Napilit ko na rin na mapaalis si Jamie dun sa puno ng buko. Ngayon ay papunta na kami sa cottage namin. "Ang tagal nyu naman. Naiinip na kaya si lola sa inyong dalawa. Ano ba kasing ginawa nyu?" "Girls problem lang." Tapos pinuntahan ko na si lola. "Goodeve la. Sorry po kung napatagal kami si Jamie po kasi ehh." "Naku di naman ako ang nagmamadali ehh. Ang boyfriend mo ang nagmamadaling makita ka."
Si lola masyadong prangka haha d-_-b "Tara kain na tayo lalamig na ang pagkain." "Kainan na!" Ay napasigaw ako haha xD Opo kakain na naman ako xD Haist nabusog ako dun ahh. Naglakad lakad ako tabing dagat. Medyo madilim pero keri lang nandyan naman ang liwanag ng buwan ehh. Nakita ko si Ace na nagiisa lang. At parang ang lalim ng iniisip nya. Mabuti pa kausapin ko sya para naman mailabas nya yung nasa isip nya.
"Psst. Anong iniisip mo?" "Ikaw lang pala yan. Pwede ba akong magtanong sayo?" Naku mabait ka naman pala ehh. Nakatago lang. "Hmm ano yun?" "Bakit napaka-pakielamera ka?" dO_ob Grabe naman ito. "Ah--eh napansin ko kasi ang lalim ng iniisip mo. Naisip ko lang baka may problema kang pwede mong i-share sa akin." "Meron nga." Ang hard naman nitong lalaking to! "Hmm pwede mong i-share sa akin. Yun kung gusto mo."
"Kung sakali, maiinlove ka ba sa isang weirdo?" "Bakit hindi? Alam mo kung mahal mo talaga ang isang tao lahat ng mga pangit sa kanya mawawala matatanggap mo. Isa pa ang sarap kayang magmahal ng weirdo. You will always have a good adventure to her." Napangiti sya sa akin. "Alam mo, parehas kayong dalawa." d>///<b Ano ba yan ang cute nya! "Teka sino ba yang tinutukoy mo?"
"Outgoing din sya katulad mo. Mabait, maganda pero weirdo. Mahal ko sya pero pag minahal ko sya, sasaktan sya ng ex ko. Ayaw kong may mangyayaring masama sa kanya kaya mas pinili kong layuan sya para ligtas sya kay Denise." "Tsk ang babaw naman ng problema mo. Kung mahal mo sya walang makakapigil sayo. Kung minahal mo naman sya at sasaktan sya ng ex mo edi ipagtanggol mo! Patunayan mo na sya talaga ang tinitibok ng puso mo."
Bigla syang napaisip ng malalim. Mukhang di nakatulong ang mga pinagsasasabi ko sa kanya ahh. Eheh non sense naman kasi yung mga pinagsasabi ko sa kanya ehh. Pero napansin ko natatawa sya na parang may naalala. Baliw na ata to ehh. "Salamat ahh. Pasensya na rin kung medyo bad ako sayo. Ganito lang kasi ang ugali ko kahit kanino pa ko makipag-usap. Pero ng dahil sa kanya nagbago ang lahat. Binago nya ang buong pagkatao ko."
Naramdaman ko yung sayang nararamdaman nya. Nakakahawa yung mga sayang nararamdaman nya pero nagmamadali na syang umalis. Siguro pupuntahan nya na yung girl na yun? Hay gusto kong malaman yung love story nila ahh! d^_^b Hay ako na lang mag-isa dito. Ang sarap ng hangin parang aircon lang. "Piglet!" "Kabayong buntis! Ano ba yan Alden sana nagsabi ka muna bago mo ko gulatin."
Bigla syang napatawa. "Haha nakakatawa. Dyan ka na nga!" Bigla nyang hinawakan yung braso ko. "Wait lang. Pwede ba tayong magusap?" "Tungkol saan na naman yan?!" "Tungkol sa buong pagkatao mo." Bigla akong naparalyze. Ano bang kulang sa pagkatao ko? Ano ba ang mga bagay na dapat ko pang malaman? Sino ba talaga ako? Ano bang title ng storing ito? d-_-b
"Hindi mo na ito naaalala. Sobrang close natin nung mga bata pa tayo. Akala ko nga dati ikaw na ang mapapangasawa ko ehh haha. Lagi ko pa ngang inaagaw sayo yung laruang ito." Tapos pinakita nya yung isang manika na sobrang luma na at may biglang nagflashback sa isipan ko. "Dapat hindi ko na ginawa ang bagay na yun. Edi sana ganun pa rin tayo tulad ng dati."
