EULII37

710 31 15
                                    

-

"Call the chairman now... we may now identified the suspect who killed Mr. and Mrs. Espinosa"

-

Third Person's POV

"Eul... Atty. Mendoza just called..." paunang sambit ni Sheena habang naglalakad sila patungong chopper. Tuloy lang sa lakad si Eul dahil mula sa nangyari kanina ay hindi na siya makapagpokus sa kaniyang ginagawa.

"He said, the major shareholders of ME Group is now urging them to launch the formal reading of your father's will---" tuloy pa ni Sheena ngunit sa pagkakataong ito ay pasigaw na dahil malapit na sila sa chopper. Si Eul ay kasalukuyang lutang na dama parin ang halik na pinagsaluhan nila ni Spiro.

"Eul... what should I say?" Pasigaw na tanong pa ni Sheena bago sila umakyat sa chopper.

"Maybe, hindi na natin pwede pang patagalin... schedule the formal reading today." Malakas na sabi lang ni Eul at sinuot na ang pantakip sa kaniyang taenga.

-

"Siraulo ka talaga Spiro! Ginawa mo talaga 'yon?!" Hindi makapaniwalang usal ni Kevin habang pasampa sila sa sariling yacht ni Spiro.

"Oo naman! Wala eh... di nako nakapagpigil" nakangiting sagot naman ni Spiro at nilapag ang mga gamit.

Sumenyas pa si Spiro sa mga tauhan niya sabay umalis. Magmula nang mailipat sa kaniya ang lahat ng ari-arian ng kaniyang mga magulang, ang lahat ng mga Hotel at Resorts ng ME Group ay si Spiro ang namamahala dahil siya na ang presidente nito.

"Edi ayon... malutong na sampal nakuha mo" pagkuway na kantyaw ni Kevin sa kaibigan.

Kumakamot sa ulong natawa rin si Spiro sa sinabi ni Kevin habang papasok sa loob ng sariling yate. Sinenyasan niya pa ang kapitan na lumarga na.

Nang makapasok ay sumuntok pa sa hangin si Spiro dahil sa sayang nararamdaman. "Men... mahal pa ako ni Eul" malakas na sigaw ni Spiro. Narinig pa ito ng kapitan ng kaniyang yate.

"Sinabi niya?" Pagtatanong ni Kevin.

"Hindi." Maikling sagot lang ni Spiro na ikinatawa ni Kevin.

"Eh pano mo nasabi?" Natatawang wika ni Kevin sa kaibigan.

"Hinalikan ko siya eh... sumabay siya sa halik ko... alam ko... kahit sinampal niya ako... ramdam ko, mahal niya pa ako." Nakangising paliwanag ni Spiro sabay preskong humiga sa kaniyang higaan.

-

Lulan ng chopper, tinatanaw ni Eul ang napakagandang tanawin pababa. Tanging ang pangyayari lamang kanina ang laman ng kaniyang utak.

Nasaksihan ni Sheena ang nangyari pero minabuti niyang hindi na tanungin iyon kay Eul dahil alam niyang naguguluhan pa ang kaibigan.

Hinawakan ni Eul at pinisil ang kaniyang ibabang labi. Dama niya parin. Ramdam niya parin yung labi ni Spiro na nakalapat sa kaniya kanina.

Sa sandaling naalala ay napangiti siya sa di maipaliwanag na dahilan. Bumalik lahat. Lahat ng nakaraan. Lahat lahat.

Mula nang makita niya si Spiro na nakahubad at handang-handang nakaporma sa kamera kanina, biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Mas malaki na ang katawan nito ngayon. Gumanda na at hindi niya maitatangging nahahatak siya nito.

Sandaling napunta ang kaniyang isipan  noong oras na halikan siya nito. Malambot. Masarap. Madiin. Puno ng pananabik. Mas lalo siyang napangiti sa naisip at nakita naman iyon ni Sheena.

-

Bumaba sa chopper sina Eul, Sheena at Mr. Ong na ngayon ay nasa roof top ng ME Center Building. Agad nilang tinahak ang elevator pababa mula dito.

Hindi parin tinangka ni Sheena na magsalita o kausapin si Eul. Si Eul naman ay bakante ang isipan na sumusunod lamang sa kung saan papunta si Sheena.

Tumigil sila sa pintuan ng conference room ng building at ilang saglit lang ay pinagbuksan naman sila. Umupo si Eul sa pinakaharap na upuan at nakita niya pa ang kapatid na si Miles na nakaupo sa tapat niya. Tatlong bakanteng upuan lang ang pagitan nilang dalawa.

"Good day everyone!" Pagbati ni Atty. Calixtro Mendoza sa lahat ng mga tao na nasa malaking silid na iyon.

Pinuno ng mga major and minor shareholders, mga presidente ng bawat kompanya ng ME Group, at ng buong Legal Department ang conference room ng ME Center Building.

"This day, urgently scheduled formal reading of the last Will and Testament of the former Madrigal-Espinosa Group of Companies Chairman, Mr. William Espinosa---" panimula ng abugado.

Otomatikong napatingin si Eul kay Miles na kanina pa nakatingin at nakangiti sa kaniya. Nginitian naman siya ni Eul pabalik bilang pangaasar.

"Last Will and Testament of William Montemayor Espinosa---" sa malinaw na pagbigkas ng abogado ay tuluyan nang nabalot ng katahimikan ang buong silid.

"---I, William Montemayor Espinosa, residing at Forbes Wood Elite Village, Bulacan, Philippines, being of sound mind, declare this to be my Last Will and Testament. I revoke all wills and codicils previously made by me---"

Saglit na tumigil ang abogado at tumingin sa mga nakikinig. Nagulat si Eul nang biglang umupo sa tabi niya si Skyrus at hinawakan nang mahigpit ang kaniyang kamay.

Muli pa siyang sumulyap kay Miles at mataas ang kumpyansang tinaasan nito ng kilay at tinuon ang buong presensya sa pakikinig.

Kinakabahan man, pinalakas na lamang ni Eul ang kaniyang kumpyansa sa sarili at naniwala sa pagmamahal sa kaniya ng kaniyang ama.

"---Article 1, I devise, bequeath and give all my assets to my only son, and heir of Madrigal-Espinosa Group of Companies, Eul Justine Espinosa---"

May kaunting gulat si Eul sa narinig at ang lahat naman ay nagsitayuan at nagpalakpakan. Sumulyap pa siya kay Miles na ngayon ay napahiya sa narinig. Agad itong tumayo at dismayadong lumabas ng nasabing silid.

-

Sa loob ng surveillance room ng ME Special Security Agency Headquarters ay masugid na pinapanood ng bawat ahente ang mga nakuhaang videos bago at pagtapos mamatay ang magasawang Espinosa na magulang ni Eul.

Hanggang ngayon ay hindi parin sila tumitigil sa pagtuklas at pagtugis sa may kagagawan ng karumaldumal na krimeng iyon.

Ilang saglit pa ay may namataan ang isang ahente na labis nitong pinagtuunan ng atensyon.

"Sir... look at this..." pagpukaw ng ahente sa atensyon ni Mr. Pontigon. Agad naman iyong pinuntahan ng huli at inanalisa ang pinapakita sa kaniya ng ahente.

"Sir... kung mapapansin niyo, this footage was taken 30 minutes after the shooting incident..." pagpapakita ng ahente kay Mr. Pontigon at ni-zoom in pa ito sa itim na sasakyang nakaparada.

"This is just six streets away from the ME mansion---" segunda nito.

Sa video ay ilang saglit lang, lumitaw ang kilalang personalidad na pumasok sa nasabing nakaparadang sasakyan. Tumingin pa ito sa CCTV kaya't mabilis siyang namukhaan ng mga tao roon.

"Call the chairman now... we may now identified the suspect who killed Mr. and Mrs. Espinosa"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon