EULII12

6K 181 2
                                    


-

"Kevin, call mom, I have to talk to her"

-

Third Person's POV

Sa ilang araw na nagdaan, patuloy parin ang pag-iikot ni Eul sa lahat ng kumpanyang pagmamay-ari ng ME Group. Masyado na siyang busy upang intindihin yung ginawa ni Spiro.

Ngunit sa isang banda, hindi niya maintindihan kung bakit pa ba nagpaparamdam si Spiro. Siya na ang sumira sa relasyon nila. Siya na ang nang-gago sa kaniya pero ang lakas ng loob niyang magpakita basta-basta.

"S-spi-" hindi mabuo ni Eul ang pangalan ni Spiro dahil sa panginginig. Saglit na napatingin si Spiro sa lumuluhang si Eul.

"Spi-spi-ro" bigkas ni Eul. Nanghina si Eul at biglang napaupo. Nanginginig ang kaniyang tuhod maging ang kaniyang mga kamay. Si Spiro naman ay tumayo ng maayos at lalapit na sana kay Eul nang bigla itong sumigaw.

"Man-lo-lo-k-ko k-ka!" utal-utal na sigaw ni Eul. Lumuluha at humihikbi.

"Ngayon, kamunghian mo ako... Niloko lang kita Eul, Tinikman lang kita." Sabi ni Spiro. tumalikod siya nang sabihin niya iyon.

"Ha-ha-ha... pano ba yan, panalo ako Itchan, nauna kong matikman si Eul..."

Sa sandaling dumaan ang mga ala-ala na iyon sa kaniyang pag-iisip, napangiti siya ng bahagya at napataas ang kanang kilay.

Hindi niya maiwasang hindi magsungit sa mga nagdaang araw matapos niyang pagbuhatan ng kamay si Spiro.

Halos hindi niya na pinapansin ang kaniyang nobyo sa tuwing dumadalaw ito sa kaniya, ang mga trabahador sa kanilang bahay, minsan nasusungitan niya na at maging si Sheena na lagi niyang kasama, minsan niya nang hindi pinansin.

Alam naman ni Sheena ang pinagdaraanan ng kaibigan at pilit niyang iniintindi iyon. Nung nakaraan lang, nagplano sila na magkita-kita kasama sina Cassey at Clive pero ngayong araw lang, pina-cancel ito ni Eul.

Magulo ang utak ni Eul dahil na rin sa pagka-busy sa pamamahala, pag-iikot at pagsasaayos ng kaniyang kumpanya. Dagdagan pa na kahit pilitin niyang huwag alalahanin si Spiro, hindi iyon sinusunod ng kaniyang utak.

Tulad ngayon, tahimik lamang na minamasid ni Eul ang direksyon na tinatahak ng sasakyang lulan siya. Tahimik lang din na nag-aadjust si Sheena sa kaibigan at maski na rin ang dalawang nasa harap na sina Mr. Ong at ang driver.

"Ahhmmm... Eul, bukas na yung meeting niyo ni Kean kay Ms. Alex para sa wedding preparation niyo" lakas loob na binasag ni Sheena ang katahimikan sa pagitan ng apat na tao sa loob ng kotse.

Narinig naman ito ni Eul. Tumango lang siya sa kaibigan kahit na hindi nakatingin dito. Binalik niya ang tingin sa labas ng kotse at bumuntong hininga.

Pilit na ngumiti si Eul sa ideyang ikakasal na siya kay Kean. Pilit na pinapakiramdaman niya kung kinikilig ba siya o kung gaano kalakas yung tibok ng puso niya.

Mahal niya si Kean at alam niya iyon simula palang. Ang hindi niya lang maintindihan, kung bakit parang kapag naririnig niya ang salitang 'kasal' at 'kean', may bumabagabag sa kaniya.

Matagal nang plano ni Eul at ni Kean na magpakasal sa ibang bansa. Matagal na nilang pinaplano pero ngayon na nandito na, na pwede na silang ikasal, bakit parang nakakaramdam na si Eul ng pagaalinlangan?

"Hello?" Sagot ni Sheena sa tumawag. Napapikit siya ng marinig ang boses sa kabilang linya.

"Mr. Pangilinan" sabi niya pa. Napatingin sa kaniya si Eul at umiling.

"Mr. Pangilinan, Mr. Chairman was not---" biglang sumigaw sa inis si Kean mula sa kabilang linya. Nilayo ni Sheena ang taenga niya mula sa telepono. "Kala mo tanga eh---sisigaw-sigaw pa" bulong ni Sheena sa kabilang gilid.

"Sorry Mr. Pangilinan, he's not in good mood." Sabi pa muli ni Sheena.

Ilang saglit pa sila nag-usap at pinatay na ni Sheena ang tawag pagkatapos.

-

"Pre, tinanggal na lahat ng billboards mo here in Metro and bukas, pati sa labas na ng Manila" Si Kevin. Nanatiling nakaupo lang sa harap ng salamin si Spiro at nakatitig sa sarili.

"Spiro, malaking problema 'to" sabi pa muli niya.

Hindi siya pinansin ni Spiro na patuloy lang sa pagtitig sa kawalan.

"Kung ako sa'yo, tatanggapin ko ang offer ng ibang kumpanya. Spi, alam kong alam mo na kapag hindi ka na lumalabas sa Magazines at Billboards, wala ka ng kita. Mabuti kung may exposure ka sa TV. Spi, baka ito na ang simula ng pagbagsak mo kung hindi mo tatanggapin yung mga offers nila sa'yo" mahabang litanya ni Kevin.

Sa sandaling ito, hindi na iyon ang pinoproblema ni Spiro. Hindi na ang pagkalaos o mawalan ng exposure. Wala na siyang pakialam doon.

Tanggap niya pa na malaos siya o mabura ang pangalan sa mundo pero hindi niya kailanman matatanggap na magpapakasal na sina Eul at Kean.

Matapos ang araw na nagkita sila ni Eul, hindi na siya pinatahimik ng puso niya. Mas lalo na nang ideklarang ikakasal na ang dalawa.

Hindi niya alam kung anong gagawin niya para matigil ang kasal, hindi niya alam kung paano niya sisirain ang relasyon ng dalawa. Desperado man at masasabing mali ang ginagawa o iniisip niya, wala na siyang pakialam. Basta ayaw niyang ikasal ang dalawa.

"Spiro... makinig ka.... Please... ikaw nalang ang pag-asa ng pamilya natin... sa oras na gumawa ka ng mali, buong pamilya natin ang maghihirap... Spiro... please... kahit ito nalang... kahit ito nalang" mangiyak-ngiyak na pakiusap ng ina ni Spiro sa kaniya. Hindi alam ni Spiro ang gagawin.

Umayos siya ng pagkakaupo sa higaan ng ospital at tumitig sa kaniyang ina. "Ako ba inisip niyo? naisip niyo ba kung masaya ako?" makahulugang panimula ni Spiro.

"Mom... buong buhay ko, buong buhay ko... hindi ko kayo sinuway... ni hindi ako nangialam sa pera niyo ni Daddy... Mom... ngayon ko lang to naramdaman." Mangiyak-ngiyak na saad ni Spiro.

"Spi, anak... huli na ito... isipin mo kami ng Daddy mo... isipin mo kaming buong pamilya mo... please... alam mong nasa mahirap na kalagayan tayo... alam mong wala tayong laban sa mga Espinosa.... Spiro... sa ngayon, nakikiusa-"

"Ma! Ganun lang ba kadali yun? Ginawa mo akong duwag! mom please... tulungan niyo ako..."

"No... Spi, tulungan mo kami ng daddy mo... magtulungan tayo... mga bata pa kayo at wala kayong laban sa daddy ni Eul... alam kong alam mo ang ibig kong sabihin." Makahulugang turan ng mommy ni Spiro.

Sa sandaling naalala niya ang lahat, naalala niya ang mga nangyari dati at kung paano siya napasunod ng mommy niya.

"Spiro, nakikinig ka ba saki---" hindi na nakapagsalita si Kevin nang makitang nakangiti na ang kaninang lugmok na si Spiro.

"Kevin, call mom, I have to talk to her"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon