Chapter 86

632 5 0
                                    

Alam kong lahat ng pinagusapan namin ni Light ay narinig nila. Nang masigurado kong mahimbing ang tulog niya ay sinarado ko na ang pinto at pumunta sa sala.

Nanood ako ng TV nang may nagdoorbell. I see the time in the wall clock its already 10:00 o'clock in the evening. Sa pakakaalala ko ay wala naman akong bisita na inimbitahan maliban sa superiors. Kaya lumabas ako at binuksan ang gate. 

Pero pagkabukas ko ay si Light ang nakita ko. Naalala ko na siya ang naghatid sa amin dito at napatampal na lang ako sa noo ko ng wala sa oras. Kaya wala akong nagawa kundi ang papasukin 'to sa loob.

Ngunit agad 'tong dumiretso sa sofa tsaka umupo habang ako ay nakatingin lang sa kanya pero nang sumunod din at umupo sa harap niya. Ngayon ko nakikita sa mga mata niya na parang nagtatanong sa maraming bagay tungkol sa nangyari kay Trizy. At kung bakit 'to buhay at kung paano siya nabuhay. 

"Now can you please explain what happened to her" panimula niyang tanong sa akin dahil kagay ng inaasahan ko gusto nitong malaman ang dahilan. Sasagot na sana ako ng biglang tumunog ulit ang doorbell. Kaya iniwan sinabi kong titingnan ko sandali kung sino 'yong dumating.

Tapos doon ko nakita sila Heana, Lordan, Jana, Zander, Rivo at Shacel. Kaya pinapasok ko sila kaagad tapos nakita nila si Light sa sala.

At napatingin ang mga 'to sa akin. Hindi kasi nila inakalang mas mauuna siyang dumating kaysa sa kanila.

The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon