-
"Eul Espinosa, maghanda ka. Oras na para kunin ko ang dapat na akin."
-
Third Person's POV
"Surprise! I'm back!" Masayang bungad ni Skyrus pagpasok ni Eul sa opisina.
"Sky!" Sigaw naman pabalik ni Eul at mabilis na ginanahan upang takbuhin at yakapin nang mahigpit si Skyrus.
Nagulat ang mga bodyguards sa inasta ni Eul sa bagong taong kanilang nakikita. Si Sheena naman ay natuwa dahil sa nasasaksihang saya sa mukha ni Eul.
"Kumusta ka na?! Bakit ang tagal mong hindi nagpakita?!" Saad ni Eul at agad niyang pinasalubungan ng bahagyang suntok sa dibdib si Skyrus.
Maya-maya'y agad na bumuhos ang mga luha mula sa mga mata ni Eul at humikbi ito. Agad naman siyang niyakap nang mahigpit ni Skyrus at sinenyasan si Sheena na palabasin ang mga bodyguards.
Agad naman siyang sinunod ni Sheena at pinalabas ang mga bodyguards ngunit natira si Mr. Ong bilang Chief-of-Security ni Eul.
Dinala ni Skyrus si Eul sa upuan at agad na pinaupo ito at inihilig ang ulo nito sa kaniyang balikat.
"Ilang araw na kasi 'yan siyang stress... daming inaasikaso. Sinabihan kong magpahinga muna ayaw naman makinig sakin" sabi naman ni Sheena.
Patuloy parin sa paghikbi si Eul na ngayon ay nilalabas ang pagod at sama ng loob sa bisig ng kaniyang matalik na kaibigan.
"Sorry... ngayon lang ako nakarating." Panimula ni Skyrus at hinimas-himas ang likod ni Eul para aluin ito.
"Eul, I know... sina tito at tita, nandito lang lagi para suportahan ka..." sunod na sabi niya.
Si Sheena naman ay umupo sa tapat niya at si Mr. Ong sa harap naman ng pinto at nakatingin lang sa kanila.
"Eul... pahinga ka na muna ha? Dito lang ako." Pasimpleng pagtatapos ni Skyrus at pasimpleng hinalikan ito sa noo.
Nahulog muli si Eul sa pagkakatulog nang mahimbing sa mga yakap ni Skyrus. Bakas ang pagod at hirap na pinagdaraanan niya at naiintindihan naman ito ng kaniyang mga kaibigan.
Umpisa nang mawala ang mga magulang ni Eul, hanggang sa asikasuhin niya ang lahat ng kaniyang mga kumpanya, at ang pagtuon pa sa minamadaling kasal niya kay Kean, hindi masisisi si Eul kung ito ay mababaon sa pagod.
Ni hindi siya nabigyan ng sapat na pagkakataon upang magluksa sa pagkawala ng kaniyang mga magulang.
Tila'y naglaho lahat ng mga pader ni Eul kaya't hindi niya na napigilan ang pagbulwak ng kaniyang emosyon.
-
"Kumusta siya?" Sabi ni Kean pagpasok niya sa opisina ni Eul.
"Okay na. Nakahiga na siya sa kama niya." Sagot lamang ni Sheena. Tinitigan siya ni Kean at binigyan niya naman ito ng makahulugang tanong.
"Ano?" Pagkibit na tanong ni Sheena.
"What happened?" Tanong ni Kean muli.
Agad na lumabas si Skyrus mula sa kuwarto ng opisina ni Eul at sinarado ang pinto.
"Napagod siya ng sobra Kean..." pagsagot ni Skyrus.
Sa ilang saglit lang ay tumakbo si Kean kay Skyrus at agad itong niyakap nang mahigpit. "Bakit ngayon ka lang dumating?! Tagal ka nang hinahanap sakin niyan ni Eul" sambit niya pa.
"Inasikaso ko yung Foundation... pinasa na sakin ni Dad yung directory ng ME Foundation." Sagot lamang ni Skyrus.
"Congratulations men!" Sabi muli ni Kean at niyakap muli nang mahigpit si Skyrus.
Kita sa kanilang dalawa ang sabik na makita ang isa't isa ngunit si Skyrus ay nagpipigil dahil may mahalaga siyang dapat na sabihin kay Kean.
"Bakit? Anong meron?" Napansin iyon ni Kean kaya't agad na tinanong si Skyrus.
Naglakad si Skyrus papunta sa couch at sinundan naman siya ni Kean. Sinenyasan niya pa si Sheena na umalis muna ngunit ito ay dumiretso sa kuwarto ni Eul. Si Mr. Ong naman ay lumabas ng opisina at paniguradong pumwesto sa likod ng pinto.
"Men, alam ko namang mahal mo si Eul..." panimula ni Skyrus.
"Alam ko naman kung gaano mo siya kamahal... ramdam ko yun" dugtong niyang muli.
Si Kean naman ay kinuha ang alak at dalawang baso at nilagyan iyon. Matapos malagyan ay binigay niya ang isa kay Skyrus. Tinanggap naman ito ng huli.
"Kean, alam naman nating pareho na nakakapagod at napakabigat ng pasanin ni Eul... ano yung nababalitaan kong minamadali niyo ang kasal?" Diretsong sabi ni Skyrus.
Nagkunot noo si Kean at nagseryoso ng hitsura.
"Kean... si Eul, sigurado akong hindi pa tapos magluksa sa pagkamatay nila tito at tita, marami pa siyang inaasikaso sa ME Group... di naman siguro mabigat na kahit wag niyo na muna madaliin ang kasal... kasi dagdag lang 'yan sa bigat na nararanasan ni Eul eh" mahabang sabi ni Skyrus.
"Sky... naiintindihan naman kita... pero pareho naming gusto ito... pareho naming gusto na ikasal na agad... pareho kaming di na makapaghintay---"
"---bakit? Anong minamadali niyo?" Agad na dugtong ni Skyrus.
Hindi nakasagot si Kean sa sinabi ni Skyrus. Bumuntong hininga nalang siya.
"Kean... kaibigan kita. Naiintindihan kita. Ang akin lang, sana intindihin natin ang sitwasyon ni Eul... hayaan mo muna siyang magluksa sa pagkawala nina tito at tita, na ayusin yung kumpanya niya, yung kasal niyo... maraming oras para diyan... di na kailangan madaliin." Huling sinabi ni Skyrus at tinapik ang likod ni Kean.
Tumayo si Skyrus at ganon din si Kean. Tinahak nila pareho ang daan patungo sa kuwarto ni Eul at pumasok dito. Naabutan nila si Sheena na nakahiga rin sa kama at yakap si Eul.
-
"Mr. Chair, the flight will be tomorrow." Bungad ng lalaking nasa likod niya ngayon.
Tumayo ang tinutukoy na 'Mr. Chair' at naglakad palapit sa salamin. Tumitig sa tanawin sa labas. Tinanaw ang mga matatayog na buildings na nakapalibot sa kaniya.
"The campaign for senatorial and local elections will be started soon... politicians and other parties are now seeking for different private investors for their campaign---"
"We should target the strongest party they have." Pagkuway na sagot ni 'Mr. Chair'.
"Noted. Mr. Chair" sabi niya at may kung anong isinulat sa kaniyang iPad.
Ngumiti muna siya bago magsalita muli. "Also, The Espierre Group of Companies legal department is now processing the papers needed to run the real estate company in the Philippines"
Sa narinig ay mas lalo siyang ngumiti. Bakas sa kaniyang mukha ang saya na mayroong halong pananabik.
"Eul Espinosa, maghanda ka. Oras na para kunin ko ang dapat na akin."
-
Itutuloy
-
BINABASA MO ANG
EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]
Romance#1 IN LOVEWINS Fiercely, Eul came back to avenge his parents' cold-blooded death. By succeeding his father's chairmanship to Madrigal-Espinosa Group of Companies, the largest conglomerate in the Philippines, the enemies plotted his downfall. Ex-love...