May tumawag nanaman sa amin na may nakitang sunog na katawan sa isang lumang building.
Matapos naming bigong makita ang mga taong pumatay sa mga nakahandusay doon sa bodega na pinuntahan namin kahapon ay ngayon 'to. Wala kaming nakalap na kahit anong bagay kagaya ng cctv camera sa lugar, nakita na lang 'to sa basurahan na sunog.
Siguradong alam ng taong gumawa noon na pupunta kami doon pero sino kaya 'yong nagsabi sa amin.
At bakit ganoon nalilito na ako kung sino ang dapat paniwalaan at dapat pagkatiwalaan. Bakit?
Dahil ayon sa pagiimbestiga ko lahat ng pinatay ng misteryosong salarin ay puro sindikato, drug lords at iba pa.
Samantalang ang tinatawag naming Hidden Person na matindi kong pumatay ay walang impormasyong makuha.
Kaya ang tanong na nabuo sa isip ko ay kung sino ang nagsisinungaling. Ganoon man ay aalamin ko pa din ang totoo para mahuli ang tunay na may kasalanan sa batas.
BINABASA MO ANG
The Heartless Princess
AksiThis story was inspired by the books I read, and TV Shows especially Wildflower. And I like revenge then the concept being a cruel or heartless person. Some details here are based on my imagination. There's a difference on how my story was going...