*Flashback*
"Momay! Ang ganda ganda mo talaga. Ikaw na ang magiging baby ko simula ngayon. Ako na ang magiging mommy mo." Naalala ko na yung manikang binigay sa akin ni mama nung bata pa ako. Yun yung manikang gustong-gusto kong bilhin. "Momay gutom ka na ba? Gusto mo ba ng chocolate?" "Juliet laru na tayo." "Mamaya na Alden naglalaro pa kami ni momay ehh." "Ehh sige na. Sobrang naiinip na kasi ako ehh. Lagi na lang naglalaro ng chess sila papa.
"Mamaya na. Nakain pa kasi kami ni Momay." Pero bigla nyang kinuha yung manika ko. "Ayaw mo ahh sige kunin mo sa akin ito." "Akin na si Momay!" "Kunin mo sa akin." "Akin na!" Bumaba sya sa hagdan habang ako naman ay nahulog. Di ko maramdaman ang buong katawan ko. at maya-maya pa'y nakatulog ako. May naririnig akong munting tinig pero hindi ko maidilat ang mga mata ko.
"Juliet--! Ma-- Pa-- Tito-- Tita! Si Juliet po!" Yun yung huling alaala na di ko malala simula ng pangyayaring iyon. "Doc! Anong nangyare sa anak ko?! Doc! Pagalingin mo sya! Wag nyu po syang pababayaan!" Naririnig ko pa nun si mama na naiyak. Pahina na ng pahina ang naririnig ko hanggang sa nakatulog na ako. "Doctor, pagalingin nyo po ang bestfriend ko. Wag nyo po syang pababayaan." "Hijo wag kang magalala kami na ang bahala sa kanya."
After a year ay nagising na rin ako. Wala akong maalala. Di ko pa naalala noon sila mama't papa pero kinwento nila sa akin ang lahat. Agad naman nanumbalik ang alaala ko tungkol sa kanilang dalawa. Pero may mga bagay na gumugulo sa aking isipan. May bagay na gusto ko pang malaman.
*End of Flashback*
"At ganun nga ang nangyari." Di ko mapigilan ang nararamdaman ko. Biglang bumuhos ang mga luha sa aking mata. Gusto kong sabihin na "Bakit mo nagawa sa akin ang lahat ng yun?! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang lahat ng yon?! Ang sama sama mo!" "Aksidente ang lahat ng nangyare nun. Di ko din sinasadya yun. Sorry rin kung ngayon ko lang nasabi sayo yun. Natatakot kasi ako na bigla kang lumayo sa akin. Kaya ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob."
Gusto ko syang sapakin, tadyakan o di kaya sampalin ng sobrang lakas. Pero wala naman syang kasalanan. Naiinindihan ko sya kaya naman pinatawad ko na sya. Kaya pala feeling ko naiilang ako twing magkasama kaming dalawa. Yun pala ang dahilan. "Sorry talaga." "Gusto kong mapagisa." "Sorry. Sige mauna na ako." Sa totoo lang hindi ako nalulungkot. Masaya pa nga ako na naalala ko na ang lahat ng nangyari sa akin eh.
Matalino pala ako nung bata pa ako? Haha madami rin akong talent pero di ko na magawa ngayon. Siguro ito yung pangyayari na pwede ko ng mabago. Salamat talaga Alden kung di dahil sayo hindi ko malalaman ang buong pagkatao ko.
*Alden's POV*
"Dude san ka galing? Kanina pa kita hinahanap ehh. Pwede mo ba akong tulungan. Magpro-propose na kasi ako kay Juliet ehh. Kelangan ko na kasing magkaasawa kung hindi ipagkakasundo ako sa iba." "Oo ba. Malakas ka sa akin ehh." "Thanks bro!" Masaya na ako ngayon lalo na't nasabi ko na kay Juliet ang lahat tungkol sa kanya.
Nabunutan na rin ako ng tinik. Ngayon? Di na ko masasaktan pa tungkol sa kanila ni Ed. Tanggap ko na kasi ang lahat. Past is past and it can never bring back. Masaya ako kung anong magiging desisyon ni Juliet kung ok ba sya sa proposal ni Ed or hindi. Hay ang bilis ng oras. Sana maibalik ko pa ang nakaraan.
BINABASA MO ANG
The Story of Us: "Reckless"
Teen FictionTungkol ito sa isang babae na walang ginawa kundi saluhin ang kamalasan sa mundo. Pero bigla na lang syang dinapuan ng swerte. May 3 lalaking iibig sa kanya pero isa lang dun ang pwede nyang mahalin. Isang kwentong kapananabikan nyung lahat. Nakakat...