik 'yong cd na nakuha ko sa kanya ay papatayin ka niya kaya nagmakaawa akong huwag kang idamay dito dahil wala kang kasalanan ngunit hindi siya tumupad sa usapan kaya naitago ko ang cd. At sa awa ng diyos ay nakaligtas ako pero bago niya ako mapatay ay ginawa ko na 'to. Sana kong mapanood mo 'to ay hindi ka tauhan ni Ardeo mahal na mahal kita Jana paalam"


Dahil dito at sa lahat ng nalaman ko galing sa vidrong ipinakita niya ay pumatak ang masaganang luha sa aking mga mata. Hindi ako makampaniwalang ang taong matagal ko ng hangad patayin ay ang taong dapat matagal kong pinaniwalaan. At hindi siya. Bigla ding umulan kaya sumigaw ako dahil sa sobrang pagsisi at sa nagawa ko kay DQ.


"Patawarin mo sana ako" sabay luhod ko sa harap niya. Kahit saktan niya ako ngayon at tatanggapin ko.


"Huwag kang humingi ng tawad sa akin. Dapat sa Ate mo at sa sarili mo dahil kong buhay siya ngayon ay gusto niyang nasa mabuting kalagayan ka"


"Hindi mo ba ako sasaktan" akala ko ay gagawin niya 'yung mga iniisip ko na sasaktan niya ako pero hindi niya ginawa dahil niyakap niya ako na ikinagulat ko.


Kaya mas lalo akong nagsisis ngayon sa lahat ng ginawa Kong Hindi maganda. Pero pangako ngayon na babawi ako sa mga nagawa kong kasalanan sa buong Organisasyon na pinagtraydoran ko. Patawad at salamat DQ Lara sa pangalawang pagkakataon na ibinigay mo. Tapos nawala na 'yong video.


"Sir who are they? At sino si Ardeo Galvez? pero higit sa lahat para saan 'to?"

The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon