EULII23

967 54 28
                                    

-

"Senate President Ruffo Gatchalian has finally arrived."

-

Third Person's POV

"Gusto kong malaman kung anong koneksyon ni Senate President Gatchalian kay William Espinosa." Ani ni Eul at umupo nang maayos. Tinanggal ang suot na sapatos at pinatong iyon sa isa pang upuan.

"Senate President Ruffo Gatchalian is the Chairperson of Laban Para sa Bayan or LPB Party which is being funded by Madrigal-Espinosa Group of Companies Foundation for 26 years." Mahabang sagot ni Deep 16.

"Bakit binawi ni William Espinosa ang ME Foundation sa LPB Party?" Tanong niyang muli.

"Error. Answer can't be found." Biglang sagot ni Deep 16 na ikinagulat ni Eul.

Napaisip si Eul sa kaniyang katanungan na posibleng kahit si Deep 16 ay hindi alam ang kasagutan kaya't binago niya ang kaniyang tanong.

"May ibang political party bang paglilipatan ng pondo ang ME Group?" Tanong niyang muli. Ngunit mas lalong naguluhan si Eul sa isinagot ni Deep 16.

"Error. The answers can't be found."

"Ang alam ko ba, masasagot mo lahat ng katanungan ko, akala ko ba alam mo lahat ng sagot sa mga tanong ko?" Iritable niyang tanong. Sa pagkakataong ito, tumayo na si Eul at naglakad paikot sa mahabang lamesa habang inaanalisa ang sunod niyang sasabihin.

Kung hindi mo masasagot ang mga tanong ko, siguro may maibibigay ka naman saking impormasyon. Sa isip ni Eul.

"Tell me about the LPB Party." At umupo si Eul para pakinggan ang napakahabang kuwento ni Deep 16.

"LPB Party is cofounded by the first Madrigal-Espinosa Group of Companies Chairman, your late grandfather, Congressman Ramon Espinosa, and the current Senate President, Ruffo Gatchalian in 1973 with elected 14 senators, 85 representatives and 104 local position members" panimula ni Deep 16.

"LPB Party has dominated the political positions in the Philippines in more than two decades. It has produced two presidents, 25 senators, 182 representatives and 374 local positions in its 26 years of domination." Ang mga salamin na pawang pader ng kuwadradong opisinang iyon ay nagmistulang mga monitor nang ipakita ni Deep 16 ang mga litrato ng nakaraan.

"The 2016 National Elections came and so the ending of LPB Party's domination. Three of the strongest politicians withdrawn their contracts and---" hindi na natapos ni Deep 16 ang sinasabi nang magsalita si Eul.

"Stop. Alam ko na 'yang kwentong 'yan eh. Wala ka na bang bagong ipapaalam sakin?" Sagot ni Eul.

Kung hindi niya sakin maibibigay ang sagot sa tanong ko, ako ang kukuha ng sagot galing sa impormasyong hahanapin niya. Sa isip-isip niya.

"Find out all the transactions of William Espinosa with Ruffo Gatchalian in the past 5 years" Sa tanong na iyon, hindi inaasahan ni Eul na sasalubungin siya ng nakasisirang impormasyon.

Ang mga litrato ng kasaysayan ay napalitan ng mga transaksyon na gumulantang sa kaniya. Pilit na inaanalisa ang kaniyang mga binabasa, unti-unting lumilinaw sa kaniya ang mga impormasyong nakalatag.

Sa mga naintindihan, matigas niyang sinambit ang---

"Ruffo Gatchalian, pagsisisihan mong kinalaban mo ang mga Espinosa."

-

"Ganap na ika-pito ng gabi nang buksan ang Madrigal-Espinosa Mansion para sa mga kilalang personalidad na imbitado sa gaganaping bienvenida ni Eul Justine Espinosa bilang bagong Chairman and Chief Executive Officer ng pinakamalaking Group of Companies sa Pilipinas---"

Napuno ang napakalawak na espasyo ng mansion ng napakaraming reporters, kilalang mga personalidad, mga politiko, mga bodyguards at mga shareholders ng ME Group.

Maingay ang tawanan at kamustahan ng mga tao, ganon na rin ang bawat pindot sa mga kamera at bawat bigkas sa mga salita ng mga media na nakapalibot sa buong mansion.

"Inaasahang dadalo ang lahat ng mga shareholders ng ME Group at pati na rin ang mga kilalang partido sa politika upang magpakilala sa bagong mayari ng ME Group---"

-

"Ilang minuto bago magsimula ang nasabing bienvenida ng isa sa pinakamayamang personalidad sa Pilipinas---"

"Clive! Itchan! Come here!" Sigaw ni Cassey nang makita ang dalawang kaibigan. Kasama niya sina Jigs at Kit na ngayon ay nakapostura at pawang pinaghandaan ang okasyong pinuntahan. Ganoon din sina Clive at Itchan na saktong-sakto ang kasuotan sa nasabing okasyon.

Nakapalibot sa kanila ang napakaraming mga reporters na inuulat ang mga kaganapan ngayong gabi at mga bodyguards na masugid na pinapanatili ang seguridad sa mansion.

"Asan na si Sheena?" Pagkuway na tanong ni Cassey kay Jigs.

"Andiyan na sa loob. Palabas na rin daw siya... susunduin niya tayo." Sagot lang ni Jigs at sinubukang tawagan muli si Sheena.

"Cassey! Ikaw ah? Big time ka na rin ah!" pangaasar naman ni Clive kay Cassey.

"Syempre! Si Cassey pa. Bagong Marketing Manager lang naman ng ME Styles kausap mo Clive." Pagmamalaki naman ni Kit sa girlfriend.

Nagtawanan pa sila saglit nang biglang umagaw eksena si Jigs.

"Babe!" Sigaw niya pa sabay baling sa mga kasama "Guys, papunta na si Sheena" sabi pa niya at agad na tinungo si Sheena at pinasalubungan ito ng mabilis na halik.

"Guys! Tara, pasok na tayo" paganyaya ni Sheena nang ibaling niya ang kaniyang atensyon sa mga kaibigan. Niyakap niya saglit sina Clive at Cassey at tinapik naman sa balikat sina Kit at Itchan.

"Kumusta naman buhay bilang bagong Chief-of-Staff?" Pangaasar ni Kit kay Sheena na ngayon ay nakasukbit ang kamay sa braso ni Jigs.

"Hassle grabe! Kung alam niyo lang" sagot niya sabay tawa nang bahagya. "Pero alam niyo ba, yung trabaho kaya ko pa eh pero yung ugali ni Kean, 'yun yung di ko kakayanin eh" dagdag na pagrereklamo pa niya.

"Bakit? Anong meron sa ugali nung Kean?" Pasok sa eksenang sabi naman ni Itchan.

Bumuntong hininga si Sheena bago magsalita nang biglang si Cassey ay pinukaw ang kanilang atensyon.

"Si Skyrus ba 'yan?!" Malakas na sabi ni Cassey na ikinalingon nilang lahat.

"OMG si Skyrus nga!" Segunda naman ni Clive at nagtawanan pareho.

"Men 'yan nanaman si Cassey..." bulong ni Jigs kay Kit na ngayon ay nakakunot-noo na.

"Oo... si Skyrus 'yan, siya na yung pumalit sa daddy niya bilang ME Foundation President." Paliwanag ni Sheena.

"Ang angas naman... sana tayo din no... mayaman" pagkuway na bulong ni Jigs sa kanilang magkakaibigan.

"Anyways... tara na guys, ihahatid ko muna kayo sa table niyo kasi kailangan ko nang puntahan si Eul." Sabi lang ni Sheena at sinamahan na ang kaniyang mga kaibigan.

-

Habang rinig ang malakas na nakaiindak na tunog sa buong mansion, sa labas naman ay lalong nagingay ang mga reporter nang makita ang kalalabas lang na personalidad na lulan ng sasakyan.

"Senate President Ruffo Gatchalian has finally arrived."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon