EULII6

6.2K 180 2
                                    


-

"Mr. Pong, submit your resignation letter"

-

Third Person's POV

"Ganap na ika-sampu ng umaga, idineklara ni ME Group Chief-of-Staff, Andrew Pong na si ME Group Chairman Eul Justine Espinosa ang bagong Chief Executive Officer ng kumpanya"

"There is no voting happened. Lahat ng Executive Committee with Board Members have decided Mr. Espinosa as the new CEO of the company---saad ni COS Pong."

"Matapos ang naganap na pagpupulong sa Conference Hall ng ME Center Building, inaasahang sunod-sunod na bibisitahin ng bagong may-ari ang lahat ng kumpanya nito."

"After this, Mr. Espinosa will visit and check the status of his companies---dagdag pa niya"

"Inaasahang unang dadalawin ni Espinosa ang University, Clothing Line, Publishing at Construction na pagmamay-ari ng sariling kumpanya---"

-

"I'm pretty sure na sobrang busy and stress ngayon si Eul" biglang sabi ni Sheena matapos marinig ang balita.

"Yes... I'm planing to visit him, Sheena, do you think, he'll entertain us?" Hindi siguradong tanong ni Cassey mula sa kabilang linya.

"Ano ka ba?! Eul is Eul, mabait 'yon at alam ko, busy lang siya pero kaya niya tayong i-entertain" paliwanag nalang ni Sheena kahit na papaano ay may hindi kasiguraduhan ang kaniyang sinabi sa kaibigan.

"By the way, I watched the news, uunahin daw niyang puntahan ang Clothing Line ah? Baka pumunta siya later?" Pagiiba ni Cassey sa usapan.

"Yes... baka? umpisa na ng pagiging busy ni Eul" sabi lang ni Sheena. Nag-usap pa sila ng iba bago pinatay ang tawag.

Kasalukuyang nagtatrabaho si Sheena as Operation Manager and Cassey as Marketing Manager ng ME Clothing Line. Kahit na nasa iisang bahagi lang sila ng kumpanya ni Eul, paminsan-minsan lamang silang magkita dahil sa rami ng ginagawa.

-

"Sir Eul, you're going to ME University. President Kintal together with the University Administrators were already there to meet you." Bigkas ni Mr. Pong mula sa passenger seat ng sasakyan.

Nakatingin lamang si Eul sa labas ng sasakyan at pasimpleng bumuntong hininga. Hindi naman na nagsalitang muli si Mr. Pong dahil alam niyang narinig naman siya ni Eul.

Sa likod ng sasakyan, mayroong lima pang nakahilera at ganoon din sa unahan. Ang bawat sasakyan ay punong puno ng mga bodyguards ni Eul.

Habang nakatingin sa labas, hindi maiwasan ni Eul na maalala ang bawat mukha ng mga tao kanina na pumuno sa Conference Hall. Habang naroon siya sa unahan ng lahat, pasimple niyang binasa at kinabisado ang bawat mukha ng mga naroroon.

Tinitiyak niya na isa sa mga iyon ang pumatay o nagpapatay sa kaniyang mga magulang. Sa sandaling iyon, bigla siyang kinabahan sa dumi ng kalakalan ng mundong kaniyang ginagalawan.

-

"Mr. Eul! It was a great opportunity to finally meet the new chairman of the Company!" Masiglang pagsalubong at pagbati ni Mr. Kintal kay Eul Espinosa. Nag-kamayan ang dalawa at masiglang tinahak ang daan patungo sa Conference Room ng University.

Maraming pagpapasikat ang ginawa ni Mr. Kintal at mga kasama nito upang ma-impress si Eul. Masasabing magaganda ang proyekto nito at hindi yung pinipilit lamang pagandahin.

"Expected as of 2020's, the new building of ME University will rise. The popularity and income will rise as high as 50% of the current income" Sabi ng isa sa mga board members.

"Sir, from 1990's 'til now, we're the leading university here in Metro, our Law, Engineering, and Tourism were rank one in Philippines, and Medicine in the whole Asia." Pagyayabang muli ni Kintal.

"I'm hoping for new. Ayokong here in Metro lang. I want, from whole Asia, or as much as possible, the global ranking." Sabi naman ni Eul at nagsimula nang tumayo. "I know, mahirap. But, kung ganyan ang pinagyayabang niyo sa'kin, I'm not impressed---masyadong malaki ang pondong binababa ng ME Group para dito, don't get me wrong if I'm expecting more." sabi niya muli at nagsimula nang maglakad. Si Mr. Pong ay nanatili sa kaniyang gilid.

Dire-diretsong naglakad si Eul patungo sa pinto ng Conference Room. Sinundan siya ni Mr. Kintal at muling nagsalita. "Thankyou Chairman for visiting us. We'll do what you want sir" sabi pa muli nito.

Naiwan na si Mr. Kintal sa loob ng silid. Ang dalawa nama'y tinahak ang daan palabas.

"Next is, the company's clothing line sir. Mr. Calili was already on his way to finally meet you. He's from France to meet the Operation Manager of ME Clothing Line there." Sabi ni Mr. Pong pagkapasok na pagkapasok sa kotse.

Marami nang tumatakbo sa isip ni Eul at alam niyang hindi siya makakatulog mamaya kung hindi niya gagawin ang dinidikta ng isip niya.

"Mr. Pong, Balik tayo sa mansion" sabi lang ni Eul. Tumango si Mr. Pong sa driver. Ang driver naman ay biglang nagsalita. "Balik sa mansion" sabi niya. Maya-maya'y pabalik na ang lahat ng sasakyan sa mansion.

"Mr. Calili, the meeting with Mr. Espinosa has been cancelled. I'll update you when the moved schedule is set" sabi naman ni Mr. Pong at nanahimik na.

Halos kalahating oras pa ang tinahak ng sasakyan bago makarating sa mansion. Hawak ni Eul nang mahigpit ang kaniyang palasinsingan at hinihimas ito upang mawala ang tensyon na nararamdaman.

Naunang bumaba ang lahat ng kaniyang bodyguards at kumalat sa napakalaking espasyo.

Bumaba si Eul at naiwang tulala si Mr. Pong sa kaniyang upuan dahil sa sinambit ng kaniyang amo.

"Mr. Pong, submit your resignation letter"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon