-
"Surprise! I'm back!"
-
Third Person's POV
Sa isang malawak at engrandeng opisina, sa pinakatuktok ng napakataas na building, ang bawat sulok ay puro salamin, nakaupo ang isang lalaki at nakatitig sa kawalan. Tinatanaw ang napakagandang tanawin sa labas at huminga ng pagkalalim-lalim.
Nasinagan ng araw ang kaniyang mala-porselanang balat at mapulang labi. Siya ay pasimpleng ngumiti.
Agad na bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina at bumungad sa kaniya ang lalaking may hawak na mga papeles.
"Mr. Chair, the contracts have been sent from the Philippines." sabay abot ng mga papeles sa kaniya. "We now have 10 parcels of real estate properties alongside ME Lands" dagdag pa niya sabay upo sa nakalaan na upuan sa harap ng tinatawag niyang 'Mr. Chair".
"Also, ME Group Chairman Eul Espinosa is launching a party---executive party---two days from now."
"For what?" Agad na sagot naman ng tinatawag na 'Mr. Chair'
"According to my sources inside, that will be his welcoming party---from being the new CEO of the ME Group. Also, together with his fiancé, they will be announcing the exact date of their marriage" mahabang paliwanag nito.
Nang marinig ang sinabi ng kaniyang Chief-of-Staff, tumalikod siya at bumalik sa tanawing kaniyang tinititigan kanina.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga sabay sabing "It's time to get what is mine."
-
"Eul, kararating lang ng e-mail, the leading four parties are requesting for a meeting with you---" bungad ni Sheena pagpasok ni Eul sa sasakyan.
"Malapit na nga pala ang eleksyon" pagdugtong ni Eul.
"Yes... ano isasagot ko?" Takang tanong ni Sheena.
"Send them to the ME Foundation, alam na nila ang gagawin" saad lamang ni Eul at marahang pumikit na.
Ramdam ng katawan niya ang pagod sa araw-araw na pagasikaso sa kaniyang mga kumpanya. Hindi maikakaila na malaking dagdag ito sa kaniyang iisipin ngunit wala naman siyang magawa dahil responsibilidad niya ito.
Si Sheena naman ay tinignan lamang si Eul at bumuntong hininga. Ramdam ni Sheena ang pagod at hirap na nararanasan ni Eul dahil sa kaliwa't kanang pagaasikaso nito.
"Eul, okay ka lang?" Tanong pa niya.
Tumango lang si Eul at hindi na nagaksaya ng laway na magsalita pa.
"Eul... I know pagod ka, pano ba naman ang dami mo nang inaasikaso tapos dagdag pa 'yang minamadaling kasal niyo---" panimula ni Sheena. Pinakinggan lang siya ni Eul.
"---Di naman sa tutol ako sa kasal niyo, ang akin lang... baka gusto mong magpahinga muna kasi alam kong pagod na pagod ka na baka magkasakit ka pa" dugtong niya.
"Sheena, okay pa ako... 'wag kang magalala... matatapos din 'to." Sagot lamang ni Eul at dahan-dahang nagpaubaya na sa antok.
Ilang minuto ang nakalipas, tumunog ang telepono ni Sheena at agad niya naman itong sinagot.
"Kumusta?" Bungad ng nasa telepono.
"Oo na... wag mo na akong kamustahin, alam ko naman kung sino ang pakay mo..." pasimpleng sagot ni Sheena.
"Ang tagal niyo naman kasi, kanina pa ako naghihintay dito---" sagot naman pabalik ng nasa telepono.
"Alam mo... ikaw, hihingi ka na nga lang ng pabor demanding ka pa... hintayin mo nalang kami... malapit na kami" huling sagot ni Sheena bago patayin ang tawag. Napatingin si Sheena sa nakatitig sa kaniya sa rear-view mirror ng sasakyan.
Nginitian niya ito sabay sabing, "'Wag kang mag-alala Mr. Ong, kaibigan namin 'yon."
-
"Matapos ang eksenang gumulantang sa mga tauhan ng ME Styles noong nakaraang Huwebes, ang batikang modelong si Spiro Villafuerte ay agad na natanggal bilang major endorser ng ME Group"
"Ayon sa mga saksi sa insidente, malakas na sampal ang pinakawalan ni ME Group Chairman, Eul Espinosa sa nasabing modelo"
"Ang lakas nga ng sampal, kita 'yon ng lahat sa ME Styles Lounge"
"Hindi pa matiyak ang puno't dulo ng pangyayari ngunit malakas ang ugong-ugong sa social media na may hindi pagkakaunawaan ang dalawa."
"Fuck! Dapat pala sinundan kita nung hinabol mo siya... edi sana nakita ko yung solid na sampal sayo ni Eul" Malakas na kantyaw ni Kevin kay Spiro matapos mapanood ang balita.
Nginitian lamang siya ni Spiro at tinuon ang atensyon sa mga litrato nila ni Eul noong sandaling nagka-engkwentro sila. Kita niya ang litrato ng pagsampal sa kaniya ni Eul, ngunit imbis na magalit, sa kaibuturan niya, ramdam niya ang kilig at matagal na pangangailangan kay Eul.
"Sa iba pang balita, matapos ang insidente kung saan sinampal ni Eul Espinosa ang modelong si Spiro Villafuerte, makalipas ang isang araw ay agad na idineklara ni ME Vice Chairman at COO na si Spiro Villafuerte ay isa nang major shareholder ng ME Group na mayroong stake na 1%"
"Originally, Ruby and Ronald Villafuerte are among those individual minor shareholders, with combined 1% of stake, they passed all their assets to their son, Spiro Villafuerte and now entitled as one of the major shareholders of the company---ani ni Mr. Edward Pangilinan."
"Dagdag pa niya, Spiro Villafuerte will remain as the major endorser of ME Group especially of ME Styles and is now appointed as the new president of ME Hotel and Resorts---"
"Men, big time ka na talaga ngayon... pero men, kay Eul, ano na ngayon balak mo?" Pagiiba ni Kevin sa usapan.
"Sa totoo lang hindi ko na rin alam eh... bad shot parin ako---dumagdag pa yung gagong si Kean." Iritableng sagot ni Spiro. Napapikit siya nang malalim at sa ilang saglit lang ay nginitian niya si Kevin.
"'Di bale, 'wag kang magalala men, makukuha ko ulit si Eul. Di ako papayag na makakatuluyan niya yung ungas na 'yon."
-
"---Okay..." sagot ni Sheena sa tawag sa kaniya at agad niya itong pinatay.
"Eul, nagkalat ang mga reporters sa entrance... sa underground parking lot tayo papasok" Pagkuway na sabi ni Sheena kay Eul. Di na sumagot si Eul bagkus ay tumingin nalang sa labas ng kaniyang sasakyan, tinatanaw ang mga nagkalat na reporters sa labas ng kaniyang building.
Sa underground sila dumaan at kasama ng kaniyang mga bodyguards, tinahak nila ang daan papunta sa opisina ni Eul.
Habang naglalakad, tanaw ni Eul ang kaniyang mga tauhan na yumuyuko at bumabati sa kaniya upang magbigay ng respeto.
Bakas ang karangyaan kay Eul---masasabing nasa kaniya na ang lahat ng nanaisin ng mga tao sa mundo. Ngunit sa kaibuturan ng kaniyang puso, may hindi siya matukoy na kakulangan.
Pagpasok niya sa kaniyang opisina, nagulat siya sa bulto ng taong bumulaga sa kaniya.
"Surprise! I'm back!"
-
Itutuloy
-
BINABASA MO ANG
EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]
Romance#1 IN LOVEWINS Fiercely, Eul came back to avenge his parents' cold-blooded death. By succeeding his father's chairmanship to Madrigal-Espinosa Group of Companies, the largest conglomerate in the Philippines, the enemies plotted his downfall. Ex-love...