EULII34

732 34 10
                                    

-

"Maniwala ka sakin... ayoko ng traydor..."

-

Third Person's POV

"Men, galit na galit yung Kean sa'yo ah?" Sita ni Kevin nang makapasok sila sa dressing room ni Spiro. Umupo ang dalawa sa couch at preskong sinandal ang mga ulo roon.

Bahagyang napangisi si Spiro nang maalala ang mukha ni Kevin na galit na galit sa kaniya. "Mas natutuwa ako pag galit na galit siya sakin... biruin mo, nasa kaniya pa si Eul... pero dumating lang ako kinabahan na siya" mayabang na sambit ni Spiro habang nakatitig sa kisame.

"Ibig sabihin lang niyan men, hanggang ngayon, natatakot siyang makuha mo ulit si Eul." Pagsagot naman ni Kevin.

"Yung kinakatakot niya, yun mismo yung gagawin ko..." nakangiting sambit ni Spiro.

-

"I love you!" Sabay halik ni Kean sa labi ni Eul bago maglakad palabas ng opisina nito.

Si Sheena naman ay sumunod kay Kean palabas.  "Oh... anong plano mo ngayon?" Agad na tanong ni Sheena pagsarado niya ng pinto.

"Hindi ko rin alam eh..." sagot na lamang ni Eul sa kaibigan.

Silang dalawa nalang ang nasa loob ng opisina. Si Eul ay napahawak sa magkabila niyang pisngi at pinisil iyon. Si Sheena naman ay umupo sa harap ni Eul. Sinukbit pa nito ang kaniyang kanang braso upang sumandal sa couch.

"Alam mo... ang OA din talaga niyang si Kean... sobrang obsessive sayo." Pagkuway na puna ni Sheena. Si Eul naman ay napairap ang mata dahil sa sinabi ng kaibigan.

"Yun nga eh... kahit naman nung mga bata pa kami... ganiyan na siya sakin" sagot naman ni Eul.

"Gets ko naman na mahal ka niya... pero, hello?! Ikakasal na kayo oh..." paliwanag ni Sheena habang winawasiwas ang kaniyang kamay.

"Di pa ba siya kumbinsido na siya lang mahal mo?" Sambit pa ulit nito.

Si Eul ay hindi na nagsalita matapos noon. Nilakbay ni Eul ang kaniyang isip sa sandaling mangyari ang engkwentro kanina.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman sa mga naalala. Di tulad nung una na puno ng galit at poot ang pumuno sa kaniyang katawan nang makita niya si Spiro, ngayon, kanina, tila bumaliktad lahat iyon.

Tulad parin noong una silang magkita. Kakaiba. Hindi maipaliwanag. Nakakasira ng pokus.

Hindi niya mawari kung bakit may kakaibang dulot sa kaniya ang presensya ni Spiro. Na para bang binabalik siya nito sa nakaraan. Binibigyan siya ng di maipaliwanag na kaba at pagkasabik.

Limang taon na ang nakalilipas pero aminado siya sa kaniyang sarili na hindi parin nagbabago ang epekto ni Spiro sa kaniya.

Kahit pa ilang beses niyang tinatak sa utak niya kung gaano kasakit yung ginawa sa kaniya ni Spiro, natatapos parin ang gabi na napapatawad niya ito. Magagalit sa tuwing maaalala yung sakit, pero pilit na nililibing nalang iyon sa nakaraan.

Mula nung una niyang makita si Spiro at nangahas itong kausapin siya, binuhos niya ang limang taon na hinanakit dito gamit ang isang malakas na sampal. Na sa tuwing makikita ito, pinapakita niya na kinamumunghian niya ang taong dati niya ring minahal.

Marami nang nangyari, marami nang nagbago pero hindi niya maikakailang mayroon paring espesyal na puwang si Spiro sa kaniya. Ito ay kahit na hanggang ngayon ay dama niya parin ang bigat at sakit ng panloloko sa kaniya ni Spiro noon.

Sa tuwing maaalala niya si Spiro, agad namang nilalabanan ng kaniyang isip ito at kinukumpara ang nobyong si Kean dito. Masaya si Eul sa nobyo, nagagawa niya ang mga gusto niyang gawin at ramdam niyang mahal na mahal siya nito.

Binibigay ni Kean ang anumang kagustuhan ni Eul at hindi ito nagmimintis na pasayahin siya. Ngunit magkaiba sina Spiro at Kean. Malayo ang pagitan ng mga ito.

Sa mga naiisip ay hindi na natuon ni Eul ang atensyon sa kanina pa palang nagsasalitang si Sheena. Kaya't upang makuha ang atensyon ng kaniyang amo, pumitik ito sa tapat ng mga mata ni Eul na gumising dito.

"Eul, ano? papasukin ko na ba?" Tanong ni Sheena.

"Huh? Yung ano?" Naguguluhang sagot naman ni Eul.

"Si House Speaker Benedict Santos... nasa labas na..." sabi na lamang ni Sheena.

"Oh... yes... papasukin mo na" nagmamadali namang sabi ni Eul sabay umayos ng pagkakaupo.

-

"Bakit parang wala ka naman sa mood?" Nakaangat ang tinging tanong ni Clive sa hubad na Itchan ngayon.

Tinigil ni Clive ang ginagawa at tinitigan si Itchan na ngayon ay nakatingala habang dinarama ang ginagawa ni Clive.

Nang mapansin ni Itchan na tumigil si Clive, tinignan niya ito at binigyan ng nagtatanong na tingin.

"Kasi kanina ko pa napapansin... pagpasok mo palang ng pinto, wala ka na sa mood" seryosong paliwanag ni Clive.

Umiling nalang si Itchan sabay hawak sa buhok ni Clive. "Wala... tuloy mo lang" sambit nito sabay mabilis na sinubsob si Clive sa naghuhumindig niyang alaga.

Nagulat man, hindi na iyon binahala ni Clive kundi ay tinuloy na ang kanina niya pang paglalaro gamit ang dila at kabuoan niyang bungaga sa alaga ni Itchan.

Taas-baba. Marahan. Malalim. Ang mapusok na ginawa ni Clive. Si Itchan naman ay bahagyang umuungol sa nararamdamang sarap na ginagawa ni Clive.

"Ugh... ahhh... sige pa..." mararahang ungol ni Itchan.

Sa madilim na silid ay ungol lamang ni Itchan at ang nagagawang tunog ng pagromansa ni Clive lamang ang naririnig.

"Sige pa... tuloy mo lang... 'yan... ang galing mo talaga..."

-

"Mr. Espinosa..." bungad ni Mr. Santos pagpasok nito sa opisina ni Eul.

"Come in..." paganyaya naman ni Eul. Agad namang tumalima ang kongresista at umupo sa tapat ni Eul.

"It's a great pleasure to meet you... Mr. Espinosa" pagkuway na sabi muli nito. Sabay lahad ng kaniyang kamay na agad namang kinuha rin ni Eul.

"In behalf of APM Party, we would like to express our gratitude to you, Mr. Espinosa, for choosing us." Sabi pa muli nito.

Ngiti at bahagyang tango lamang bilang sagot ang binigay dito ni Eul. Nang hindi ito nagsalita ay mabilis niyang kinuha ang mga papeles na dala at inilatag ito sa taong kaharap.

"You should win this election..." direktang sabi ni Eul bago pirmahan ang mga kontratang nasa harap niya.

Matapos ang pagpirma, nakataas ang kanang kilay na nagbigay siya ng babala sa kongresista.

"Maniwala ka sakin... ayoko ng traydor..."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon