EULII7

5.9K 191 14
                                    


-

"Fuck off! Put your eyes away from him!"

-

Third Person's POV

"Mr. Pong, you've done enough. I know, ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko this time but, alam ko rin na naabuso ka na..." sambit ni Eul at kinuha ang envelope na hawak ni Mr. Pong. Kinuha niya iyon at tinignan.

"Marami ka nang naitulong sa amin, marami ka nang nagawa... this time, papalitan ko naman lahat iyon." Kinuha ni Eul ang ballpen sa isang gilid at walang isip-isip na pinirmahan ang resignation letter ni Mr. Pong.

"Mr. Pong, pakitawagan ang HR Department" sabi ni Eul. Nagtaka man, ginawa iyon ni Mr. Pong. "Ito na ang huli mong gagawin as my Chief-of-Staff" sabi ni Eul at ngumiti.

Ibinigay ni Mr. Pong ang telepono kay Eul. "Mr. Andrew Pong is now my former Chief-of-Staff, he is now the President of ME Construction. The current president, make him the External Vice President of ME Construction in Australia." Sabi muli ni Eul at umupo ng maayos. "Mr. Pong, you may take your sit" sabi ni Eul at ngumiti.

"As my former Chief-of-Staff, kailangan mo akong hanapan ng mga tauhan na mapagkakatiwalaan ko."

-

"Hello? Sino to?" Nagtatakang tanong ni Sheena sa kung sino man ang nasa kabilang linya.

"Goodmorning! I'm Catherine Taglejo from ME HR Department, I'm looking for Ms. Sheena Serrano..." masiglang sagot nung taong tumawag.

"I-I'm Sheena Serrano" kinakabahang sabi ni Sheena. Kinakabahan siya dahil galing sa HR ang tumawag at kung ano-ano na ang nasa utak niya. Paano kung tanggalin ako? Paano kung... kaya nga ako nag-shift ng management eh! Paano pag---

"You're transferred as the ME Chief-of-Staff, Mr. Chairman is in urgent right now. Sumakay nalang po kayo sa sasakyan na ipinadala ng former Chief, By the way, Congratulations ma'am!" Masigla muling sinabi niya at pinatay na ang tawag.

"Seryoso? OMG!" Hindi makapaniwalang turan ni Sheena kasabay ng kaniyang patalon-talon.

-

"Mr. Pong, gusto kong mapalitan lahat ng mga tauhan dito sa mansion at maski na ang staff ko." Request ni Eul kay Mr. Pong.

"Gusto ko rin na ako mismo ang kumilatis sa kanila. Wala na akong mapagkakatiwalaan sa kanila." Sabi pa niya at tumayo upang pumasok sa sariling kwarto.

Iniwan niya si Mr. Pong sa receiving area ng mansion habang ginagawa nito ang pinaka-huli niyang gagawin as Chief-of-Staff ni Eul.

Hindi niya maitago ang sayang nadarama dahil sa pagkakadestino sa panibagong posisyon. Masasabing mataas ang sahod niya bilang Chief-of-Staff ngunit mas mataas ang kinikita ng mga presidente sa bawat kumpanyang pagmamay-ari ng ME.

Halos ilang oras niyang tinipon ang lahat. Tinanggal ang lahat at pinalitan. Ang lahat ng ipinalit ay pinatawag niya sa mansion upang maihanda at maturuan ng mga dapat na gawin.

Tinawagan din niya ang President of ME Special Security Agency na si Mr. Janus Pontigon para lang ipahatid ang mga pinaka-magagaling niyang tauhan upang ipadala rito sa mansyon.

Maski ang iba't ibang agency upang makahanap ng mga panibagong katulong.

Ang lahat ng pamamalit sa mga tauhan ay tumagal ng halos tatlong oras. Ganap na ika-lima ng hapon nang makarating na ang lahat ng ipinatawag.

Napuno ang mansion ng higit quarentang tauhan mula sa Special Security Agency ng ME na bihasang bihasa sa mixed martial arts at paghawak ng mga armas. Mga matitikas, matitipuno at maskuladong mga kalalakihan. Ang mga kababaihan naman ay mga bagong katulong. At ang nag-iisang natira sa isang gilid ay ang pinaka-bagong Chief-of-Staff na si Sheena Serrano.

Lahat sila ay naka-hilera at nasa harapan nila si Mr. Pong. Pansamantalang nakaikot ang mahigit benteng tauhan ng SSA upang guwardiyahan ang buong mansion habang hindi pa nakakahanap ng mga tauhan si Eul.

Bumukas ang pintuan ng silid ni Eul na rinig na rinig ng lahat. Lumabas mula roon ang lalaking naka-ternong pajamas at long sleeves, tsinelas at neck pillow na naka-ikot sa kaniyang batok patungong leeg.

Halata sa mukha ang antok at pagod na hindi parin hanggang sa ngayon napapawi sa kaniyang katawan. Nakatingin ang mga bagong tauhan sa mala-diyos na lalaki sa kanilang likuran.

Maputi, makinis, maamo ang mukha at maaliwalas titigan. Mga katangiang humihila sa mata ng mga taong naroroon.

Sa hindi inaasahan, bumukas ang main door ng mansion at bumulantang mula roon si Kean.

Nagtatakang pumasok siya sa mansion. Nakita niya si Mr. Pong na nasa harap ng napakaraming tao na nakahilerang nakatayo. Napatingin siya sa direksyon na tinitignan ng mga iyon.

Nang ma-realize niya ang tinitignan ng mga ito ay otomatikong rumihistro sa kaniyang utak ang inis.

"Fuck off! Put your eyes away from him!"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon