-
"Senate President Ruffo Gatchalian, you are under arrest with the crime of murder of William and Jade Espinosa"
-
Third Person's POV
"Matapos bumwelta ni Miles Espinosa at humiling na magkaroon ng formal reading ng Last Will and Testament ng yumaong si William Espinosa, nadismaya siya sa nilalaman ng nasabing papel na tanging ang kapatid lamang na si Eul Justine Espinosa ang makakakuha ng lahat ng ari-arian nito---"
"---Matatandaang si Miles Espinosa ang anak ng yumaong negosyante sa pagkabinata na ngayon lamang nagpakila sa publiko---"
Hindi na pinakinggan ni Miles ang balitang dumadagdag lang sa pagkadismaya niya bagkus ay dali-dali siyang lumabas upang lumanghap ng sariwang hangin.
Bukod pa rito, may isa pa siyang agenda kung bakit siya nandito ngayon. Habang nakatitig sa mga matatayog na gusaling nakapalibot sa kaniya, kinapa niya ang kaniyang bulsa at nilabas ang pakete ng sigarilyo doon. Kumuha ng isang sigarilyo at sinindihan ito.
Nasa gilid siya ng tulay at masugid na pinakikinggan ang agos ng tubig sa ilog ng kamaynilaan. Malalim na hinigop ni Miles ang makapal na usok na nanggagaling dito at binuga ito sa payapang hangin. Ilang saglit pa ay narinig niya ang tunog ng sapatos na naglalakad papalapit sa kaniya.
"Hindi ka pwedeng pumalpak... wala nang atrasan 'to" sabi niya lang sa misteryosong lalaking tumabi sa kaniya. Inabot niya pa dito ang sigarilyo na malugod namang tinanggap ng lalaki.
Parehas na hithit buga nilang pinaglaruan ang usok habang dinadama ang malamig na hangin ng gabi.
"Planado na lahat... araw nalang hinihintay natin..." sagot pa nito sabay hithit muli sa sigarilyo.
"Good... hindi na ako makapaghintay..." sabi niya pa.
Huminga pa siya ng malalim bago nagsalitang pabulong sa hangin.
"Isa lang satin ang pwedeng matira... at ako 'yon... Eul"
-
"Chairman... I know, it's in the middle of the night... but you should see this" bungad ni Mr. Pontigon pagpasok nina Eul, Sheena at Mr. Ong sa surveillance room ng ME SSA Headquarters.
Tinuro ni Mr. Pontigon ang papanoorin ni Eul at buong pagtuon naman itong pinanood ni Eul.
Nang huminto ang video, napangiti siya sa nakita. May parte sa kaniya na inaasahan niyang makita ito ngunit bahagyang nagulat parin siya.
"I got you..." taas kilay na bigkas ni Eul bago lumabas ng nasabing silid.
-
Pagod at lamyadong binuksan ni Eul ang pinto ng kaniyang kwarto. Diretso siyang pumasok at humilata sa kama. Tumitig sa kisame at malalim na nagisip.
Mula sa mga nangyari kanina. Hindi man ito ang araw na may pinakamaraming kaganapan sa buhay niya, pero ito ang araw na pinagod siya hindi lang sa pisikal, kundi lalo na sa emosyonal na aspeto ng pagkatao niya.
Naalala niyang muli si Spiro. Si Spiro na sa bawat pagkakataon niyang maalala ay ginugulo ang isip niya. Napahawak siya sa kaniyang dibdib, ramdam niya ang bilis ng tibok ng kaniyang puso.
Ilang saglit pa siyang nagmuni-muni nang gambalain siya ng kung sino man ang pumasok sa kwarto niya.
May maliit itong liwanag na dala---kandilang nakatayo sa ibabaw ng cake na hawak-hawak ni Kean pagpasok nito sa kanilang kwarto. Nakangiti nitong tinahak ang daan patungo kay Eul. Nang makarating doon ay umupo pa si Kean at masugid na tinitigan ang nobyo.
"Babe... sorry..." malambing nitong sabi.
Agad na natauhan si Eul at mabilis siyang sinampal ng reyalidad na siya ay may nobyo. Na siya ay matagal nang tapos sa nakaraan. Na dapat ay tinatakwil niya ang mga ganong kaisipan dahil mayroon na siyang kasalukuyan.
Si Kean ang nandito at hindi siya kahit kailan sinaktan nito. Si Kean ang mahal niya. Si Kean ang totoong para sa kaniya.
Mabilis siyang inalalayan ng nobyo patihaya upang umupo ng maayos sa kama. Nang makaupo ito ay binuhat muli ni Kean ang cake at iniharap kay Eul.
"I know... sobrang off ng ginawa ko and I'm so sorry... babe... sana maintindihan mo ako" paliwanag ni Kean sabay ngiti sa kaniyang nobyo.
Hinawakan lamang ni Eul ang pisngi ni Kean at pinisil ito. Sa pagod ay nawalan ito ng balanse sa katawan kaya't nasagi niya ang cake at nalaglag sa higaan. Nagkatitigan ang dalawa na ngayon ay nagtatawanan dahil sa dumi ng kanilang higaan.
Nagsimula nang yumuko si Kean at kumagat sa cake na nalaglag at mabilis na pumunta kay Eul upang subuan ito gamit ang sariling labi.
Hindi nila namalayang pareho na nagpapahiran na sila ng tsokolate sa buong katawan. Matamis. Masaya. Puno ng tawanan ang gabi ng magnobyo bago tumakbo at sabay na maligo sa kanilang shower.
-
Kinaumagahan, nagtatawanan pang lumabas ang magnobyo mula sa kanilang kwarto. Binuhat pa ni Kean ang nobyo pababa ng hagdan patungo sa sala. Nakita pa sila ng mga katulong at mga bodyguards na pagkuway na nastuwa sa kasiyahang pinamamalas ng dalawa.
Natigil ang dalawa sa harutan nang mapansin na may bisita pala sila. Nakaupo sa couch si Sheena katabi ang wedding planner na si Ms. Alex Laxamana.
"Good morning... love birds!" Pagbating pangasar ni Sheena.
"Good morning Mr. Espinosa, Mr. Pangilinan..." nang magsalita si Ms. Laxamana ay umupo na ang dalawang magkatabi paharap sa nagsalita.
"I would like to inform you that... your wedding in two weeks, we're all set... so wala na kayong poproblemahin..." masayang balita ni Ms. Alex sa magnobyo.
Hinigpitan pa ni Kean ang kapit sa kamay ng nobyo at nginitian ito. "Hmmm... babe, may gusto sana akong ipabago..." medyo nahihiyang turan ni Eul.
"Ano yun?" Nakangiting sabi naman ni Kean.
"Pwede bang 'wag na tayo sa ibang bansa mag-honeymoon? Kasi syempre ang dami pang aasikasuhin---" panimula ni Eul.
"Edi wala tayong honeymoon?" Malungkot na tanong pabalik ni Kean.
"Meron syempre! Papayag ba akong wala? Gusto ko lang i-propose yung ME Group's Hotel and Resort sa Sicogon Island... maganda kasi dun... sobrang magugustuhan mo..." paliwanag pa ni Eul sabay titig sa nobyo. Bumaling pa siya kay Sheena para humingi ng tulong para segundahan siya. "Diba Sheena?"
"Oo! Sobrang puti ng buhangin... grabe... kung ako sa inyo, dun nalang kayo... malapit pa" pagdugtong naman ni Sheena.
Pinanliitan pa ni Kean ng mata si Eul bago magsalita.
"Okay... basta yun yung gusto mo eh..." malambing nitong sabi sabay halik nang mabilisan sa pisngi ng nobyo.
-
Samantala, sa kabilang banda, kasunod ng sirena ng mga mobile ng pulis, sunod-sunod ang pagpindot ng mga ito sa door bell ng isang engrande at napakalaking bahay.
Ilang saglit pa ay bumukas ang gate ng mansion at iniluwa nito ang kilalang personalidad.
"What's the matter---" putol nitong bigkas nang magsalita ang pulis sa kaniyang harapan habang pinapakita ang papel na magdidikta ng kaniyang mapait na kapalaran.
"Senate President Ruffo Gatchalian, you are under arrest with the crime of murder of William and Jade Espinosa"
-
Itutuloy
-
BINABASA MO ANG
EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]
रोमांस#1 IN LOVEWINS Fiercely, Eul came back to avenge his parents' cold-blooded death. By succeeding his father's chairmanship to Madrigal-Espinosa Group of Companies, the largest conglomerate in the Philippines, the enemies plotted his downfall. Ex-love...