Chapter 64

628 11 0
                                    

"Nerd are you there?" sabi ko dahil bukas ang pintuan ng condo niya. Naglilibot ako sa buong condominium unit ng mapansin ko ang kwarto niya kaya kumatok ako pero walang sumsagot.

Tatlong beses akong kumatok at limang beses tumawag sa kanya ngunit wala talaga. Kaya pumasok na ako at sinarado ang pintuan. Pero nagulat ako dahil sobrang gulo sa loob, hinanap ko siya ngunit di ko makita. 

Hanggang sa mapansin kong parang may nakabukas sa likod ng cabinet niya. Nung mapasok ko 'to ay mayroon akong nakita na mga larawan na nakadikit sa dingding; isang masayang pamilya, dalawang batang babae na magkaakbay sa isa't-isa, isang batang babae na nakangiti at madami pa 'to na iba-iba ang angulo ng kuha (ang cute sino kaya siya) biglang tanong ko sa isip ko.

At mayroon ding isang larawan ng magandang dalaga na matamis ang ngiti, kinuha ko 'to pero bigla na lang akong nakatulog.

"A-anong-

Di ko na natapos dahil nawalan na ako malay. "I'm sorry Light pero hindi pa 'to ang tamang panahon para malaman mo kung sino ako" sabi ko ng masiguradong nakatulog na 'to.

Muntikan na 'yon mabuti nakauwi na ako at kaagad tiningnan ang loob ng condo ko. I was shock dahil nakita niya ang mga litrato ko at akmang kukunin niya na ang litrato ng bigla ko siyang tinakpan ng panyo sa ilong kaya nakatulog siya.

Pagkatapos ay ipinunta ko siya sa sarili niyang kwarto, at inayos ko ang buong kwarto ko nang matapos akong maglinis, binura ang kuha sa cctv cam kung saan makikita siyang naglakad sa buong building bago ko ini-on ulit ang cctv camera. 

Walang nakakita sa ginawa ko dahil pinatulog ko din ang watcher sa cctv camera.

The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon