EULII22

1.1K 59 12
                                    

-

"Gusto kong malaman kung anong koneksyon ni Senate President Gatchalian kay William Espinosa."

-

Third Person's POV

Nagising si Eul at agad na tinignan ang kaniyang bintana. Papalubog na ang araw kaya't padilim na rin. Ramdam niya ang higpit ng kapit sa kaniya ni Kean.

Dama pa niya ang init ng hubad na katawan ng nobyong nakayakap sa kaniya. Dahan-dahan niyang tinitigan ang maamong mukha ng nobyo at tinitigan ito sa labi. Agad niya itong hinalikan nang mabilisan at dahan-dahang tinanggal ang nakakapit nitong braso sa kaniya.

Marahan siyang tumayo mula sa pagkakahiga nang walang saplot. Agad siyang naglakad patungo sa banyo upang maligo.

Sa pagdampi ng maiinit na mga patak ng tubig sa kaniyang balat mula sa kaniyang shower, inalala niya ang mga pangyayari noong mga nakaraang araw.

Mula nang malaman niyang pumanaw na ang kaniyang parehong magulang, na hanggang ngayon ay hindi parin matukoy kung sino ang salarin.

Ang kaniyang pagiisip ay naglakbay sa mga pangyayari hanggang sa maalala niya kung gaano kahirap patakbuhin ang napakalaking kumpanya na pinaghirapang itayo ng kaniyang mga lolo.

Mula sa mga taong dapat niyang pagkatiwalaan at mga taong dapat niyang malaman kung sisirain lamang siya.

Saglit na bumigat ang kaniyang mga mata at sumabay sa daloy ng tubig na bumabaybay sa kaniyang buong katawan, ang mga patak ng luha ng pagod, pagsisisi, galit at pighati.

Naalala niya ang mukha ni Spiro na kinamumunghian niya, kung gaano kalakas ang loob nito na kausapin at harapin siya, kung gaano kakapal ang mukha niya para hingiin ang atensyon niya.

Sa saglit na pagiisip ay natulala siya at mas lalong naguluhan. Iwinaglit niya ang mga isipin sa kaniyang utak at itinuon ang sarili sa pagligo.

Lumabas siya sa banyo at dumiretso sa kaniyang walk-in closet upang magbihis. Saglit niyang sinulyapan ang kaniyang matipunong nobyo na mahimbing ang pagkakatulog dahil na rin sa pagod. Sa pagtitig sa katawan ng kaniyang nobyo, pansin niya na malaki ang ikinaganda ng katawan nito, malayo noong una niya itong nakita matapos malaman na buhay pa ito. Napangiti siya nang saglit nang maalala ang nangyari sa kanila.

Nang makapagbihis ay agad niyang kinuha ang kaniyang mahahalagang gamit tulad ng wallet, phones at bag saka lumabas ng kuwarto.

Basa pa ang buhok nang lumabas siya ng main door. Doon niya naabutan si Mr. Ong na nililinisan ang kotseng kaniyang ginagamit.

"Good evening Mr. Espinosa!" Pagbati ni Mr. Ong sabay tayo nang maayos.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong muli nito.

"Gamitin mo nalang yung ibang kotse, sa ME SSA Headquarters tayo." Pasimpleng saad lamang ni Eul at tumungo na sa kabilang sasakyan.

Isa lang ang nasa utak ni Eul na kanina pa bumabagabag sa kaniya.

"The problem is, two weeks before tito William passed away... he withdrew the ME Foundation to LPB..."

-

"Ladies and gentlemen, welcome to Manila International Airport. Local time is 17:45 and the temperature is 32 degree celcius"

"Mr. Chair, we're here in the Philippines" paggising ng lalaki sa kaniyang amo.

"Finally, Eul... finally."

-

"Sir, Mr. Espinosa is now arriving at the headquarters of Madrigal-Espinosa Special Security Agency Headquarters" nagulantang si Mr. Pontigon at agad na napatayo mula sa pagkakahiga sa kaniyang couch at agad na inayos ang kaniyang postura, tumingin sa salamin at dali-daling tumakbo papuntang lounge ng nasabing building.

"All agents, formation!" Sigaw ni Mr. Pontigon sa kaniyang radyo at ilang saglit lang ay nagsitakbuhan ang napakaraming security agents ng kumpanya at pumorma sa lounge ng building para harapin si Eul.

Pinangunahan ito ni Mr. Pontigon at hinintay na dumating ang sasakyan.

-

"Mr. Espinosa, Ms. Serrano's calling" biglang sabi ni Mr. Ong.

Nasa loob ng sasakyan ay sina Mr. Ong at Eul lamang. Si Mr. Ong ang nag-drive at si Eul ang nasa back seat.

"Answer her" maikling sagot lamang ni Eul.

Sinagot ni Mr. Ong ang tawag at ini-set ito sa loud speaker. "Mr. Ong, where's Mr. Espinosa" bungad ni Sheena sa tawag.

"I'm here" si Eul ang sumagot.

"Eul! Where are you!? Bakit di mo 'ko pinatawag?" Sunod-sunod na tanong ni Sheena.

"Paglabas ko ng mansion wala ka naman, and it's urgent kaya si Mr. Ong nalang ang sinama ko" sagot ni Eul.

"Where are you? Papunta na ako" tanong na sagot naman ni Sheena.

"Don't bother. Nandito narin naman ako." Sagot muli ni Eul.

"Anong don't bother ka diyan?! Hinahanap ka sakin ng fiancé mo" tugon ni Sheena.

"I'm here at SSA, 'wag ka nang sumunod, sabihan mo nalang si Kean. Bye." Sagot lamang ni Eul at bumaba na ng sasakyan. Si Mr. Ong naman ay pinatay na ang tawag ni Sheena at bumaba na rin ng sasakyan.

Bumungad kay Eul ang napakaraming security agents at sabay-sabay na binati siya.

Tuloy-tuloy na naglakad si Eul papasok at sinundan naman siya ni Mr. Pontigon at ni Mr. Ong. Ang mga ahente naman ay bumalik sa kanilang mga lokasyon.

"Mr. Espinosa... Mr. Pangilinan is calling" biglang sabi ni Mr. Ong sabay lahad ng kaniyang phone at pinakita ang tawag ni Kean.

"Answer him" sagot ni Eul habang naglalakad patungong elevator.

"We'll talk later... I'm here at SSA." Sagot lamang ni Eul at pinapatay ang tawag kay Mr. Ong.

Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator at dumiretso na si Eul papasok. Naiwan naman sina Mr. Ong at Mr. Pontigon sa labas.

Tulad noong una, inilagay ni Eul ang kaniyang buong kamay sa scanner at agad namang namatay ang lahat ng ilaw sa buong elevator. Ilang saglit lang ay bumukas ang mga emergency lights at tila laser na ilaw ang naglakbay sa kaniyang buong katawan mula ulo hanggang paa.

"Welcome to Deep 16" ani ng boses na biglang nagsalita sa elevator. Ilang minuto ang lumipas ay umandar na ang elevator patungo sa sinasabing 'Deep 16'.

Nang huminto ang elevator, bumukas agad ang pinto nito at bumungad muli sa wakas ang napakadilim na lugar. Tinahak niyang muli ito patungo sa kuwadradong salamin kung saan siya pumwesto noong unang beses na siya'y makaapak dito.

"Welcome to Deep 16 Mr. Eul Justine Espinosa. Please come in" narinig niya muli ang eksaktong mga salita na paganyaya sa kaniya ng naturang boses.

Bumukas ang pinto ng kuwadradong salamin at agad niyang pinasok iyon.

Nang makaupo sa gitnang upuan na idenesenyo para sa kaniya, hindi na siya nagatubiling magsalita.

"Gusto kong malaman kung anong koneksyon ni Senate President Gatchalian kay William Espinosa."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon