Chapter 36

771 12 0
                                    

Ngayon nandito ako sa isang lumang building. Tanging ako at si Gin lang ang nasa lugar na 'to. Tinali ko siya sa kamay at paa, nilagyan ng taype ang bibig, habang ako ay naghanda ng salamin, isinout na ang maskarang itim, itinabi ang gas at posporo.

Natapos na ako sa mga bagay na gagamitin ko para sa kanya ng magising ito at nakita ako.

"Sino ka?" tanong nito sa akin.

Magandang tanong para sa isang tulad ko. Mabuti nadala ko 'yong voice changer kaya ini-on ko na 'to bago ko siya sagutin. 

"I'm your death"

"Hahaha" tawa niya.

Dahil sa sinabi niya sinimulan ko na siyang pahirapan at hindi ko itinigil 'yon hanggat hindi ko gustong tumigil.Pinaso ko din siya ng sigarilyo sa kanyang likod. 

Narinig ko ang daing niya pero hinayaan ko lang 'to. Nang naisipan kong tumigil doon ko lang inihinto ang pagpapahirap na ginawa ko sa kanya.

Sinuntok, sinipa, nilatigo, at binaril ko siya sa balikat, at paa. Kumuha ako ng dugo niya at isinulat ang 'Choose Heaven or Hell' kagaya ng ginawa ko sa iba dati.

"Sa oras na mabuhay ako papatayin kita" galit na sabi niya.

Napangisi lang ako pero binaril ko ulit siya sa bandang dibdib kaliwang bahagi ng humarap ako sa kanya. 

Narinig ko ulit 'yong daing niya dahil sa sakit ng katawan at sa mga natamo niya galing sa akin.Pagkatapos lumapit ako sa kanya at pinapili ko siya. 

Ngunit hindi 'to nagsasalita ginagalit talaga ako ng isang 'to kaya kinuha ko 'yong gas. Binuhos ko lahat sa kanya tsaka tinanong ko ulit siya. 

Inilabas ko din 'yong posporo sinindihan ko na din. Nakita ito ni Gin, kaya dahil sa takot na sunugin ko siya ng buhay pumili siya at kagaya ng inaasahan ko ay Heaven ang pinili niya.

The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon