-"Kaya ko... Kean"
-
Third Person's POV
"Ganap na alas quarto ngayong hapon, dumating na si Eul Espinosa---ang anak ng mag-asawang William at Jade Espinosa na kapwa namatay sa pamamaril noong lumipas na dalawang araw. Didiretso si Eul sa kanilang bahay upang magluksa---"
"Grabe ano? Sigurado ako! Negosyo yung dahilan kung bakit namatay ang mag-asawa" pagkumento ng isang babae habang nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang inaayusang sarili sa loob ng isang parlor.
"Ganun din yung nasa isip ko... pero ang kawawa talaga diyan yung anak nila. Bata palang, maghahawak na ng malaking negosyo... wala na siyang suportang makukuha sa mga magulang niya..." sabi naman ng kaniyang kasama.
"Kawawa naman yung bata... pero maswerte parin siya... mayaman na siya eh---hindi niya na poproblemahin yung problema natin---"
-
"Sir Eul..." bungad ni Mr. Pong kay Eul. Dire-diretso lang na naglakad si Eul patungo sa sasakyan. Maraming media ang nakapalibot at marami ring mga bodyguards ang humaharang. Puro mga flash ng camera ang makikita. Pinili ni Eul na isuot ang kaniyang sunglasses upang matakpan ang kaniyang mugtong mga mata.
Walang nagawa si Mr. Pong kundi ang sumunod kay Eul at pinagbuksan ito ng pintuan sa back seat. Siya naman ay umupo sa passenger's seat ng sasakyan. Tahimik lamang si Eul na tinatanaw ang labas ng bintana ng sasakyan.
Hindi man nakikita, ngunit patuloy na umaagos ang kaniyang mga luha. Namumula ang kaniyang ilong at pinipilit na ipakitang hindi siya mahina.
Iyan ang natutunan niya sa halos limang taon. Iyan ang tumatak sa isip niya---na kahit kailan, na kahit ilang sandali sa kaniyang buhay, na kahit ano ang mangyari, hindi niya ipapakitang mahina siya.
Habang pinagmamasdan ni Eul ang labas, si Mr. Pong naman ay nakatingin kay Eul sa pamamagitan ng salamin. Bakas kay Eul ang lungkot kahit na hindi sabihin... naaawa si Mr. Pong dahil sa nangyari.
Hanggang ngayon ay hindi parin alam kung ano ang totoong nangyari at kung sino ang utak ng krimen. Patuloy na sinusuyod ng kanilang mga tauhan ang buong bahay, mga surveillance cameras at maski na ang mga tauhan sa loob nito.
Dahil sa pagkamatay ng may-ari ng ME Group, si Eul na ang bagong uupo sa trono at mamamahala ng kanilang kumpanya.
Limang taon na rin ang lumipas... limang taon ng pagaaral at pagsusumikap. Limang taon na rin siyang naghintay. At ngayon, dumating na ang araw... dumating na ang oras kung kailan siya dapat kumilos... nakakalungkot lang na sa ganito pang paraan.
"Sir---Sir Eul... nandito na tayo"
-
Sa loob ng mansion ng mga Espinosa dinaos ang pagluluksa para sa mag-asawa. Nasa loob ang halos lahat ng minor at major shareholders, mga partido sa politika na sinusuportahan ng kaniyang ama... mga matataas na opisyal ng Gobyerno, mga tauhan sa mansion, mga kilalang personalidad, hindi basta-bastang mga tao... mga negosyante at hindi mabilang na bodyguards ang pumuno sa napakalaking espasyo.
Halos ang mga ingay ng kanilang paguusap lamang ang maririnig... kung ano-ano ang mga pinag-uusapan, tulad ng---kung sino ba ang may malaking posibilidad na pwedeng gumawa nito? Kung sino ang mga taong dumalo... pagkakamustahan. Tila isang reunion ang naganap dahil sa kanilang ginagawa.
Natahimik ang lahat nang makita nila ang pamilyar na sasakyan na huminto sa harap ng mansion. Hinintay nila ang bumaba sa sasakyan. Sa inaasahan ng lahat, bumaba roon si Eul Espinosa... ang bagong may-ari ng pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas.
Isa sa dahilan kung bakit nagsipuntahan ang lahat ng koneksyon ng ama ni Eul ay dahil sa kaniya... ang iba ay pumunta upang makipagluksa at ang iba naman ay pumunta upang magpakita... magpakita kay Eul na sila ay nagluluksa at nakikiramay sa kaniya... pakikiramay na pagpapabango sa pangalan lamang ang pakay.
Malaki ang papel ni Eul sa buhay ng mga mayayaman at mga politiko... si Eul ang isa sa mga susi upang magtangumpay ang ilan... maaaring matulungan sila ni Eul sa mga bagay na ang pinaka-maimpluwensyang negosyante lamang ang nakakagawa.
Lahat ay natahimik at gumawa ng espasyo para sa taong lumabas mula sa kotse. Nakatayo ito sa harap ng mansion at pinagmasdan ang lahat ng taong nasa loob. Huminga siya ng malalim at inayos ang suot na salamin. Nagsimula siyang maglakad papasok sa mansion.
Suot ang itim na hapit na pantalon, itim na shirt, itim na sapatos at itim na salamin, tila nakisabay si Eul sa agos ng emosyon... sarili niyang emosyon. Sa kaniyang kasuotan, mababatid na hindi parin nagbabago si Eul, mas pinipili niya parin na magsuot ng normal kesa magsuot ng pambabae.
Dahan-dahang naglakad si Eul papunta sa pwesto ng mga kabaong ng kaniyang mga magulang. Sa paglalakad palang ay tumutulo na ang kaniyang masasaganang luha. Pasimple na rin siyang humihikbi. Tila naki-ayon ang lahat ng tao roon sa kaniya... walang ni isa ang nagsalita... wala ni isa ang gumawa ng ingay. Nanatili lang silang nakatayo paharap kay Eul at sinusundan ito ng tingin.
Pinapakita nila na malaki ang paggalang nila kay Eul. Saglit ay naisip iyon ni Eul, ang mga taong nasa loob ng kanilang mansion ay hindi mapagkakatiwalaan, sa isang banda... sa kaniyang katayuan, malaki ang magiging papel niya sa lahat ng ito.
Tinuon ni Eul ang pansin sa kaniyang mga magulang... mabagal niyang nilakad iyon... dinadama ang lungkot ng pagkawala ng kaniyang mga magulang.
Nang matapat siya sa kabaong ng kaniyang ina, hindi niya na napigilan ang emosyon, sumabog ito at kumalat sa kaniyang buong katawan... humikbi at patuloy na umiiyak.
Iginawad naman niya ang tingin sa kaniyang ama... nag-igting ang kaniyang mga bagang.
"Dad, Mom... ipaghihiganti ko kayo... kung sino man ang gumawa sa inyo nito... sisiguraduhin ko na magdurusa siya."
"Sorry po kung ngayon lang ako nakabalik, sa ganito pang sitwasyon... Mom, Dad, tulungan niyo po akong harapin ito... lahat ng mga tao rito, isa sa kanila... isa sa kanila ang pumatay sa inyo... nararamdaman ko 'yon-"
"Eul, tama na 'yan" sabi ng isa sa likod at hinawakan si Eul sa bewang. Hindi iyon pinansin ni Eul... pinilit niya na itago ang pinakawalang emosyon... pinilit niyang pigilan ang hikbi... pigilan ang pag-iyak.
Huminga siya ng malalim at tumayo ng maayos. Dahan-dahan siyang humarap sa mga tao.
Binigyan siya ng nag-aalalang tingin ng kaninang humawak sa kaniya...
"Kaya ko... Kean"
-
Itutuloy
-
BINABASA MO ANG
EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]
Lãng mạn#1 IN LOVEWINS Fiercely, Eul came back to avenge his parents' cold-blooded death. By succeeding his father's chairmanship to Madrigal-Espinosa Group of Companies, the largest conglomerate in the Philippines, the enemies plotted his downfall. Ex-love...