-
In three days... mapapasakin ka rin...
-
Third Person's POV
"Chairman..." mahinang pagbati ni Mr. Calili nang pumasok ito sa opisina ni Eul kinabukasan matapos ang hindi magandang pangyayari sa kaniyang inilunsad na pagtitipon. Nagmasid pa siya sa buong silid at kinilatis ang mga kagamitan. Mas malaki ang opisina ni Eul kung ikukumpara sa sarili niyang opisina sa ME Styles.
"I would like to apolo---" hindi na naituloy ni Mr. Calili ang sasabihin nang sinegundahan agad ito ni Eul.
"Don't apologize... I am still your model for this year's edition." Sa sinabi ni Eul, ang kaninang malungkot na mukha ni Mr. Calili ay mabilis na napalitan ng saya. "Oh my god! Thankyou Mr. Espinosa!" Maligalig na sabi nito. Bahagya pa siyang pumalakpak at tumayo upang kamayan si Eul.
Hindi na ito tinanggap ni Eul, bagkus ay tinanguan na lamang ito bago nagsalita. "Just prepare your team... I'll be there at 3:00 PM" pagtatapos ni Eul. Si Mr. Calili naman ay nakangising naglakad palabas ng opisina ni Eul. Nasalubong niya pa si Sheena na nakataas ang kilay sa kaniya.
"Buti naman at nagdesisyon ka na..." wika ni Sheena habang naglalakad palapit sa kaibigan.
"This will surely help the ME Group... besides, the company needs Spiro's image."
-
"Senator... sa tingin mo, malaki ang angat natin sa eleksyon?" Ani ni Miles pagkaupo niya sa couch ng pribadong silid. Rinig ang malakas na tunog mula sa labas ng kanilang silid at mga hiyawan mula roon. Dala niya pa ang dalawang baso na puno ng alak at binigay ang isa sa senador.
"Dahil sa'yo Mr. Espinosa... LPB Party will still dominate this year's election!" Masaya namang tugon ni Senator Gatchalian bago inumin ang alak na binigay sa kaniya ni Miles.
"Senator, would you mind?" Sambit ni Miles sabay bigay ng mga papeles. Agad naman itong tinanggap ng senador.
"Fifteen million peso donation from Espierre Group to LPB Party..." diretsong sabi ni Miles.
Masisilayan pa ang mga ngipin ng senador nang ito ay ngumiti dahil sa tinititigang kapiraso ng papel na hawak niya.
"Pauna palang 'yan... just tell me kung magkano pa ang kailangan niyo..." sabi muli ni Miles sabay kuha ng kaniyang telepono at pinindot ito.
"Paulo, let's start the party!" Pasigaw na sabi ni Miles sa kaniyang telepono at ilang saglit lang ay pumasok na ang kaniyang Chief-of-Staff kasama ang limang babaeng tanging panloob lamang ang suot.
Ang mga babae ay dumiretso sa kinaroroonan ni Miles at ng senador. Dalawa kay Senator Gatchalian at tatlo naman kay Miles. Pumwesto ang mga ito sa bawat gilid nila at pasimpleng nilalakbay ang mga kamay nito sa kanilang katawan.
Si Paulo naman ay lumabas na at siniguradong walang makapapasok sa nasabing pribadong silid.
"Ilan pa ba gusto mo senator?" Buong boses na pagtatanong ni Miles. Hindi na makasagot ang senador dahil nakapokus ito sa mga babaeng hinihimas ang kaniyang katawan.
Ang isang babae ay hinahalik-halikan ang leeg ng senador at ang isa naman ay sa labi nito.
Kay Miles naman, hawak at nilalamutak nito ang malalambot na hinaharap ng nakapatong sa kaniyang babae habang masugid itong hinahalikan. Ang babae naman sa kanan niya ay pinapapak ang kaniyang leeg at ang huli naman ay sa kaniyang malapad na dibdib.
Patuloy na nagsaya ang dalawa sa mapusok na nakahain sa kanila. "I-enjoy mo lang 'yan senator... dahil panigurado, mas magsasaya ka pagtapos ng eleksyon..." wika ni Miles nang makalaya sa malalim na halik ng babaeng nasa harap niya.
