-
Hindi pa pala kita kilala, Dad.
-
Third Person's POV
Magulo ang buong kwarto, nakakalat ang mga unan at kumot sa buong kama. Ang mga damit ay nakasalampak sa sahig maging ang mga medyas at sapatos na itim. Hindi rin patitinag ang mga walang laman na bote ng alak na nakatumba sa iba't ibang parte ng kwato.
Tanging ang sikat ng araw na nakalusot sa pagitan ng mga makakapal na kurtina ang nagbibigay ng bahagyang liwanag sa buong silid. Hilik lamang ang maririnig sa lalaking tanging brief lamang ang suot na tila nilamon ng kaniyang sariling higaan.
Abot pa ng sinag ng araw ang kaniyang mukha. Nang umabot ito sa kaniyang pikit na mga mata, marahan siyang nagising at pasimpleng kinusot ang mga ito.
Sakto ay tumunog ang telepono at mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Hinanap ang telepono at nang mahanap ay mabilis na sinagot ang tawag.
"Oh" maangas na bungad niya sa tumawag habang mariing kinakapa ang kaniyang batok. Ramdam niya man ang sakit sa kaniyang ulo dahil sa mga ininom kagabi, nagawa niya paring tumayo at humarap sa salamin ng kaniyang kwarto.
"Spiro! Buti sumagot ka na! Kanina pa ako tawag nang tawag!" Sigaw naman pabalik ng kabilang linya.
Rinig pa ni Spiro ang lakas ng pagkakasabi ni Kevin kahit nilapag niya ang kaniyang telepono sa lamesa. Marami pang sinabi ang huli ngunit 'di na ito pinakinggan ni Spiro.
Nilakbay niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang buong mukha. Bakas pa ang kaniyang mapulang mga mata na resulta ng magdamag na pagiyak. Sa sandaling maalala ang mga kaganapan kagabi ay naramdaman niya muli ang lungkot.
Hinubad niya ang kaniyang natatanging suot na pambaba at dumiretso sa shower upang maligo. Mabilis na dumaloy ang malakas na agos ng tubig sa kaniyang katawan. Mula sa kaniyang itim na mga buhok, patungo sa kaniyang mukha, pababa sa kaniyang malapad na dibdib, matitigas na mga abs at pababa pa.
Kinapa niya ang kaniyang leeg at marahang kiniskis ito. Sinandal niya ang kaniyang mga kamay sa salaming pader ng kaniyang CR at dinama ang patuloy na pagagos ng tubig sa kaniyang buong katawan.
"Eul..." wala sa wisyong sabi niya habang nakatitig sa kawalan. Sa ilang saglit ay naalala niya ang mga kaganapan kagabing labis na dumurog sa kaniyang puso.
Rinig niya pa ang boses ni Kean nang magsalita ito upang sabihin ang tuloy na pagiisang dibdib nila ni Eul. May kirot na tumama sa puso ni Spiro nang maalala muli 'yon. Nagbabadyang luha ang namuo sa mga mata niya. Luha ng pagsisisi. Luha ng panghihinayang.
"Hindi ko na alam gagawin ko... ano pa ba dapat kong gawin..." malungkot niyang bigkas. Sa pagkakataong ito, kinuha niya ang sabon at madiing sinabunan ang kaniyang buong katawan. Mariin. May kasamang galit sa sarili.
"Spiro... hindi pa sila kasal! Makukuha mo pa si Eul! Mababawi mo pa siya!" Sita niya sa kaniyang sarili.
Tuloy-tuloy. Mariin. Masakit ang bawat dampi ng kaniyang kamay sa kaniyang katawan. Tuluyang tumulo ang luha niya na puno ng galit at pagkasabik.
Ilang saglit pa ay pinatay niya ang shower at tumitig sa salamin bago magsalita.
"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sa pagkakataong ito, hindi kita makukuha ulit."
-
"Eul, Espierre Group's Chief-of-Staff, Mr. Paulo Nabor, sent an e-mail." Sabi ni Sheena habang naglalakad sila papasok sa ME Special Security Agency Headquarters. Mabilis at malaki ang mga hakbang ni Eul na tila'y nagmamadali. Sa narinig na sinabi ni Sheena, napakuyom ang mga kamay ni Eul.
"Talk to you later." Sagot ni Eul at binigyan si Sheena ng saglit na sulyap.
"Mr. Espinosa, good morning!" Masayang pagbati ni Mr. Pontigon nang salubungin niya si Eul. Hindi na siya pinansin ni Eul bagkus ay dire-diretsong naglakad patungo sa elevator. Ang iba pang mga bodyguards na nasa headquarters ay binigyan ng respeto ang kanilang boss.
Si Sheena, Mr. Ong, Mr. Pontigon at iba pang mga bodyguards ay nasa likod ni Eul at sinusundan ito sa kung saan man ito pupunta.
Nang magbukas ang elevator, naiwan ang lahat sa labas at si Eul na lamang ang tanging tumuloy papasok.
-
"Welcome to Deep 16 Mr. Eul Justine Espinosa. Please come in"
Pumasok si Eul at dumiretso sa kaniyang nakatalagang pwesto. Nang makaupo ay pinatong niya ang kaniyang mga paa sa katabing upuan at preskong umupo. Pinatunog niya pa ang kaniyang leeg bago magsalita.
"Tell me about Miles Espinosa, Espierre Group's Chairman" maikling sabi lamang ni Eul at huminga nang malalim.
May kung anong tunog ang pumuno sa buong kwadradong silid na tila'y maraming pinipindot. Ilang sandali pa ay naglabas ng mga litrato si Deep 16 at pinakita ito kay Eul.
"The late chairman, Mr. William Espinosa has been in a secret relationship with Empress Soriano before his marriage with your mother, Jade Espinosa." Panimula ni Deep 16. Kita pa ang mga litrato ni William kasama ang hindi niya makilalang babae.
"Your father knew about his fixed marriage to the daughter of Madrigals, however, he still continue his relationship with Empress. Empress Soriano came from a not-wealthy family. Unfortunately, The ME Founder, your grandfather, Mr. Ramon Espinosa found out his son's relationship to Empress." Mahabang litanya muli ni Deep 16 at tulad kanina ay nagpakita muli ng mga litrato.
"Before the fixed marriage of Madrigal's daughter and Espinosa's son, Empress told William that she's pregnant with his son. Despite his love for Empress, William broke up with her but made sure that his son will be safe."
"William took Empress to England and made sure of her silence. After years, William took the chairmanship of ME Group and work hard to establish the ME Global. ME Group based in UK assets are now transferred to Miles Espinosa. After the death of your father, Miles Espinosa changed the name of the company to Espierre Group." Pagtatapos ni Deep 16 sa impormasyong kaniyang binigay kay Eul.
Hindi lubos akalain ni Eul na ganito kasalimuot ang kwento ng kaniyang mga magulang. Buong buhay niya na binusog siya ng mga ito sa pagmamahal at pagaaruga.
Isa lang ang tumatakbo sa utak ni Eul. Nagkuyom siya ng kaniyang mga kamay at pinisil ang sariling sintido.
Hindi pa pala kita kilala, Dad.
-
Itutuloy
-
![](https://img.wattpad.com/cover/123390858-288-k891877.jpg)
BINABASA MO ANG
EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]
Romance#1 IN LOVEWINS Fiercely, Eul came back to avenge his parents' cold-blooded death. By succeeding his father's chairmanship to Madrigal-Espinosa Group of Companies, the largest conglomerate in the Philippines, the enemies plotted his downfall. Ex-love...