Chapter 21

3 0 0
                                    

"Here we are. Welcome to our new house. Home sweet home!" "Wow." Sobrang ganda naman ng bahay na ito. Di ko maisip na magkakaroon kami ng ganitong kalse ng bahay. Parang summer house na ito ni Ken. Pero mas malaki pa rin ito. Excited akong pumasok sa loob at di ko nahintay pa sila mama at papa. "Grabe naman hon. Sobrang laki naman nitong bahay." "Pinagipunan ko ito para sa atin."

"Naku kaya kita minahal ehh." Ayts ang sweet naman nilang dalawa. Nakakainggit naman. May sarili na kaming bahay. May pamilya akong magmamahal sa akin pero wala pa rin akong boyfriend. Ano ba yan! Pero ok lang. Nagayus na kami ng mga gamit namin. Inayos ko rin syempre yung kwarto ko. 

Grabe ang laki naman ng kwarto ko. As usual sa taas pa rin ako natutulog. Nasa kabilang kwarto naman sina mama't papa. Hays ang hagard naman ng paglipat namin. Namiss ko tuloy agad si Alden. JOKE! Sa wakas wala na ring manggugulo sa buhay ko. Wala na ring mangungulit sa akin na magaral. Wala na rin makakaistorbo sa akin, for short wala na dito si Alden.

Yahoo this place is mine na! Ako na ang mamumuno sa buhay ko. Hay ang sarap naman ng buhay ko ngayon. Kaso kelangan ko pa din magadopt sa community dito. Kelangan kong makibagay sa mga tao dito. Sana naman mababait silang lahat.

*Christmas bells*

Yehey 5 days before christmas. Bilis ba? Nitatamad na kasi yung author ehh. Gusto ng wakasan agad ang storyang ito. Ewan ko ba dyan masyadong tamad haha peace po d^_^b. Bukas na ang amin grand christmas ball kaya naman nandito kaming dalawa ni Jamie sa mall para MAGSHOPPING NA NAMAN. 

"Friend bagay ba sa akin ang green?" "Di mukha kang si hulk." "Sama naman nito. Eh itong violet." "Mukha kang si barney." Sabay tawa ko. "Grabe ka naman! Ano bang babagay sa theme ng party natin?" Hmm.. Ano nga ba? "Yung red kaya?" "Perfect! Sabi ko na nga ba ikaw ang solusyon ko sa mga problema ko ehh."

Eh ang problema ko kaya sayo kelan mo susulusyunan? Tsk bitter ko naman. Pumasok na sya sa isang fitting room. After a minuet ay naisuot nya na rin. "Oh bagay ba?" "Wow mukha kang... Napakagandang dalaga dyan ahh." "Ayy naku bibilhin ko na ito. Teka nga ano pala ang isusuot mo sa party bukas?"

Isusuot? Teka ano nga ba ang isusuot ko bukas? Di ko pa alam kung ano. Medyo kunti lang kasi ang dress ko eh. Sa mga binili naman sa akin ni Ken wala naman masyadong maganda na fifit sa theme ng party. Ano nga ba? "Hoy friend, wala ka pa bang isusuot? Pili ka na dyan. Ako na ang bahala sayo." 

"Naku wag nal---" "Shh! Basta pumili ka dyan or else, magagalit ako." Naku no choice ako sa kanya. Wala akong powers para labanan ang virus ni Jamie. Habang namimili ako ng damit ay nakita kong papasok ang grupo ni Steph. Nakita nila ako na namimili ng damit. "Eww what's that smell?" "Ohh girl may basura pa lang naliligaw dito."

 "What is she's doin here?" "Baka naman magnanakaw ng damit dito para lang maisuot sa christmas party natin mamaya?" "Naku for sure tama ka." "Nagbago na ang isip ko. Ayaw ko ng mamili dito. Sa iba na lang tayo mamili." Lumabas na sila ulit. "Hmm kala mo kung sinong maganda. Ampapangit naman. Mukhang ragdolls :P" Nakita ako ng isang sales lady na nanggigigil habang hawak yung damit. 

