-
"Hanggang sa puntong 'to... pinagdarasal ko na sana sakin ka nalang ikakasal..."
-
Third Person's POV
"Turn the TV on..." utos ni Sheena sa mga katulong pagpasok nila ni Eul at Mr. Ong sa mansion. Nang magbukas ang telebisyon ay bumungad sa kanila ang kaninang senaryong nasaksihan.
Matapos marinig ni Eul ang reporter ay agad na siyang kumaripas pauwi ng mansion dahil sa gulat.
"Nagbabagang balita, natagpuang patay si Senate President Ruffo Gatchalian sa loob ng kaniyang interrogation room sa loob ng Camp Trinidad pasado alas sais ng gabi" nabalot ng kilabot ang buong receiving area ng mansion dahil sa balitang naririnig.
"Ito ay matapos siyang hulihin ng mga otoridad sa kasong murder sa magasawang mayari ng ME Group of Companies na sina William at Jade Espinosa. Natagpuan ang murder weapon sa loob ng bahay ng nasabing senador matapos ang isinagawang search warrant sa parehong araw."
"Hindi pa naglalabas ng impormasyon ang Camp Trinidad hinggil sa pagkamatay ng nasabing senador---the incident is still under investigation---ani ni Police Chief Menardo Guevarra."
"Ang senador ay nagsilbi bilang kongresista ng ikatlong distrito ng Maynila ng dalawang termino, isang termino sa pagka-alkalde, at dalawang termino sa pagka-senador. Siya ay namatay sa edad na 84."
Kinikilabutan habang nakikinig sa balita, nagulat si Eul sa humawak sa kaniyang bewang at pagkaraan ay niyakap siya nang mahigpit galing sa likod.
"What happened?!" Hindi makapaniwalang usal ni Eul nang siya ay makapagsalita.
"Fuck! What just happened?!" Muling sabi nito. Umalis siya sa pagkakayakap ni Kean dahil sa mabigat na iniisip. "Sheena, call the Chief-of-Police!" Iritableng pagkakasabi ni Eul.
"Water please..." marahang utos ni Kean sa katulong na agad namang sinunod nito. Nang makuha ang baso ng tubig ay binigay niya iyon kay Eul para inumin.
"Drink this..." bigay niya kay Eul sabay marahang paghimas sa likod nito. Ininom naman agad iyon ni Eul. "Relax... just relax, babe." Pagpapakalma sa nobyo.
Nang mailapag ang baso ng tubig sa lamesa ay hinawakan ni Kean nang mahigpit ang kamay ni Eul. "Yes... this is Chief-of-Staff Serrano---" bungad ni Sheena sa tawag nang sagutin ito ng Police Chief.
"General Guevarra, what happend?" Ngayon ay mahinahon nang pagtatanong ni Eul.
"Mr. Espinosa, we're still investigating the incident thoroughly, the PNP together with ME Group SSA are now acting on it." Diretsong saad nito.
"Hence, we recovered the important possessions of the senator... we think it will help you with the investigation of your parents' case. Mr. Pontigon is now on his way to give then to you... for you to have a closer look" huling sabi pa nito bago matapos ang tawag.
-
"Chairman..." bungad ni Mr. Pontigon pagpasok niya ng mansion. Pasado hating gabi na nang makarating ito.
Bakas na ang antok at pagod sa mukha nina Eul, Kean, Sheena, Mr. Ong at iba pang mga bodyguards ni Eul.
"These were his clothes..." panimula ni Mr. Pontigon sabay lapag ng kwadradong bag sa lamesa. Binuksan niya iyon at gamit ang plastic gloves, kinuha at inisa-isa niya itong pinakita sa mga tao sa mansion.
Mabilis na kumuha si Eul ng ipambabalot din sa kaniyang kamay upang suriin ang mga damit ng senador. Mula sa panlabas patungo sa panloob ay kanilang sinuri ngunit wala silang makitang importante dito maliban sa kapiraso ng papel na may nakasulat na pangalan ni Eul.
"Eul." Basa ni Kean dito. Binaliktad pa ni Eul ang papel ngunit wala na siyang nakita pang mahalagang impormasyon maliban sa pangalan niya at mga numero dito. Hindi niya alam kung may halaga ito sa kaniya pero kinuha niya parin ito at binigay kay Sheena. "Itago mo..." utos niya sa kaibigan.
"Maraming salamat, Mr. Pontigon..." sabi lang ng pagod na si Eul bago naglakad paakyat sa kaniyang kwarto upang tapusin na ang nakakapagod na gabi.
-
"Eul..." bungad sa kaniya ni Skyrus paglabas niya ng mansion.
"Oh... what made you come here?" Takang tanong ni Eul.
"Wala lang... ako na maghahatid sa'yo... baka huling hatid ko na sa'yo to bago ka ikasal..." nakangising sabi pa ni Skyrus sabay yakap sa kaibigan. Tinugunan naman ito ni Eul
"Sus... binobola mo nanaman ako... tara na..." paganyaya nalang ni Eul at naglakad na patungong sasakyan ni Skyrus.
-
Sa loob ng sasakyan ay silang dalawa lang ni Eul. Pinauna na ni Eul ang mga bodyguards at sina Mr. Ong at Sheena sa kaniyang opisina.
"Eul... malalampasan mo rin lahat 'to." Malambing na sabi ni Skyrus sabay hawak sa kamay ni Eul at hinalikan ito. Napatingin pa si Eul at napangiti.
"Ang sweet naman ng bestfriend ko..." sabi pa ni Eul.
"Syempre... baka huling halik ko na rin 'yan sa kamay mo eh..." sabi naman ni Skyrus at may bahagyang tawa sa huli.
"Ikaw nga maghahatid sakin sa altar eh..." sabi pa ni Eul sabay dantay sa balikat ni Skyrus.
"I love you... I just wish you to be happy and safe..." sabi pa ng huli at hinarurot ang kaniyang sasakyan.
-
"Bat tayo nandito?" Takang tanong ni Eul nang hininto ni Skyrus ang sasakyan sa isang lilim na parte ng parke. Naunang bumaba si Skyrus at pinagbuksan si Eul. Nagtatakang bumaba si Eul sa sasakyan at tinanong muli ang matalik na kaibigan.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong niyang muli.
"This is the perfect time para makapagusap kayo bago ka umalis ng bansa bukas..." nakatitig sa mata ni Eul si Skyrus habang sinasabi niya iyon.
Nang bumitaw si Skyrus sa pagkakahawak sa mga balikat ni Eul ay dali-dali itong pumasok sa kaniyang kotse at iniwan si Eul. Si Eul naman ay napako sa posisyon nang makita ang pamilyar na mukha na nakaupo sa isa sa mga bench ng nasabing parke. Huminga pa siya ng malalim bago naglakad patungo sa lalaking iyon.
"Spiro." Tawag niya dito.
"Eul." Sabi naman nito sabay ngiti. Umupo si Eul sa tabi ni Spiro at sinamahan itong panoorin ang tahimik na parke.
Walang tao roon at napalilibutan lamang sila ng matatayog na puno. Maayos at maganda ang parke, walang kalat ng basura. Maganda at maaliwalas ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanilang balat.
Huminga ng pagkalalim-lalim si Spiro at tumingala sa langit. Hindi niya na napigil ang luhang kanina niya pa hinaharang at ito'y diretsong pumatak. Maski ang kaniyang paghikbi ay hindi niya na rin naitago.
"Ikakasal ka na..." wasak niyang pagkakasabi. Bahagya pa siyang natawa sa sariling umiiyak sabay nagsalitang muli.
"Hanggang sa puntong 'to... pinagdarasal ko na sana sakin ka nalang ikakasal..."
-
Itutuloy
-
BINABASA MO ANG
EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]
Storie d'amore#1 IN LOVEWINS Fiercely, Eul came back to avenge his parents' cold-blooded death. By succeeding his father's chairmanship to Madrigal-Espinosa Group of Companies, the largest conglomerate in the Philippines, the enemies plotted his downfall. Ex-love...