Bago pa niya tuluyang tanggalin ang panloob nito, gigil na nagsalita pa siya ulit.
"Pinapatagal pa ng ME Group ang formal reading ng last will and testament ni daddy... panigurado, kinakabahan na sila..."
-
"Opisyal nang magsisimula ngayong araw ang campaign period para sa senatorial and local elections... ito ay tinatayang magtatagal ng dalawang buwan kung saan magpapakitang gilas ang iba't ibang kandidato upang makuha ang boto ng madla."
"Ayon sa mga espesyalista, mabigat ang laban ng mga kandidato ngayong taon bilang pagkasenador---masyadong dikit ang laban ng mga tatakbo sa senado... dagdag pa riyan ang hating pagtingin ng mga tao sa kanila---ani ni Benny Sumak mula sa PollsAsia"
"Matapos ang kontrobersyal na pagsuporta ng ME Group sa APM Party, inaasahang mas lalakas ang nasabing partido at mataas ang tiyansang makuha nito ang pinakamaraming bilang sa politika."
"Ngunit giit ng LPB Party, hindi nila hahayaang mangyari ito---we will win this fight---dagdag pa ni Senate President Gatchalian."
-
"This will be the continuation of yesterday's presentation regarding this year's edition---" pagsasalita ni Ms. Cordero sa gitna ng conference room ngunit naputol nang mamataan niya ang pagpasok ni Eul kasama ang Chief-of-Staff at Chief-of-Security nito.
Ang lahat ay bumati kay Eul habang ito ay naglalakad patungo sa upuang katabi ni Spiro.
Si Spiro naman ay nakatitig lamang kay Eul habang ito ay naglalakad patungo sa kaniya. Pinigilan niya ang pananabik na pakiramdam at minabuting kumalma at tumitig sa nagsasalitang si Ms. Cordero.
Nang makaupo na si Eul ay tinuloy na ni Ms. Cordero ang pagsasalita.
"As I was saying, this year's magazine edition will emphasize the ME Group's leadership and authenticity..."
Si Spiro ay hindi mapigilang hindi mapatitig sa kamay ni Eul na ngayon ay nakapatong sa lamesa. Nakita niya pa ang kumikinang na singsing nito. Kumirot man ang dibdib, pinagsawalang bahala niya na lamang iyon at binaling ang atensyon sa nagsasalita.
"The 60th founding anniversary of ME Group will be celebrated together with the release of ME Styles Summer Collection..."
Si Eul naman ay nanatiling nakikinig sa sinasabi ng nagsasalita. Ramdam niyang hindi siya komportable na katabi si Spiro ngunit hindi niya na ito pinahalata. Bahagyang gumalaw ng kaunti si Eul palayo kay Spiro at napansin naman ito ng huli.
"We are pleased to welcome our chairman, Mr. Eul Espinosa..." pagtuon ni Ms. Cordero kay Eul at nagpalakpakan naman ng mga tao sa loob. "And also, to Mr. Spiro Villafuerte." Pakilala naman nito kay Spiro. Ganoon din ang palakpakang natamo nito.
"This year's edition is special because for the first time in the history of ME Group, the chairman will be the front-page model of the magazine... congratulations!" Huling sabi pa ni Ms. Cordero at kasunod noon ang mas malakas na palakpakan sa loob.
Hindi na sinama ni Eul si Kean dahil alam niyang hindi parin ito papayag sa ideyang kasama niya si Spiro.
Nagsalita pa si Mr. Calili bago pa tumayo at umalis sina Eul at mga kasama nito.
"The photoshoot will be in three days... it will be held at one of ME Group's Hotel and Resort in the province of Carles, Iloilo... the Sicogon Island Resort."
Nang maglakad palabas si Eul, naiwan naman si Spiro sa kanina niyang pwesto at isa lang ang sinasabi ng kaniyang utak.
In three days... mapapasakin ka rin...
-
Itutuloy
-
BINABASA MO ANG
EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]
Storie d'amore#1 IN LOVEWINS Fiercely, Eul came back to avenge his parents' cold-blooded death. By succeeding his father's chairmanship to Madrigal-Espinosa Group of Companies, the largest conglomerate in the Philippines, the enemies plotted his downfall. Ex-love...