"Miss bawal pangigilan ang damit na yan dahil mahal pa yan keysa sa damit mo ngayon." Wew? Patingin nga ng price tag. "P10,000" Shocks sa sobrang pangit ng damit na ito eh 10k na kaagad ang presyo? Sino naman kaya ang bibili ng ganitong damit? "Miss give me with this beautiful dress." Tsk bumili. Mga baduy na costumer. "Oh girl nakapili ka na ba?" Hmm di pa pala ako nakakapili. Sa sobrang dami kasi ng damit dito eh ang hirap mamili.

Naglingon lingon ako hanggang sa may nakakuha ng atensyon ko. Isang white dress na simple pero sobrang ganda. "Ayun." "Ohh nice choice! Miss give me that dress." Agad na kinuha ng sales lady ang damit na napili ko. Pagkabigay sa akin ay agad kong tinignan ang price tag. "P100,000!!!" Napasigaw ako sa sobrang gulat. "Oi kalma lang. Ang mabuti pa sukatin mo na yan."

"Sure ka ba? Mukha kasing mamahalin ito eh at baka mamaya hindi natin to mabayaran." "Wala ka bang tiwala sa akin? Trust me ok! Now go move na!" Agad akong pumasok sa fitting room para sukatin ang damit. Grabe ang sarap naman sa katawan nitong damit na to. Sobrang lambot at strechable pa.

Paglabas ko ng fitting area ay nakita ko si Jamie na may kausap na isang lalaki na balot na balot ng tela na naka-shades. Sino kaya yung napakamisteryosong lalaking yun? Di kaya rapist or holdaper? Naku nakakaawa naman yung lalaking yun kung sakaling holdapin nya si Jamie. Baka mamaya sa sobrang daldal ng babaeng to eh bigla na lang pakawalan sya. Haha. 

After a minute ay bumalik na sya sa akin. "Wow you look beautiful in that dress. Ahm miss. I'll take this dress." "Sure ka na ba dyan? Sobrang mahal kaya nito." "Tsk trust me sabi!" Napatahimik na lang ako. After naming magshopping ay umuwi na kami. "Are you sure di ka sasama sa akin magpasalon?" "Oo, may mga bagay pa kasi ako na dapat pang ayusin ehh. Sa susunod na lang siguro."

"Ok magiingat ka ahh." At sumakay na ako sa taxi.pagkauwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni mama at agad na tinanung kung anong laman ng dala ko. "Nak anong laman nya? Ba't di nyo ko niyayaya sa pagshoshopping nyu? Nakakatampo naman." Si mama talaga. Napaka madamdamin. Kung isasama ko sya at kasama ko si Jamie..

Eh baka di na kami papasukin sa loob dahil sa pagkabwisit ng gwardya. "O sige po sa susunod yayayain ka na naman promise." "Ok sige gagawin ko lang yung pinapaga sa akin ng papa mo." At umakyat na ako sa kwarto ko. Sobrang hagard na kasi ako ehh. At bukas cristmas party na namin. Sobrang excited na ako. Ano kayang mangyayare bukas?

Kinabukasan ay maagang pumunta sa amin si Jamie para ayusan lang ako. Mukhang ako yung pinaghahanda nya kesa sa sarili nya ahh. "O yan, perfect! Ready ka na para sa christmas ball mamaya." Kinaladkad nya na ako palabas ng kwarto ko. Excited na talaga sya. Halatang halata sa itsura nya. "Tita, tito aalis na po kami." "O sige magiingat kayo ahh!" 

At sumakay na kami sa kotse niya. Ano ba yan masyado naman ata kaming napaaga. Ang usapan kasi 7:30 ang umpisa. Makakarating kami ng 7:00. Di naman masyadong atat tong kaibigan ko ehh. After a few minutes ay nakarating na rin kami. Grabe andami na palang tao kahit maaga pa lang. Lahat pala sila ay excited sa parting ito.

Last christmas party na kasi namin ito sa school na to ehh. Di ko sila masisisi kaya pagbigyan. Bawal ang KJ :D

The Story of Us: "Reckless"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon