EULII42

823 38 16
                                    

-

"Senator... this is your last chance... kung may alam ka sa pagkamatay ng mga magulang ko, tell me who he is, and you'll be spared."

-

Third Person's POV

Kinabukasan, nagising si Eul sa sinag ng araw na sumilaw sa kaniyang mga mata. Agad niyang minulat ang mga iyon at bumangon. Nahihilo pa siyang inalalayan ang sarili upang umayos ng upo.

Nagmasid siya sa paligid. Nasa isang kwarto siya na hindi pamilyar sa kaniya. Nang tumayo ay bigla niyang naramdaman ang kirot sa kaniyang butas na nagpahina sa kaniya. Bumalik siya sa pagkakaupo at inalala ang mga kaganapan kagabi.

Sa pagikot ng kaniyang paningin ay napansin niya ang malaking salaming nakaharap sa kaniya. Tinignan niya ang sariling repleksyon sa salamin at nakita ang magulo niyang buhok at hindi maayos na pagkakasuot ng damit. Saglit siyang napaisip dahil hindi pamilyar sa kaniya ang damit na suot.

Malaki ito at malayo sa mga damit na normal niyang sinusuot. Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang bulto ng tao na gumulat sa kaniya. Sapat para siya ay mapatayo at makaramdam ng matinding sakit sa kaniyang likod.

"Good morning!" Masayang bungad pa nito pagpasok. May dala pa itong tray na naglalaman ng pagkain. Nang makita ang reaksyon ni Eul ay agad niyang pinatong ang dalang tray sa maliit na lamesa.

"Wtf?!" Usal ni Eul pagpasok ni Spiro.

Binigyan muna siya ni Spiro ng nagtatakang tingin bago magsalita. "Wala kang maalala?" Natatawang sabi pa ni Spiro.

"Anong ginawa mo sakin?!" Sita ulit ni Eul. Napansin ni Spiro na hindi nagbibiro si Eul kaya't akmang lalapit na ito kay Eul nang bigla itong sumigaw.

"Stop! 'Wag kang lalapit!" Sabi pa ni Eul habang nakaturo ang daliri nito kay Spiro. Iniinda man ang sakit ng likuran, nagawa niya pang umatras palayo kay Spiro. "Where's my clothes?!" Segundang tanong pa nito.

Si Spiro naman ay naglakad palapit kay Eul na ikinaatras muli ng huli. Mabilis na kinuha ni Spiro ang mga nakatuping damit ni Eul na kaninang sinalansan niya.

"Here." Sabi lang ni Spiro sabay turo kay Eul.

Agad naman itong kinuha ni Eul at mabilis na sinuot. "Talikod" sabi niya pa kay Spiro. Sa narinig ay natawa pa nang mahina si Spiro dahil sa biglang nagawi sa kaniyang isip. Kung maayos lang sana sila ni Eul ay aasarin niya ito ngunit di na siya nangahas dahil hindi niya na alam ang takbo ng utak nito. Lalo na ngayon.

Mabilis na sinuot ni Eul ang mga damit niya at naglakad palabas ng kwarto ni Spiro.

"Hindi ka ba kakain?" Nakangising tanong pa ni Spiro nang tumapat si Eul sa kaniya. Inirapan lamang siya nito at tuloy-tuloy na naglakad pabas ng silid.

-

"Fuck! Just... fuck!" Reklamo ni Eul sa sarili sabay marahang pagtuktok sa kaniyang noo. Silang dalawa lang ni Skyrus ang nasa loob ng kaniyang opisina.

Hindi na muna sumagot si Skyrus sa kwento ng kaibigan, bagkus ay inaanalisa ang bawat detalye nito.

"Ni hindi ko alam paano ako nakauwi... o paano ako nakapunta dito..." sunod pang reklamo ni Eul. Tumayo pa siya at tumitig sa salaming pader ng kaniyang opisina. "Shit... Eul, anong katangahan nanaman 'to?!" saad pa sa sarili.

"Nagkita na ba kayo ni Kean?" Sa tanong ni Skyrus ay biglang nakaramdam ng bigat si Eul. Nakagawa siya ng kasalanan sa kaniyang nobyo na ilang araw nalang ay magiging asawa niya na.

"Hindi pa..." maikling sagot nalang ni Eul. "Ni hindi ko nga alam... pano ko siya haharapin---"

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang yamot na mukha ni Kean.

"Bakit hindi ka umuwi?! Ilang beses akong tumawag sa'yo pero hindi mo sinagot!" Maotoridad na bungad ni Kean pagpasok sa opisina ni Eul.

Hindi agad nakasagot si Eul dahil sa gulat na sinamahan na rin ng guilt. "Babe... nagaalala ako... you didn't even call me back!" Reklamo pa uli nito.

"Babe..." pagsisimula ni Eul nang putulin siya ni Skyrus.

"Men... sorry... gumimik lang kami kagabi ni Eul... syempre alam mo na... pag kinasal na kayo, bihira ko na makakasama bestfriend ko... sakin ka nalang magalit men..." pagsisinungaling ni Skyrus kay Kean at inakbayan pa ito. Tumitig pa si Kean kay Eul at mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha.

"Dapat sinama niyo ko..." sabi naman ni Kean sabay lapit kay Eul at yakap dito.

"Kami muna ni Eul... next time, tayo naman gigimik..." pagkuway na sabi pa ni Kean sabay umupo sa couch at ininom ang alak habang nakatitig kay Eul.

Hindi forte ni Skyrus ang pagsisinungaling pero ginawa niya parin para maisalba ang kaibigan.

"I love you..." sabi lang ni Kean sabay halik sa noo ni Eul.

-

Hapon na nang makarating sina Eul, Sheena at Mr. Ong sa Camp Trinidad. Naiwan ang mga bodyguards ni Eul sa labas kaya't ang tatlo na lamang ang nagpatuloy. Sinalubong pa sila ni Mr. Pontigon na kasama ng mga pulis.

"Mr. Chairman..." pagbati ni Mr. Pontigon na tinanguan lang ni Eul. Dire-diretso lang sila patungo sa lugar kung saan ang kinalalagyan ni Senator Gatchalian.

Napansin pa ni Sheena na may nagiba sa kaibigan. Mula nang magkita sila kanina ay tahimik lamang ito. Ni hindi sumasagot sa sinasabi sa kaniya ni Sheena. Inisip na lamang niya na dahil narin sa patong-patong na problemang kinakaharap ni Eul.

Nang magbukas ang pinto ng interrogation room ay tuluyan nang pumasok si Eul at Mr. Pontigon. Naiwan naman ang lahat sa labas.

Kita pa sa mukha ng senador ang pagod at pagkabahala dahil na rin sa kaniyang nalalapit na pagbagsak.

"You cost me my integrity..." makabuluhang simula ni Eul. Mali man, pero sinisisi niya sa senador kung bakit siya ngayon napasok sa mas magulong sitwasyon, hindi lamang sa larangan ng negosyo kundi narin sa kaniya bilang nasa isang relasyon.

Hindi na sinundan ni Eul ang sinasabi bagkus ay umupo nalang sa tapat ng senador. Si Mr. Pontigon naman ay nagsimula nang magsalita habang iniisa-isang lapag ng mga litrato sa lamesa.

"As you can see, yung unang nakita natin... Mr. Espinosa..." panimula ni Mr. Pontigon sabay turo sa bulto ng tao na nasa litrato.

"This person... is not you... senator..." sabi muli ni Mr. Pontigon sabay turo ng bulto ng senador sa litrato.

"Nakita ka at ng lalaking ito sa parehong oras pero magkaibang lugar... ikaw, six streets away from the mansion, but this person, he's inside the mansion... in short, from us, the ME SSA, you're not the killer..." sabi pa ni Mr. Pontigon.

"Hence, you have caught with the evidence of murder... which made you an accomplice to the crime..."

Sa pagkakataong ito, kinuha na ni Eul ang oportunidad upang makapagsalita.

"Senator... this is your last chance... kung may alam ka sa pagkamatay ng mga magulang ko, tell me who he is, and you'll be spared."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon