Chapter 12

6 0 0
                                    

"Ingat anak ahh!" Talaga naman. Pagtinamaan ka nga naman ng kamalasan TRAFFIC! 12:00 p.m na ng makarating na ako sa school. At 2 subject na lang ang itetest nila. Samantalang ako WALA pa. dT_Tb Kumaripas ako ng takbo papasok ng room ko. "So---" "O Ms. Sebastian you're late. Magtake ka ng exam sa guidance office."

Naku lagot. Tumakbo ako sa guidance office. "O anong nabalitaan kong nalate ka daw? Exam nyu pero kinalimutan mo? Anong klase kang istudyante?" "Sorry la. Napasarap po kasi ang tulog ko ehh." "O sya magexam ka na." Tumagal ng halos 5 hrs. ang exam. Grabeng hirap kasi ng final exam namin ehh. Di kineri ng utak ko. Last exam na to simula na naman ng isang magandang bakasyon at sa susunod na pasukan ay isa na akong SENIOR sa school na ito. Whooo! Isang kendeng na lang ga-graduate na ako! After kong umuwi ay niyaya akong magshopping ni Jamie. Ito kasi ang panata nya after ng exam. Ang magshopping samantalang ako window shopping lang ang nagagawa ko. "Oh girl! Bagay ba sa akin?" "Ahh.. Oo." "Nakatulala ka ata. Lalim naman ng iniisip mo. Tungkol ba dun sa guy kagabi? You know what? He's cute.

I think bagay kayong dalawa." Talaga? Ayy ano bang pumapasok sa utak ko. Habang nagsho-shopping kami ay nakita ko si Edward na papunta dito. "Hon! Nandito ka pala." "Oh Edward, you're here. I thought your going to have a celebration in beach? Why are you here?" "I'd like to ask my girlfriend if she want to join with us." "GIRLFRIEND?! Gosh girl ahh you didn't tell me na kayo na pala nitong si Edward. Since when?" "Nung sabado. You too, Jamie, maybe you like to go with us in the beach?" "Why not?! Right juliet?" "Oh.. Di ko kasi alam kung---" "Naku ako na bahala kay tito. For sure pasasamahin ka nun pag ako ang nagpaalam." Talagang pasasamahin ako nun kasi ikaw ang magpapaalam. Di lang makatanggi sayo si papa kasi nahihiya sya sayo no.

"So are you in? or out?" "O sige sasama na kami." "Good. We've change the date. Tomorrow morning, susunduin kita sa bahay nyu." Tapos umalis na sya. Grabe ahh tong kaibigan ko push na push sumama sa beach. San kayang beach kami pupunta? Mayaman... Uhmm sa BORACAY! Dream beach ko yun. Gustong gusto ko talagang makapunta dun ehh. Nakauwi na rin kami ni Jamie sa aming mga bahay. Agad kong pinaalam kay papa ang tungkol sa outing naming magkakaibigan. "Pa! Niyayaya ako ni Edward na mag-outing kasama ang mga kaibigan ko. Pwede po ba akong sumama." "Bakit hindi? Pero tanung mo muna dito sa mama mo." Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni mama. "San ka na naman pupunta Julieta!? Bakit ngayon ka lang umuwi ha? Kanina pa ako nandito pero ngayon pa lang kita makikita! Anong oras na!? Ganyan ka ba palagi? huh? Pano na lang ang mahigpit kong yakap at matamis mong halik sa akin." Nakangiting lumapit sa akin si mama.

Sa wakas nakauwi na rin si mama. "MA!" Niyakap ko ng mahigpit si mama. Nag girls talk muna kaming mag-ina sa labas. "So... Kamusta school? May boyfriend ka na ba? Kamusta na si Jamie? Ano sila pa ba ng jowa nya? Naku anak sobrang miss ko na kayung dalawa ng lokang-lokang yun." "Ma grabe ka naman makatanong. Ok lang naman po ang pag-aaral ko. Nothing to worry about. I can fix myself and I." Nginitian ako ni mama. "Galing-galing naman mag-english ng anak ko kahit english kanto. O may boyfriends ka na ba?" Boyfriends dami ahh ganun na ba ako kaganda para magkaroon ng mga boyfriends?

"Meron po." "Eh sino naman yang kamalas-malasang lalaking yan?" Si Edward po yung pinaka sikat na writer sa buong mundo lang naman po ang naging jowa ko. Haha! "Si Edward po. d>///<b" "Ayy sus kilig naman to!" Napatigil bigla si mama. "Edward? Edward? Yung sikat na writer? Naku ang swerte mo naman anak sa naging jowa mo. Di tulad sa papa mo. Ni pagsusulat lang ng vows eh di magawa." "Rinig ko yun!" "Hahaha." Namiss ko to. Yung tawanan naming mag-ina. Ngayon ko lang ulit na-expirience ang ganitong pamumuhay. Buo na naman kami. "Ehh sina Jamie?" "Ayun di nag work out ang relationship." "Sabi ko naman sa kanya ehh. Manloloko yung lalaking yun. Nakita ko nga yun sa may mc donald's may kasamang babae eh. Yun siguro ang new girlfriend nya. Kaya ikaw magiingat ka ahh. Wag kang magpapaloko!" "Naku ma.. Ako ang manloloko. Mana kaya ako sayo." "Shh." Nagtawanan kaming dalawa. Ang sarap ng feeling na ganito kami ni mama.

The Story of Us: &quot;Reckless&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon