EULII41

750 41 13
                                    

-

Hindi nawala ang pagmamahal nila sa isa't isa...

-

Third Person's POV

Tahimik sa kaniyang silid. Nakatuon lamang ang kaniyang pokus sa binabasa. Maliwanag at walang gumagambala.

Ilang saglit pa siyang nagbasa nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto at iluwa noon si Itchan. Otomatikong napataas ang kanang kilay ni Clive at sinarado ang librong binabasa. Tumayo siya at mataray na tinitigan si Itchan.

"Ilang beses ka nang gabing-gabi na kung umuwi..." taas kilay na sita ni Clive kay Itchan.

"Anong oras na..." segunda pa ni Clive sabay tingin sa orasan. Si Itchan naman ay naglakad patungo sa kaniyang higaan at umupo doon. "Itchan halos hating gabi na oh... san ka ba kasi naglalagi?!" Napalakas na sabi ni Clive.

Ang nagtatanggal ng sapatos na si Itchan ay napalingon sa sumigaw. Pinanliitan niya ito ng mata at bumwelta pabalik.

"Pake mo ba?!" Pabalik na sigaw naman ni Itchan.

"Ako pa tinanong mo kung may pake?! Eh gago ka pala eh!" Pagalit na sabi na ni Clive.

"Edi kung inaantok ka na, matulog ka! Wala namang pumipigil sa'yo ah... at isa pa, may susi naman ako nitong kwarto..." bwelta muli pabalik ni Itchan

"Nagaalala ako sa'yo..." tugon naman ni Clive.

Bahagyang naramdaman ni Itchan na sumobra siya sa sinabi kaya't huminga nalang muna siya nang malalim bago nagsalita. "Clive... alam mo, gabing-gabi na... wag ngayon..." mahinahon niyang sabi sabay hubad ng damit at humiga sa kaniyang kama.

"Hindi ko na alam gagawin ko sayo... ni hindi ko nga alam kung may karapatan ako eh... kung ano ba talaga tayo..." mahinang litanya ni Clive nang bumalik sa pagkakaupo. Hindi nito mapigilan ang mga nagbabadyang luha na pumatak mula sa kaniyang mga mata.

Ang kaninang matang nakatuon sa binabasa, ngayon ay pinipigilan niyang maglabas ito ng rumaragasang luha.

Si Itchan naman ay humiga at umastang hindi narinig ang sinabi ni Clive.

-

Nang maisara ni Spiro ang pinto ng kaniyang kwarto, agad niyang sinalubong ng malalalim na halik si Eul na ginantihan naman nito. Mapusok. Malalim. Nilalamon sila ng kamunduhan.

Ang kaninang mga kamay ni Spiro na naka-angkla sa bewang ni Eul ay naglalakbay na ngayon sa malambot na likod nito. Ang mga kamay naman ni Eul ay hati sa pinupuntahan nito. Ang kanan ay sa buhok ni Spiro at ang kaliwa naman ay sa dibdib nito.

Tuloy parin ang halikan at marahang pagkislot ng parehong katawan padiin sa isa't isa hanggang sa tuluyan silang bumagsak sa kama.

Nang makasampa sa kama ay mabilis na pumatong si Eul kay Spiro at agad itong tinulungan na maihubad ang pantaas nitong damit. Mabilis ang mga pangyayari.

Sa ginagawa ni Eul ay hindi makapaniwala si Spiro na kaya itong gawin ng maamo kung tignan na si Eul. Naalala niyang nakainom ito at medyo nabahala dahil baka naaabuso niya ang kahinaan ni Eul ngunit sa inaasta ni Eul ay halata namang ginusto ito ng huli kaya't patuloy siyang nagpaubaya.

Hubad na ang pangitaas ni Spiro. Mabilis na pumwesto ang mga kamay ni Eul sa leeg ni Spiro at marahang sinakal ito habang buong pusong niroromansa ang dibdib ng huli.

Pinaglaruan ni Eul ang magkabilang dibdib ni Spiro gamit ang kaniyang dila. Walang nagawa si Spiro kundi mapaungol hindi lang dahil sa nararamdamang kamunduhan, kundi narin dahil sa sayang nararamdaman.

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon