EULII47

768 35 40
                                    

-

Sa susunod na buhay, hindi na kita pakakawalan...

-

Third Person's POV

"Mr. Espinosa... this is what I've found out..." bungad ni Paulo pagpasok sa opisina ni Miles.

Hindi na nagsalita si Miles kundi hinintay nalang ang ipapakita ni Paulo.

"ME Group has the Deep 16, the finest AI in the world... and only a real Espinosa can use it..."

"I'm an Espinosa---" nakangiting wika ni Miles.

"---and you're a real Espinosa..." pagtatapos naman ni Paulo.

-

"Hanggang sa puntong 'to... pinagdarasal ko na sana sakin ka nalang ikakasal..."

Tumingin sa kaniya si Eul at nakita nito ang namumulang mata at ilong ni Spiro. Saglit niya lang itong tinignan sabay huminga ng malalim at sumandal sa upuan.

"Oo nga eh..." sabi niya lang. Nang makita ang mata ni Spiro, nakaramdam siya ng kirot at tila kuryente na nagsipuntahan ang mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya ito mapigil.

Tumango-tango si Spiro. Kinagat niya pa ang kaniyang ibabang labi para pigilan ang pagbulwak ng kaniyang hagulgol.

"After that day... nasira ako... nawasak ako..." hindi na napigilan ni Spiro ang kaniyang iyak at yumuko na siya. Kita pa ni Eul ang paggalaw ng likod ni Spiro dahil sa hikbi nito. Nakaramdam siya ng awa kaya't kinapa-kapa niya ang likod nito.

"And until now... pinagsisisihan ko na di kita pinaglaban..." panimula ni Spiro. "Hindi totoong may nangyari samin ni Kate, hindi totoong tinikman lang kita o yung pustahan namin ni Itchan, hindi totoo mga sinabi ko sa'yo noong araw na 'yon... lalo na yung hindi kita minahal..." segunda pa ni Spiro. Tumingin siya kay Eul na ngayon din ay umiiyak na.

Masugid na pinakinggan siya ni Eul dahil sa wakas ay maririnig niya na ang paliwanag nito.

"Eul... I know, wala na akong magagawa... sasabihin ko sa'yo 'to kasi karapatan mo ring malaman 'to..." wika ni Eul matapos hawakan nang mahigpit ang kamay ni Eul.

"Nagbanta si Mr. Espinosa na pag hindi kita tinigilan at sinaktan, pababagsakin niya kami... I tried..." at humagulgol siya. "I tried to fight for you... God knows, I really tried..." mas lumakas na ang hikbi niya sa pagitan ng kaniyang pagsasalita.

"Eul... nagdesisyon ako para satin... para sa ikabubuti natin... ginawa ko 'yon para narin sa'yo dahil ayokong mapahamak ka..." paliwanag pa niya. Sa pagkakataong ito ay di niya na mapigilang ilahad ang kaniyang braso upang maganyaya ng yakap kay Eul.

"Yakapin mo 'ko... please?" Pagmamakaawa niya kay Eul at mabilis naman itong tinugunan ni Eul. Mahigpit. Puno ng pananabik. Pareho na silang umiiyak at humihikbi.

Sa nalaman ay mas lalong bumigat ang nararamdaman ni Eul. Bigat na tila'y pinaglaruan sila ng tadhana. Na matapos ang ilang taon ng pagdurusa at pagpapakahirap para makalimot ay wala iyong kwenta dahil sa mga nalaman ay sumusuko na siya.

"Eul... God knows how much I loved you everyday... walang araw ang lumipas na di kita inisip... kaya siguro di ako naniniwalang hindi mo na ako mahal... lagi kong pinagdarasal na bumalik ka... na balikan mo ako..." mahabang sabi niya habang umiiyak na yakap si Eul.

"Ayon... bumalik ka nga... pero di na sakin..." Malala. Malakas. Walang katumbas na sakit ang kaniyang naramdaman. Basang basa na ang pareho sa luha at pawis.

Bumitaw sila pareho sa mahigpit na yakap na iyon at bumalik sa dating pwesto kung saan nakatitig sila sa paligid at dinadama ang simoy ng hangin.

Nagisip si Eul ng malalim. Oras na para siya naman ang magsalita. Para siya naman ang maglabas ng sakit at pighati.

"Spiro..." panimula niya. Ang humihikbing si Spiro ay napatingin sa kaniya at ngumiti.

"Honestly... I never stopped loving you..." dagdag pa niya. Sa narinig ay madiing kumapit si Spiro sa kaniyang binti. Sapat na para maramdaman yung sakit. Na kahit papaano ay masapawan yung kirot na nararamdaman sa kaniyang puso.

"Pag naaalala ko yung ginawa mo nung araw na 'yon, oo nakakaramdam ako ng galit pero at the end of the day, hindi ako nagsasawang patawarin ka..." warak na pagkakasabi ni Eul.

"Siguro nga hindi na ako titigil mahalin ka... nandito ka lagi oh..." sabi ni Eul sabay turo sa puso niya. Si Spiro ay mabilis na hinawakan ang kaniyang kamay at mariing hinawakan ito at dinikit sa kaniyang puso.

"Eul..." malalim na boses at humihikbing sabi ni Spiro sabay halik sa kamay ni Eul.

"Pero Spiro... kahit gaano kita kamahal... kahit gaano ako kasaya ngayon dahil sa mga nalaman ko... it cannot change the fact that you're now just a fragment of my past." Pasimple pang pinunasan ni Eul ang kaniyang mga luha. Matapos noon ay humarap siya kay Spiro at hinawakan ang mukha nito upang iharap sa kaniya.

Pinunasan niya ang luha ng humihikbing si Spiro sabay nagsalita.

"Lagi mong tandaan ah? Hinding hindi ka mawawala sa puso ko..." sabi niya sa pagitan ng malalalim na hikbi.

Tuloy pa silang umiyak pareho hanggang sa magsalita si Spiro. "Eul... pwede ba ako mag-request?" nakapikit na sabi ni Spiro.

Tumango lang si Eul bilang pagsagot.

"Pwede bang last kiss?" Tinitigan ni Spiro sa mata si Eul. Ilang saglit lang ay mabilis na kinuha ni Eul ang batok ni Spiro sabay mariin itong hinalikan.

Huling halik na puno ng pagmamahal, pagsisisi, at hindi maipaliwanag na panghihinayang. Halik na tuluyang nagtatapos sa kanilang relasyon. Halik na alam nilang pareho na di na dapat maulit pa.

"I love you..." madiin ang pagkakapikit na sinabi iyon ni Spiro sa pagitan ng marahang paghikbi matapos magbitaw ng kanilang mga labi.

Matapos ang halik na iyon ay tumayo na si Eul at naglakad patungo sa kapaparada lamang na sasakyan ni Skyrus para siya ay sunduin.

Pinagmasdan niya ang naglalakad na si Eul palayo sa kaniya. Ilang hakbang na mas naglalayo sa kanilang dalawa. Hindi niya maiwasang hindi manghinayang sa kanilang pagmamahalan. Pinagmasdan niya pa ito kung lilingunin siya o hindi ngunit hindi ito lumingon.

Nang makasakay si Eul sa sasakyan ni Skyrus, kumaway pa si Spiro kay Skyrus at sumigaw ng pasasalamat sa huli. Ito ang gusto niya, ang makapagusap sila nang masinsinan ni Eul. Ang masabi niya ang lahat ng gusto niyang sabihin. Na malaan ni Eul kung gaano niya ito kamahal.

Nang tuluyang makaalis ang sasakyan ay di na napigilan ni Spiro ang sarili at sunod-sunod na sinuntok ang kaniyang magkabilang hita sa nararamdamang galit sa tadhana.

Tinatanong kung bakit siya pinaglaruan ng tadhana, kung bakit kahit gaano pa nila kamahal ang isa't isa ay hindi na sila pwede pang magsama. Masakit man, mabigat man.

Binuka niya ang kaniyang labi at ngumiti sa langit. Tanging si Eul lamang ang iniisip.

Sa susunod na buhay, hindi na kita pakakawalan...

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon