Chapter 8

2.4K 35 1
                                    

Tiningnan ko lang siya hanggang makalayo na ito at mawala sa aking paningin. Ano ba! pinasahan ba ako ng malas ngayon. Anong mayroon at nangyayari ito sa akin: una lutang ako, pangalawa heto at muntikan may masagasahan.

Pagkatapos nagkasagutan kami, plus sinaktan pa ako. Ang lakas ng babaeng 'to parang lalaki kong manakit.

Pero iba ang naging pakiramdam ko. Just one thing I know.

I feel being honest to my self because of that nerd

Hindi ko rin akalain na magkasagutan kaming dalawa. Ito ang unang beses na nangyaring sinagot ko ang isang babae. Sumakay na lang ako ng kotse ko matapos makaraos doon sa sakit ng katawan na binigay sa akin na taong 'yon at umuwi na sa condo gusto ko na lang magpahinga sandali dahil sa mga nangyari sa araw na ito.

Naiinis ako sa lalaking 'yon aba't marunong sumagot pasalamat siya at nagpapanggap ako bilang nerd.

Kung hindi kanina ko pa nabali ang buto niya sa paa.

Habang nakahiga at nakatingin sa kisame naalala ko 'yong naging sagutan namin ng babaeng 'yon pero napapangiti ako doon, ewan ko nagmu-mukha na akong tanga dito.

Oo sa ilang minuto na 'yon parang may kong ano akong naramdaman. Pero hindi nagtagal nakaidlip ako sa kakaisip.

The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon