-"Mr. Chairman, Spiro Villafuerte is here. He is the major-"
-
Third Person's POV
"Spiro!" Bungad ni Kevin sa kabilang linya nang sagutin ni Spiro ang tawag. Papikit-pikit pa ang mga mata ni Spiro at pasimpleng kinusot ito.
"Ano bang problema mong kumag ka? Ang aga-aga tatawag ka! Gin-" hindi na naituloy ni Spiro ang sasabihin dahil sa biglang sinabi ni Kevin.
"Si Eul, nasa ME Styles ngayon---" agad na napa-upo si Spiro mula sa pagkakahiga sa napakalambot niyang kama. Nanlaki ang mata at mabilis na umalis sa kaniyang higaan.
"Nakikipag-usap siya ngayon kila Mr. Calili. Ano? Gusto mong pumunta?" Muling turan ni Kevin.
"Malamang! Syempre gusto kong pumunta! Bakit kasi ngayon ka lang tumawag?!" Naiiritang reklamo sa kaniyang kaibigan.
"Fuck! Anong susuotin ko---" hindi magkamayaw na reklamo ni Spiro habang hinahalungkat ang kaniyang closet. Puro long sleeves, polo shirts, jeans at slacks ang laman no'n. Kung ano-ano ang kaniyang kinuha at tinignan kung ano ang mas babagay sa kaniya. "Kanina pa ba siya nandon?" Tanong muli ni Spiro sa kabilang linya na ngayon ay umiiling-iling na.
"Kanina pa... mga two hours." Pasimpleng sabi lang ni Kevin.
"Putangina! Bakit ngayon mo lang sinabi!? Anong aabutan ko run?!" Galaiti ni Spiro.
Tumawa muna sabay "Easy pare... Bilisan mo nalang kasi!" Huling sabi ni kevin at pinatay ang tawag.
Hindi na alam ni Spiro ang gagawin. Sa mga ganitong sitwasyon, nahihirapan siyang pumili ng isusuot dahil wala siyang hinandang pares. Mahirap para sa isang modelong tulad niya ang magpakita sa tao na nakasuot ng 'out-of-fassion' na style. At isa pa, hindi basta basta ang pupuntahan niya, si Eul Espinosa ang pupuntahan niya. Si Eul.
Nang makapili ng isu-suot, agad na siyang dumiretso sa kaniyang banyo at naligo. Nakabukas pa ang pinto. Kita sa katawan ngayon ni Spiro, ang laki ng pagbabago.
Nagka-laman na siya at medyo napuno ng muscles ang upper part ng body niya. Lumaki ang braso, kitang kita na ang mga pan de sal sa kaniyang tiyan, at ang chest niyang may kalakihan na rin. Hindi sobrang laki, ngunit maipagmamayabang.
Lumabas siya sa kaniyang banyo na naka-tapis lang. Napa-iling nang makita ang oras.
"Dahil lang sa'yo Eul, natataranta ako"
-
"Kevin! nasan na si Eul? Nandoon parin ba?" Sunod-sunod na bungad ni Spiro kay Kevin.
"Oo pre, patapos na pero kinausap ko na si Alice na ipakilala ka kay Chairman" sabi naman ni Kevin. "Sige pre, hintayin nalang kita rito" pinatay ni Spi ang tawag.
Nagmamadaling tinahak ni Spiro ang daan patungo sa building ng ME Styles. Sa loob na siya ng kaniyang mamahaling kotse naligo sa pabango, maski ang pag-aayos ng buhok.
Suot ang itim na itim na shirt, naka un-bottoned pa ang dalawang butones sa itaas, pinapakita ang kaniyang maskulado at maputing dibdib, naka tucked-in sa kaniyang denim jeans, na tinernohan ng itim na leather shoes at may sunglasses na naka-sukbit sa kaniyang mga mata. Binaba niya ang kaniyang kotse at tinahak ang daan patungo sa building ng ME Styles.
Tila wala siyang sinayang na sandali upang tignan ang mga tumititig sa kaniya. Nakipagsiksikan pa siya sa punong elevator para lang makaakyat sa 21st floor.
Nang makarating doon, agad siyang tumungo sa lugar kung nasaan ang Conference Room. Nakita niya pa ang mga taong sumisilip mula sa salamin noon. Tila ordinaryo at hindi sikat na tao si Spiro kung umasta ngayon dahil sa sabik na makita si Eul.
Marami ring bodyguards ang nasa labas ng pinto, inaantay na lumabas ang kanilang amo.
Nakita niyang binuksan na ang pinto ng Conference Room at lumabas mula roon ang iba pang bodyguards at maski na rin si Mr. Calili at ang Executive Committee. Sumunod ang Department Heads at mga tauhan nito. Nakita niya pang unang pumwesto si Mr. Calili upang salubungin si Eul.
Tatlong bulto ng tao ang kaniyang nakita na lumabas ng Conference Room. Napatitig siya sa nasa gitna.
Wala pa ring nagbago. Siyang-siya parin base sa mga ngiting pinapakita ng kaniyang mga labi. Nagtatawanan ang tatlong magkakaibigan at ang mga tao naman ay masugid lang na tumitingin sa tatlo.
Hindi niya alam kung nakita siya ni Eul o hindi talaga siya pinansin nito nang magawi sa direksyon niya ang mga tingin ni Eul. Naglakad ang lahat na parang si Eul lang ang nasa gitna ng lahat.
"Uy! Spiro you're here na pala... sayang kanina ipapakilala ka sana namin eh---" biglang sabi ng nasa likod ni Spiro. Hindi na nag-abala pa si Spiro na alamin kung sino ang kumausap sa kaniya.
"Ipakilala mo na ako ngayon" matigas na sabi ni Spiro na tila'y nagpapahiwatig na kailangan siyang sundin.
Nadaanan na ni Eul si Spiro. Tila'y nasa isa silang pilikula na ang bida ay masugid na nagmamasid lang sa isa pang bida. Mabagal ang pangyayari at sa sandali lamang na iyon, nakabisado niya ang buong mukha ni Eul. Nagbalik sa kaniyang ala-ala ang pagmamahal nila sa isa't isa.
Sa hindi kalaunan, huminto ang lahat nang may magsalita. Otomatikong napalingon si Eul sa nagsalita at tila'y tumigil ang mundo nang magawi ang paningin sa katabi nito.
"Mr. Chairman, Spiro Villafuerte is here. He is the major---"
-
Itutuloy
-
BINABASA MO ANG
EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]
Romance#1 IN LOVEWINS Fiercely, Eul came back to avenge his parents' cold-blooded death. By succeeding his father's chairmanship to Madrigal-Espinosa Group of Companies, the largest conglomerate in the Philippines, the enemies plotted his downfall. Ex-love...