Chapter 88

683 6 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon matapos nilang ipakita sa akin lahat mula sa umpisa hanggang huli tungkol kay Trizy. Halo-halong emosyon na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Kaya tumayo na ako dahil aalis na sana ako para makapagisip ng maayos at mapakalma ang sarili ko ngunit hindi pa ako nakakalayo nang marinig kong may nagsalita.

"Iyan ang dahilan kung bakit nagdadalawang isip kaming ipakita sa 'yo ang tungkol sa kanya, sa buhay niya at kung sino ba talaga siya" 

"Dahil baka hindi mo siya matanggap kapag nalaman mo"

"At magbabago na lang ang nararamdaman mo para sa kanya tapos iiwan mo siya"

"Ang masakit kapag bumalik na ang alala niya ay siya na din ang iiwas at tuluyang iiwan sa 'yo. Dahil alam niyang hindi mo siya kayang mahalin"

"Ano Light. Nalaman mo na ang totoo. Kaya mo pa ba siyang tanggapin sa kabila ng mga 'yon?"

Ito ang mga narinig kung sinabi nila sa akin habang ako ay nanatiling nakatalikod sa kanilang lahat. At imbis na sagutin ko sila ng masama ay bigla kong nasabi sa kanila na "Handa ko siyang mahalin ano man ang mga nalaman ko. At gagawin ko lahat para sa kanya at wala kayong magagawa doon"

Hindi ko alam kong saan ako humugot sa sinagot ko sa kanila. Ang tanging sinasabi ng puso ko ay mahal ko siya ano man ang kahit sino man siya o kung ano ang pagkatao niya. Dahil hindi ko na siya papakawalan ngayon mas malinaw na ang isip ko at pinal na ang desisyon kong mahalin siya, dahil wala na akong paki alam sa nakaraan niya.

The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon