EULII43

678 33 15
                                    

-

"I never cheated on him... I never meant what I've said five years ago---"

-

Third Person's POV

"---men, hindi ako nagkamali... mahal niya parin ako." Pagtatapos ni Spiro sa kwento sa kaibigan.

Hindi naman maka-react si Kevin dahil sa mga kinuwento ni Spiro. Nabibilisan siya sa mga pangyayari at naguguluhan lalo na't palapit na ng palapit ang araw ng kasal ni Eul.

Si Spiro naman ay nakatitig sa kawalan sukbit ang ngiti sa kaniyang labi. "Anong plano mo ngayon?" Pagkuway na sambit ni Kevin matapos ang ilang minutong pananahimik.

"Balak ko sana siyang kausapin... yung magusap kami ng masinsinan..." makabuluhang sabi ni Spiro. Nilingon siya ng kaibigan at takang nagsalita.

"Men... nag-sex na kayo pero wala pa kayong usap-usap? Aba matindi kayo pareho!" Sabay pahapyaw nitong tawa.

"Yun nga eh... ramdam ko na mahal niya pa ako... kita ko naman 'yon sa mga mata niya eh" paliwanag pa ni Spiro.

"Mahirap 'yan men... nararamdaman mo lang pero walang kasiguraduhan... dapat siya mismo magsabi sayong mahal ka niya..." sabi pa ni Kevin bago tumayo at naglakad palabas ng dressing room ni Spiro.

"Baka kasi umaasa ka lang." Huling sabi pa nito bago tuluyang isara ang pinto.

-

"'Yon! Nandito na pala ang bata ko eh..." bungad na bati ni Miles sa misteryosong lalaki sabay tayo mula sa kaniyang inuupuan at sinalubong ito.

Nang tuluyang makapasok ang misteryosong lalaki, nagulat siya sa presensya ng pamilyar na tao na nakaupo ngayon paharap kay Miles.

Bakas din sa lalaking ito ang pagkagulat nang makita kung sino ang pumasok sa silid. Inakbayan ni Miles ang misteryosong lalaki at sinamahan ito patungo sa uupuan nito, katabi lamang niya.

"Halos isang linggo nalang..." sabi pa ni Miles sabay lagok ng alak sa basong hawak niya. Ang dalawa namang magkakilala ay nagtitigan lang at pilit na inaanalisa ang mga pangyayari.

Hindi nila parehong alam na magsasama sila sa ganitong sitwasyon pa.

"Bakit parang nagulat naman kayo pareho?" Pagpansin ni Miles sa dalawang magkatitigan.

"Look... mapagkakatiwalaan mo 'tong bata ko..." segunda pa nito na nakatitig sa kaniyang harapan. Ang lalaki naman ay ininom nalang ang kaniyang alak at walang emosyong tumitig kay Miles.

-

"'Yan... perfect!" Huling senyas ng photographer at nang marinig ito ay mabilis na kumilos si Spiro palabas ng studio. Sinundan pa siya ni Kevin na may kung anong pinipindot sa iPad nito.

Nang makapasok sa dressing room, walang sinayang na oras si Spiro upang magbihis. Si Kevin naman ay umupo lang sa couch.

"Kevin... san nga ulit magkikita sila Sheena?" Tanong ni Spiro.

Lumingon ang kaibigan at sumenyas upang maghintay ito. Matapos ang ilang pindot sa kaniyang iPad, sinagot niya ang katanungan ng kaibigan.

"Sa town center malapit sa ME Center Building..."

-

"Hi guys!" Masayang bungad ni Cassey pagpasok sa paborito nilang kainan. Pinasalubungan niya pa sina Clive at Sheena ng kaliwa't kanang beso bago umupo.

"Kumusta naman kayo?" Maligalig na tanong pa niya matapos umupo.

"Eto... di ko na rin alam gagawin ko... nakakapagod na magaral!" Bakas ang pagod sa mukhang sabi naman  ni Clive.

"Ano ka ba... kaya mo 'yan! Magdo-doktor ka pa diba?" Positibong pagpapagaan naman ni Cassey sa kaibigan.

"Nakakapagod 'tong linggong 'to..." pagrereklamo ni Sheena sa mga kaibigan sabay sandal sa upuan. Napukaw naman non ang atensyon ng dalawa. "Grabe... naaawa na ako kay Eul... sobrang na-stress na 'yon..." malungkot pa niyang segunda.

"Panigurado..." dagdag naman ni Cassey. "Lalo na ngayon sunod-sunod talaga yung mga projects ng ME Group..." saad pa ulit niya.

"Naaawa na nga ako... tapos ilang araw nalang ikakasal na siya... halata ko na nga sa kaniya yung pagod eh di niya lang sinasabi... isa pa 'tong demonyong pumatay sa mga magulang niya na ayaw talaga magpahuli." Puno ng awa na paliwanag ni Sheena.

Matapos ng sinabi niya ay saglit na napuno sila ng katahimikan at inisip ang kalagayan ni Eul. Ilang minuto ang lumipas, dumating na ang pagkaing in-order nila.

"Girls... maiba ako, naka-prepare na ba yung susuotin niyo sa kasal?" Pagsimula ni Cassey ng usapan habang kumakain.

"Girl, ikaw na pumili sakin... yung medyo parehas tayo ah... hirap kasi di ko masingit sa schedule namin ni Eul..." sabi pa ni Sheena.

"Okay na 'ko..." sagot lang ni Clive kay Cassey. Maya-maya'y bigla siyang napatanong. "Sheena, pano 'yon... kailangan ko na rin agad umuwi after mismo ng kasal kasi may exam pa kami no'n..." tanong niya pa.

"Ay ganon ba... sige Clive, ako na bahala... mag-book nalang ako ng flight mo... kaso magisa ka nalang no'n... okay lang ba?" Sagot naman ni Sheena.

"Okay lang! Thank you!" Masayang sabi naman ni Clive at tinuloy na nila ang pagkain. Saglit pa silang nagkuwentuhan at nagsalo sa tawanang bihira nalang nila makuha.

-

"Anong ginagawa niyan dito?" Nakataas ang kilay na sita ni Cassey nang makita si Spiro na naglalakad papalapit sa kanila.

Si Sheena naman ay tumitig lang kay Spiro at si Clive naman ay ngumiti sa huli.

"Ay girls... sorry nakalimutan ko... in-invite ko siya kasi gusto niya daw tayong makausap" sagot ni Clive kay Cassey. Binaling naman ni Cassey ang nakataas nitong kanang kilay kay Clive. Ito namang pagdating ni Spiro sabay upo sa tabi ni Clive.

"At wala kang pasabi samin ah?" May inis namang sabi ni Cassey.

Hindi na magsalita matapos noon si Clive dahil inunahan na siya ni Spiro.

"Sheena, Cassey... sorry... pinilit ko lang si Clive." Sabi pa ni Spiro sabay ngiti kay Clive. Ngumiti naman ito pabalik.

"Gusto ko sana kayong makausap..." panimula pa nito.

"Alam mo, ayokong makinig sa kasinungalingan mo..." sabay tayo ni Cassey sa upuan. "Tara na Sheena..." paganyaya niya pa sa kaibigan ngunit ang huli ay nanatiling nakaupo at hindi umalis.

"Sige... simulan mo na." Sabi lang ni Sheena at ang nakatayong si Cassey ay napilitan nalang na umupo at makinig sa sasabihin ni Spiro.

"Five years ago, alam ko namang wala ni isa ang nakalimot no'n satin... alam kong dahil don, naging masama tingin niyo sakin..." mahinanong panimula ni Spiro.

"Siguro it's time na to take the courage na ikuwento sa inyo yung totoong nangyari---" segunda pa niya na pinutol ni Cassey.

"At pano naman kami makasisigurong nagsasabi ka ng totoo?" Walang tiwalang tanong nito.

"Why would I lie again? Last time I did, it cost me my great love..." malungkot at makabuluhang sabi naman ni Spiro na nagpaantig sa tatlo.

Hindi na nagaksaya si Spiro ng oras bagkus ay dali-daling sinimulan ang kuwento ng kaniyang mapait na nakaraan.

"I never cheated on him... I never meant what I've said five years ago---"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon