EULII8

5.8K 185 4
                                    


-

"Do I have to buy your loyalty?"

-

Third Person's POV

Tumakbo si Kean sa direksyon ni Eul. Nakita iyon lahat ng mga tao sa loob ng mansion. Ang iba ay nagulat kaya't nagdiretso ng tingin kay Mr. Pong. Ang iba ay umiling at natawa sa reaksyon na ibinigay ng bagong dating. Si Mr. Pong naman ay napataas ang kilay dahil sa ginawa ni Kean.

Alam niya, umpisa palang na maging mag-fiancé ang dalawa, masyado nang over mag-react si Kean na akala mo'y obsessed na obsessed sa kaniyang nobyo.

"Bakit ka ba sumisigaw?!" Nairitang sambit ni Eul sa nobyo. Walang salitang lumabas mula kay Kean bagkus ay kinuha niya ang braso ni Eul at hinila papasok muli sa kwarto.

Akmang susugurin na ng mga bagong bodyguards ni Eul ang dalawa nang pigilan sila ni Mr. Pong. "Leave them alone, alam ni Sir Eul ang gagawin niya. Mr. Pangilinan has nothing to do with Mr. Espinosa even if he's his fiancé." Sabi ni Mr. Pong. Nagtataka man, sinunod nalang ito ng lahat.

"When something like that happened again, the Chief-of-Staff, Ms. Serrano and Chief-of-Security, Mr. Ong must be allert. Kayong dalawa lang ang pwedeng unang kumilos. Walang gagawa ng ibang aksyon maliban kung may nag-utos sa inyo, sa kanilang dalawa at kay Mr. Espinosa lang kayo makikinig and nothing more" mahabang paalala niya at nagtanguan naman ang lahat.

"Much money will be the payment for your loyalty. Loyalty lang ang kailangan, bonus nalang ang skills niyo especially the bodyguards. Protektahan niyo si Mr. Espinosa higit pa sa buhay niyo dahil if ever na kahit isa lang sa inyo, including maids and you, Chief-of-Staff, buhay niyo at ng pamilya niyo ang kapalit" mahaba muling paliwanag niya.

Sa kabilang banda, sa loob ng kwarto ni Eul, nandoon ang dalawa. Si Kean na kanina pa lakad ng lakad parito't paroon sa harap ni Eul na ngayon ay iritang-irita na dahil sa ginagawa ng nobyo.

"Ano bang problema mo?!" Naiiritang sabi ni Eul.

"Alam mo namang maraming tao sa labas! Many of them were guys and all of them was madly looking at you!" Sita ni Kean.

"Hindi ko alam" maikling sabi lamang ni Eul.

"Lahat sila bago... ni hindi ko nga mamukhaan ang lahat ng iyon. Ano bang nasa isip mo?" Medyo huminahon na si Kean. "I don't like the way they are looking at you" pahabol na sabi niya.

"Wala ka namang dapat ikabahala, and lahat sila bago, I hired them as my new staff. Hindi na ako nagtitiwala sa mga staff ni Mom and Dad. Si Mr. Pong naman, deserve niya ng mas magandang trabaho." Mahabang paliwanag ni Eul.

"Pero bago silang lahat at hindi mo alam kung sino ang dapat na pagkatiwalaan!" Magiit na sabi ni Kean.

"Kaya nga ako lumabas para alamin yung skills nila---"

"---lumabas ka tapos naka-ganiyan ka lang" putol ni Kean sa sasabihin dapat ni Eul sabay tingin sa suot ni Eul.

"Bahay ko ito and wala namang mawawala kung ganito ang suot ko!" Sita muli ni Eul sa kaniya.

"Look---napa-paranoid ka nanaman. Kean, please calm down. Dito ka lang sa kwarto and wag kang lumabas" sabi ni Eul. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa kama upang lumabas sana kaso bigla siyang hinigit ni Kean mula sa pagkakahawak sa kamay.

"Hindi ka lalabas hangga't ganyan ang suot mo" mahigpit sa hawak ni Kean sa kamay ni Eul habang sinasabi iyon.

Dahil ayaw nang makipagtalo ni Eul sa nobyo, nagpatalo nalang siya at kumuha ng damit sa drawer upang magpalit.

Sa harap ng nobyo, walang hiyang nagpalit ng pantalon at long sleeves si Eul. Nakatitig lang sa kaniya si Kean na tila'y nananabik sa sariling nobyo.

"Eul..." mapangahas na usal ni Kean.

"Kean... tumigil ka..." sabi lang ni Eul at hinalikan sa pisngi ang nobyo. "Kapag hindi na ako busy..." pangaakit na bulong ni Eul sa nobyo. Matapos noon ay naglakad na palabas si Eul.

Naiwan ang nobyo na nakaupo sa kama at napabuntong hininga. "Hindi na ako makapaghintay."

Pagkalabas ng silid, naabutan niya pa ang kaniyang kaibigan na si Sheena sa isang gilid at sa harap naman niya ay may lalaking matipuno na masugid na naghihintay sa kaniya.

Agad siyang inalalayan ng lalaki pababa ng hagdan. Nakangisi naman sa kaniya si Sheena na hindi niya maintindihan, siguro'y masaya siya sa desisyon ni Eul.

Nang makababa ay dumiretso si Eul sa harapan nilang lahat sa tabi ni Mr. Pong.

"Do I have to buy your loyalty?"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon