Lahat ng pinagusapan nila Dad at si nerd ay narinig ko. Pero paano niya nalaman ang lahat nang 'yon. Dahil sa pagkakaalala ko ay wala naman akong pinagsasabihan ng kahit na sino maliban kay Wayde.
Hindi kaya sinabi sa kanya ng kaibigan ko
Ito ang pumasok sa isip ko agad, O hindi kaya pinaimbestigahan niya ako ng hindi ko alam.
At ano ang ibig niyang sabihin, siya kaya ang matagal ko nang hinahanap. Ang tanging nakaligtas sa aksidenteng nangyari noon 15 years ago.
Kung saan sangkot ang aking ama. Pero paano nangyari na siya si Trizy Roquisa. Dahil ito ang tinawag ng aking ama sa kanya kanina.
Bakit iba ang pangalang sinabi niya sa akin. Sino ang nasa litrato na nakita ko.
Whats happening naguguluhan na ako. Kaya nagtago muna ako upang malaman ko ang totoo.
Sa ngayon sinsilip ko lang silang dalawa. Naglalaban na sila, nagpapalitan ng bala, ngunit walang natatamaan.
Ngayon ko lang nalaman na mahusay lumaban si nerd ganoon din si Dad. Parang sanay na siyang lumaban dahil kapag si Dad ang nakalaban mo siguradong wala pang isang iglap patay ka na.
Pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang kaya niya ang Dad ko. At kahit may sugat na sila ay walang sumusuko. Ito din ang isa sa mga nakikita ko ngayon. Hanggang biglang nalang umataki ang Dad ko na hindi inaasahan ni nerd.
BINABASA MO ANG
The Heartless Princess
AcciónThis story was inspired by the books I read, and TV Shows especially Wildflower. And I like revenge then the concept being a cruel or heartless person. Some details here are based on my imagination. There's a difference on how my story was going...