Chapter 74

626 5 0
                                    

Dahil sa sinabi niya mas lalo ko siyang gustong patayin. Babarilin niya na ako ng humingi ako pagkakataong magsalita at pinagbigyan niya naman ako.  Nauto ko din siya dahil may balak akong gawin. 

"I'm sorry Ardeo" sabi ko ngunit nakatalikod 'to kaya kinuha ko agad ang kutsilyo. 

Tumayo ako at hinagis ang hawak ko sa kanya ng humarap 'to at natamaan siya sa tagiliran. Ngayon quits na kami dahil pareho na ang sitwasyon namin ngayon na may sugat.

"Walang hiya ka Trizy!" ito ang sinabi niya matapos ko siyang masugatan kaya pareho na kaming may sugat.

"Walang hiya ka din. Dahil ikaw ang pumatay sa mga magulang ko"

"Kung hindi ko ginawa 'yon sa kulungan ang bagsak ko. Hahaha"

"Kaya pinatahimik mo sila. Mabuti at nabuhay ako dahil pagbabayarin kita sa batas"

"Gawin mo. Kung mangyayari 'yan" mapanghamon kong sabi sa kanya.

The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon