Chapter 80

587 7 0
                                    

2 years na ang nakalipas simula ng mangyari ang aksidenteng 'yon. Naging isang sikat na businessman, and one of the billionaire na si Light.

At nagmamay-ari malalaking mall at restaurant. Pero hindi niya nakakalimutan ang pagkawala ng babaeng mahal niya. 

Sa maikling panahon ng makilala niya 'to ay nahulog siya ng hindi niya inaasahan. Kahit noong una ay hindi maganda ang pagkikita nila at para silang aso't pusa kong magbangayan minsan ay hindi niya napigilan ang puso niyang mahalin ito.

Palagi siyang pumpunta doon at nagdadala ng bulaklak tapos pinapaanod sa dagat. Tsaka siya magpapalipas ng oras doon habang nakatanaw sa takip-silim.

Ito ang ginagawa niya tuwing hapon, araw-araw at walang isang araw na hindi siya nagpupunta doon.

Patuloy pa din siyang umaasa kahit ilang taon na ang lumipas. At kahit may mga babaeng nagbibigay ng motibo sa kanya ay binabalewala niya ang mga 'to. Kumbaga wala din siyang interes sa mga kataulad nila dahil iisa lang ang gusto niya. Si Trizy Roquisa lang.

The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon