-
"Nagbabagang balita, natagpuang patay si Senate President Ruffo Gatchalian---"
-
Third Person's POV
Ilang araw na ang nakakaraan mula nang mahuli at pansamantalang ikulong si Senator Gatchalian. Mabilis ang pagbaba ng timbang nito na mas lalong dumagdag sa pagkakulubot ng kaniyang balat.
Puno ng problema, pangamba at iisipin ang senador. Hindi na siya makapagisip ng tama dahil sa mga nangyayari. Labis niyang iniisip ang sinabi sa kaniya ni Eul ngunit matindi niya paring pinanghahawakan ang tiwala niya sa kaniyang kaibigan na tutulungan siya nitong makalabas.
Hindi man niya maisasaayos at malilinis ang kaniyang pangalan sa publiko, ngunit sapat na ang kaniyang negosyo para suportahan ang kaniyang pamilya.
Saglit niyang naisip ang kaniyang asawa, anak at mga apo na siguradong ngayon ay pinuputakte na ng media. Malalim pa ang kaniyang iniisip nang biglang sirain iyon ng dahan-dahang pagbukas ng pinto na pumukaw sa kaniyang atensyon
Iniluwa noon ang lalaking kung susumahin ay mas bata sa kaniya. Nakangiti itong pumasok sa kaniyang silid at diretso itong umupo paharap sa kaniya.
"Kumusta ka naman dito?" Tanong nito sabay iginala ang mga mata sa apat na sulok ng silid.
Hindi sumagot ang senador bagkus ay tumitig lamang dito na may halong pangungusap.
"Senator... maayos ka naman pala dito eh... di ka naman ata nila pinababayaan." Muling saad nito. Sa narinig ay wala sa wisyong natawa ang senador.
"You never failed na patawanin ako..." presko niyang sabi matapos tumawa.
"Help me out..." pagkuway na saad nito at mabilis na lumapit sa lalaki. "I did my job, now, it's your turn..." makabuluhang sabi muli nito sabay ngumisi at tumawa nang bahagya.
Pasimple pang umiling-iling ang lalaki at ngumisi sa senador. Nang makita ang ginawa ng lalaki ay mabilis na nagbago ang ekspresyon ng senador.
"Get me out of here... alam mo kung ano ang kaya kong ilabas na impormasyon..." mapangahas na banta ng senador sa lalaking kaharap. Ang lalaki ay tumayo at naglakad patungo sa likod ng senador at bumulong.
"Senator, 'wag kang magalala... hindi ko pababayaan ang pamilya mo..."
-
"Come on, Eul... you can't lie to me..." paunang sabi ni Skyrus sabay marahang hinimas ang braso ni Eul na ngayon ay nakasandal sa kaniya.
Nakaupo sila sa couch ng opisina ni Eul at inuubos ang bakanteng oras sa panonood ng palabas sa telebisyon na hindi naman nila naiintindihan.
"I know, mahal mo parin si Spiro... wala namang mangyayari sa inyo kung hindi mo na siya mahal..." marahan nitong sabi. Umayos ng upo si Eul at diretsong tumitig sa kawalan habang hinihimas niya ang kaniyang singsing.
"Sky... nagkamali lang kami... isa lang 'yong malaking pagkakamali..." sagot naman ni Eul.
"You can't just say that... mahal ka nung tao..." sita naman pabalik ng matalik na kaibigan.
"I don't know..." umiling pa si Eul at mariing pumikit.
"Eul... ikakasal ka na... at ilang araw nalang 'yon... hindi naman pwedeng mahal mo si Spiro pero magpapakasal ka kay Kean..." makabuluhang sabi ni Skyrus. Napaisip si Eul dahil doon.
Kung aaminin man niyang mahal niya si Spiro, wala nang mangyayari. Wala nang dapat na ituloy dahil matagal nang natapos ang koneksyon niya kay Spiro. Mariin niyang tinatatak sa kaniyang utak na ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Spiro ay isa lamang malaking pagkakamali at nadaan lamang sila sa matinding emosyon.
Naisip niya ang kaniyang nobyo na tapat siyang minamahal. Habang tumatagal, mas lalong bumibigat ang pakiramdam niya dahil sa kasalanang nagawa. Walang ginawa ito kundi pasayahin siya at mahalin ng lubos. Hindi niya maisip kung bakit nakagawa siya ng matinding kasalanan sa nobyo.
"Sky, Mahal ko si Kean..." mariing sabi ni Eul.
"Eul... you can't love two person at the same time... pwedeng yung isa mahal mo at yung natira gusto mo lang. Pero di pwedeng mahal mo sila pareho..." panimula ni Skyrus.
"Kaya kailangan mong pumili... kasi baka mahal mo lang si Kean kasi siya yung nandiyan nung wala si Spiro..." segunda muli nito.
"---at baka tinatanggi mo yung nararamdaman mo kay Spiro kasi hindi mo siya kayang patawarin... kung di mo siya kayang patawarin, hindi ka makakausad..." tumitig si Skyrus kay Eul na ngayon ay natatamaan sa kaniyang sinasabi.
"Eul... ikakasal ka na paalala ko lang sa'yo... matanda na tayo, hindi na tayo mga bata... piliin mo kung saan ka sasaya, hindi yung kung saan ka lang komportable---" sabi pa ni Skyrus na sinapawan ni Eul.
"Magpapakasal ako kay Kean." Solidong pagkakasabi ni Eul na sinegundahan naman ni Skyrus na nagpatahimik dito.
"Edi tuluyan mo nang patawarin si Spiro... you can't go back to the past if your present is being served to you."
-
Naliligo ng pawis at habol hiningang sumalampak si Itchan sa tabi ni Clive. Mabilis na nilagay ni Clive ang kaniyang ulo sa dibdib ng hubad na si Itchan at masugid na pinakinggan ang tibok ng puso nito.
"Itchan, ano ba tayo?" out-of-nowhere na sambit ni Clive. Si Itchan naman ay marahang pinaglalaruan ang buhok ni Clive at iniikot-ikot ito.
"Hindi ko alam, pero masaya tayo... yun naman yung mahalaga diba?" Tanong na sagot naman ni Itchan habang nakatitig sa kisame.
Dismayado man sa narinig, pinagsawalambahala na iyon ni Clive. Ngunit bumawi naman si Itchan sa sunod na sinabi. "After ng kasal ni Eul, pupunta tayo sa probinsya namin... ipapakilala kita sa mga angkan ko dun." Narinig pa ni Clive ang sinabi ni Itchan.
Natuwa naman ang una at napatingala kay Itchan. "Talaga?!" Masayang usal nito. Tumango lamang si Itchan at ngumiti.
Masayang nakatulog si Clive sa mga bisig ni Itchan bitbit ang sayang nararamdaman sa panaginip.
-
"Mr. Espinosa, the senator wants to see you... he says it's urgent." Rinig ni Eul na pagkakasabi ni Mr. Pontigon sa kabilang linya.
Tumingin pa siya kay Sheena na may hawak ng telepono at binigyan ito ng nagtatakang tingin.
"Sige... tell him, I'm on my way now." Sabi lang ni Eul at pinatay na ni Sheena at telepono. Mabilis na hinarurot ng driver ang sasakyan ni Eul patungong Camp Trinidad kung nasaan ang senador.
Ilang minuto lamang nang sila ay makarating sa bukana ng nasabing gusali ay sangkatutak na mga ambulansya ang sumalubong sa kanila.
Agad na ring nagsidatingan ang mga media at mabilis na napuno ang entrance ng gusali.
Hindi nagtagal ay bumukas ang malaking gate ng gusali at iniluwa noon ang katawang nakatakip ng puting tela na diretsong pinasok sa ambulansya.
Pababa na si Eul sa sasakyan nang marinig ang sinabi ng reporter na nagpatigil sa kaniya.
"Nagbabagang balita, natagpuang patay si Senate President Ruffo Gatchalian---"
-
Itutuloy
-
BINABASA MO ANG
EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]
Romance#1 IN LOVEWINS Fiercely, Eul came back to avenge his parents' cold-blooded death. By succeeding his father's chairmanship to Madrigal-Espinosa Group of Companies, the largest conglomerate in the Philippines, the enemies plotted his downfall. Ex-love...