EULII15

5.6K 176 13
                                    


-

"Anong naisip mo at bumalik ka?!"

-

Third Person's POV

Huminga ng malalim si Eul at tumayo ng padahan-dahan. "So... bakit niyo pa ako kailangan ipatawag?" Ika niya pa.

"Masyado akong maraming ginagawa para pansinin yung ganiyang kaliit na bagay" pagtataray ni Eul. Nagkatinginan ang mga tauhan sa loob ng silid at pasimpleng huminga ng malalim dahil sa sinabi ni Eul.

"Hmmm... sir, Mr. Chairman, you are needed to appoint Mr. Villafuerte to any directory of the Company." Sabi naman ng babae sa isang gilid.

"Bakit kailangan pa? Mrs. Ruby Villafuerte gave all her assets and stake to Mr. Villafuerte... it means, Mr. Spiro Villafuerte is the New President of ME Resorts" pahayag ni Eul at tumingin saglit kay Spiro. Napatango-tango naman ang lahat na naroroon.

"Mr. Chairman," panimula ng isa pa. Napa-tingin siya sa direksyon ng nagsalita. "Bumaba ang ratings natin, kahit na yung sales lalo na sa ME Styles" sabi ni Mr. Pangilinan.

Hindi niya alam kung ano ang dapat na ipakitang reaksyon sa tatay ng kaniyang nobyo. Nilihis niya ang kaniyang tingin patungo sa ibang bulto ng mga tao.

"Simula nung tinanggal mo si Mr. Villafuerte as the Major endorser of the company... we have to do something" sabi pa muli ni Mr. Pangilinan.

"Marketing Department must take responsibility for that. They must do something." Sabi naman ni Eul.

"Spiro Villafuerte is the leading male model in the country, we have to take him back" sabi ni Mr. Pangilinan at tinignan si Spiro sa isang gilid.

"Then, Mr. Pangilinan, as ME COO, ikaw na mag-ayos niyan... ibalik mo kung ibabalik mo." Hindi maiwasang hindi mairita ni Eul dahil ang lumalabas, siya ang may kasalanan sa pagbaba ng sales and profit ng ME Styles company.

Pumikit ng mariin si Eul at tumayo. "Next time, don't ever summon me in such unimportant matters" Nagsimula na siyang maglakad palabas ng silid at huminto.

Nilingon ang lahat ng nasa loob ng walang pinapakitang emosyon. "Oh, by the way, congratulations Mr. Villafuerte!" Sabi niya at naglakad muli palabas.

Sa paglalakad na iyon, taka man, tumayo ang lahat at nagbigay galang.

-

"Eul... calm down... bakit ang init ng ulo mo?" Tanong ni Sheena sa kaibigan pagpasok sa sasakyan. Nanatiling tahimik na nakatitig si Eul sa labas.

"Don't tell me, naiirita ka sa mukha ni Spiro?" Sabi pa muli nito at sumandal sa upuan. "Well, lahat naman ata tayo, iritang-irita sa mukha niya... Eul, listen... you have Kean now... si Kean nalang intindihin mo at ang kasal niyo..." sabi pa nito

"Ano ba ang nasa isip ng mga Villafuerte at pinilit pa talaga nilang pumasok sa Major Shareholders?" Nagtatakang turan ni Eul.

"Big deal ba 'yun? Sa tingin mo ba may masama na agad silang balak?" Tanong naman pabalik ni Sheena.

Mas pinili nalang ni Eul na manahimik at tumingin sa labas hanggang makapasok sina Mr. Ong at ang driver sa loob.

Nagkibit-balikat na lang si Sheena sa inasta ng kaibigan.

-

Matapos lumabas ni Eul sa Conference Room, ang lahat na rin ay nagkani-kaniyang alis doon.

"Mr. Villafuerte, congrats on stepping up here! I'm taking you back as the main endoser of our company, do you object?" Sunod-sunod na bungad ni Mr. Pangilinan kay Spiro.

"No. I'm gladly taking it... Thankyou Mr. Pangilinan." Sabi naman ni Spiro sabay hawak sa kamay nitong nakalahad sa harap niya.

-

"Spi, pinapatawag ka ng Marketing Department ng ME Styles." Sabi lamang ni Kevin sa kaibigan sabay "Ba! Mukhang good mood ka ngayon ah? Kumusta?" Nang mapansin ang ekspresyon ni Spiro.

"San ba dapat una kong sagutin?" Tanong ni Spiro sabay ngiti.

"Maya-maya... 3:00 PM, may meeting sa Marketing Department, paguusapan siguro yung commercials and billboards na pinakita sakin sa contract..." sabi muli ni Kevin. "Pero pre, kumusta pagkikita niyo ni Eul? Maganda ba kinalabasan?" Pahabol ni Kevin.

"Okay naman... kaso mukhang galit parin sakin si Eul, mukhang hindi niya parin ako pinapatawad" sagot naman ni Spiro.

"Okay lang 'yan pre... baka hindi pa kasi ito yung tamang oras..." ika ni Kevin.

Biglang natahimik si Spiro at napatitig sa sariling emahe sa salamin. "Hindi pwedeng hindi ito yung tamang oras..." sabi niya sa sarili.

Huminga siya ng pagkalalim-lalim at humarap sa kaibigan.

"Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi matuloy yung kasal nila ni Kean"

-

"Mr. Pangilinan, nandito na po yung new endorser ng ME Styles." Sabi ng babaeng pumasok sa silid.

"Sige papasukin mo nalang" sabi ni Kean at humarap ulit sa mga tao sa loob ng silid.

ME Marketing Head, Marketing analysts, Operation Staffs, ME Styles and Publishing, Operation Manager and Marketing Manager at mga staffs nito.

"Kailangan natin mas mapataas yung sales ang profit" sabi ni Kean sa mga tauhan na kasama.

"Base kasi sa---oh! Mr. Villafuerte! You're back!" Sabi nung ME Marketing Head sabay tayo.

Nagulat si Kean sa narinig na pangalan kaya't napatingin siya sa pumasok.

Nakita niya si Spiro... yung lalaking nagtangkang umagaw sa kaniya kay Eul. Agad na nag-igting ang kaniyang mga bagang at tumiklop ang mga palad.

Sa saglit na magtagpo ang kanilang mga paningin, agad na rumihistro sa mukha ni Kean ang inis at irita.

"What are you doing here?!" Sita ni Kean sa kakapasok lang na si Spiro.

Napatingin ang lahat kay Kean sa pagtataka.

"Ohhh... Sir Pangilinan, Siya si Mr. Villafuerte, yung Major endorser natin..." paliwanag nung Marketing Head.

"Then, you're fired!" Sabi ni Kean kay Spiro.

Tila nang-asar na ngumiti si Spiro sa kaniya na lalo niyang kina-inis.

"Ohhh---Mr. Pangilinan, your father hired him! Please calm down" biglang pasok ng sekretarya ni Kean.

"Just get him out!" Singhal ni Kean sa lahat. Hindi parin niya magawang kumalma. Tinanggal niya ang higpit ng kaniyang kurbata at minasahe ang sintido.

"All of you... get out!" Singhal muli nito ngunit sa lahat na naka-tuon.

Nagkatinginan ang lahat kumunot ang mga noo sa taka dahil sa pinapakitang reaksyon ni Kean.

"I said, get out!!!" Malakas at nakaririnding sigaw ni Kean. Ang lahat ay nagsitayuan at nagkanda-ugaga na lumabas ng silid.

Aalis na sana ang lahat nang magsalita muli si Kean...

"You! stay!" turo niya kay Spiro. Sabay sigaw. Dali-daling sinara ng mga tauhan sa labas ang pinto.

"Anong naisip mo at bumalik ka?!"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon