-"Don't ever go near me again"
-
Third Person's POV
"Mr. Chairman, Spiro Villafuerte is here. He is the major-"
Sa narinig ni Eul, otomatikong napalingon siya sa nagsalita. Kanina niya pa pinipilit na hindi pansinin ang bulto ng tao na alam niya kung sino.
Nang mapalingon siya sa nagsalita, nakita niya ang nasa tabi nito. Naka-itim na shirt at denim na jeans na tinernohan ng leather shoes at may sunglass sa itaas ng ulo. Wala sa wisyong napa-pikit siya ng malalim dahil sa nakita.
Unti-unting dumaloy ang lahat ng galit, poot at pagkasuklam sa kaniyang katawan. Bigla nalang na nanggalaiti ang kaniyang damdamin. Nang buksan niya ang mata niya, unti-unti na lumapit si Spiro sa harap niya.
Nagkuyom siya ng kamao. Sa ganitong kalagayan, nanatiling tahimik ang mga tao sa kanilang paligid. Pasimpleng hinawakan ni Sheena at Cassey sa braso ang kaibigan at marahang tinapik iyon.
Si Spiro naman, hindi magkamayaw sa tuwa dahil sa nasasaksihan. Lumapit siya kay Eul. Ang mga tao sa bawat gilid ay nakatingin sa dalawa at walang alam sa nangyayari maliban kanila Cassey at Sheena.
Limang taon na ang lumipas ngunit dahil sa nangyayari ngayon, tila bumalik ang lahat, lahat ng sakit na naramdaman ni Eul, tila bumalik sa pagkasariwa, na pawang biglang nawala yung limang taon na paghihirap para lang makalimot.
"Eul" turan ni Spiro nang nasa harap niya na si Eul. Nilahad niya ang kamay niya at pasimpleng ngumiti.
Nanatiling nakatingin lang si Eul kay Spiro. Hindi man niya maipakita, nag-uusok na ang kaniyang kaibuturan dahil sa taong nasa harap niya.
Napunta ang tingin ni Spiro sa dalawang nasa tabi ni Eul na ngayon ay umiiling na. Na tila'y pinapaalis na si Spiro.
"Hmmm... Mr. Chairman, he's Spiro Villafuerte, the country's new 'boy-next-door'. He's the top endorser of ME Styles and also the whole ME Group. I'm pretty sure you know him" mahabang pambabasag ni Mr. Calili sa katahimikang nagaganap sa dalawa. Tinignan siya ni Eul, umatras naman si Mr. Calili dahil sa nakikita niya sa mga mata ni Eul.
"You better shut up Mr. Calili" matigas na sabi ni Eul. "And you? You're no longer an ME group nor ME Styles endorser." Sabi lang ni Eul at tumalikod upang magsimulang maglakad.
Naiwan ang lahat ng tao roon suot ang kanilang mga mukhang takang-taka. Hindi alam ang nangyayari, mas lalong hindi alam ang dahilan kung bakit out-of-nowhere bigla nalang nagbago ang mood ni Eul.
Naglakad na ang tatlong magkaibigan na sinundan naman ng mga bodyguards nito at lahat-lahat ng mga tauhan. Si Spiro naman ay naiwan kasama si Alice na nagpakilala sa kaniya kay Eul at ang kaibigang si Kevin. Si Mr. Calili naman ay dumiretso sa ngayong tulalang si Spiro na pilit ina-analisa ang nangyari.
"Spi---sorry, maling timing ata" sabi ni Kevin at tinapik ang kaibigang ngayon ay tulala parin.
"Sorry Spi, baka bad mood lang si Mr. Espinosa" sabi naman ni Alice.
Hindi parin nagre-react si Spiro. Nanatiling nakatayo at nakatitig sa bulto ng mga tao.
"Mr. Villafuerte, You're not ordinary to just turn down. Gagawin ko lahat para maibalik ka. Baka-"
Hindi na naituloy ni Mr. Calili ang sasabihin nang biglang tumakbo si Spiro patungo sa direksyon kung nasaan si Eul. Naiwan ang tatlo sa kinatatayuan at nagtatakang tinignan ang tumatakbo.
Napailing nalang si Kevin sa inasta ng kaibigan. "Spiro is Spiro and he will do whatever he wants. No one can stop him."
-
"Eul!" Sigaw ni Spiro sa bulto ng mga tao. Agad na gumawa ng espasyo ang lahat upang paunlakan ang pagpasok muli ni Spiro sa eksena.
"Eul!" Sigaw niya ulit. Nakita niyang nasa loob na ng elevator si Eul kasama ang dalawang kaibigan at isang lalaki. Tinakbo niya ang papasarang pintuan ng elevator.
Hinarang niya gamit ang kaniyang kamay ang pinto noon. Bumungad sa kaniya ang nakataas na kilay ni Eul sa kaniya. "Eul!" Hingal na hingal na sabi niya.
"Sir, alis na po." Sabi ng isa. Napansin niyang may limang lalaki pa palang nasa labas ng elevator. Agad na hinawakan siya ng mga ito sa braso upang hilain ngunit hindi nagpatinag si Spiro.
"Eul! I want to talk---t-to you" utal na bigkas ni Spiro dahil hinahawakan siya ng limang lalaki upang palayuin sa elevator.
Hindi nagsalita si Eul. Nang magsara ang pinto ng elevator, binuhos niya ang lahat ng lakas niya upang itulak ang mga lalaking nakahawak sa kaniya. Agad niyang tinahak ang daan sa fire exit at ginamit ito upang bumaba.
Ang mga bodyguards naman ay hinabol si Spiro.
Ang mga tao namang naiwan ay mas lalong nagtaka sa pinakitang reaksyon ni Spiro.
Ilang minuto. Hindi nagsayang si Spiro ng sandali. Hindi ininda ang pagod at hingal ng dibdib. Narating niya ang ground floor at maswerteng naabutan sina Eul na naglalakad habang pinalilibutan ng mga natitirang bodyguards.
"Eul!" Sigaw niya ulit upang tawagin ito.
Tumakbo siya patungo kay Eul ngunit hinarangan siya ng mga bodyguards nito.
"Fuck! Eul! Humarap ka sakin! Kausapin mo ko!" Sigaw ulit ni Spiro.
Napatingin ang mga tao sa kanila. Mga guards at mga trabahador.
Si Eul naman ay nagpintig ang taenga sa narinig. Hinarap niya ang direksyon ni Spiro na ngayon ay hawak ng kaniyang mga bodyguards. Tinanguan lang ni Eul si Mr. Ong upang bitawan ng mga bodyguards niya si Spiro at ganoon nga ang nangyari.
"Eul" sambit muli ni spiro habang papalapit sa dating 'kaibigan'.
"Eul, it takes a lot of courage to finally---"
Sa isang sampal, napahinto ang lahat kay Spiro. Sa sampal na iyon, nakalimutan ni Spiro ang sasabihin at napahawak sa kaniyang pisngi.
"Don't ever go near me again"
-
Itutuloy
-

BINABASA MO ANG
EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]
Romance#1 IN LOVEWINS Fiercely, Eul came back to avenge his parents' cold-blooded death. By succeeding his father's chairmanship to Madrigal-Espinosa Group of Companies, the largest conglomerate in the Philippines, the enemies plotted his downfall. Ex-love...