Chapter 20

1K 20 0
                                    

Nandito na kaming lahat sa training room sa eksaktong oras kung kaylan ito sinabi ni DQ. Ngayon siya na lang ang hinihintay.

Nagtataka man kami sa biglaang pinaskil niya ay wala kaming magagawa dahil siya ang nagmamay-ari ng Organisasyon na 'to.

"Now were going to train well" biglang sabi ni DQ na ikinalingon nsming lahat sa direksyon niya.

"And you will fight to me after your 1 hour training that starts now" pagkatapos ay pumunta na kami sa aming training area.

Iba't-iba ang armas at weapons na nandito. Na puwede mong gamitin sa 'yong pagsasanay.

Ngunit dahil sa sinabi niyang siya ay makakalaban namin lahat kami ay puspusan kong mag-ensayo. Siguradong kabado nga lang dahil alam namin kong gaano kagaling si DQ pagdating sa pakikipaglaban.

Naalala namin noong huling ginawa 'to ay wala ni isang nakapagpatumba sa kanya. At may napatay siyang isa noon dahil hindi niya napigilan ang kanyang emosyon ay kaagad niya itong pinatay sa harap namin.

Paano ba naman hindi siya magagalit sinabihan lang naman siyang 'Bitch' tapos ginalit pa talaga siya dahil tinangka siyang saksakin ng taong 'yon.

Hindi siya nagdalalawang isip at kaagad na pinatay ito. 

Mahusay siya, maabilidad, matalino, marunong makiramdam sa paligid at higit sa lahat ay nakakatakot ang aura niya mas lalo kapag galit na o ginalit mo talaga siya papatayin ka kaagad.

"Time is up are you all ready" sabi niya. Halos lahat sa loob ay puno ng tensyon sa puwedeng mangyari sa araw na 'to. 

Pero kahit ganoon ay nakahanda na kami.

The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon