"Momsie asan na ba yung mga gamit ko?" "Aba malay ko sayo. Nandyan lang yan maghanap ka kasi. Mata ang gamitin mo wag bibig. Bilisan mo na at baka mahuli ka pa sa klase mo." Hay salamat nakita ko na rin. Pasukan na naman. Pagkarating ko sa school ay binungad agad ako ng mga paper works. Nalate pa tuloy ako sa klase ko. At usual na sa akin pag nalalate ako yung sinasabi sa akin ng napakaBAIT kong adviser.
"MARIA JULIET SEBASTIAN!!! YOU'RE LATE!!!" d'-_-b tsk nag new year na lahat lahat hindi pa rin sya nagbabago? Wala ba syang new years resolution? "Ma'am sorry I'm late kasi po---" "Alam ko.. Late ka. Bakit mo pa kelangan ulitin sa akin? Masaya ka bang marinig na nalate ka na naman sa klase ko?" "Di naman po kaso---" "Ok you may sit down. Ok class open your book on page 21." "Psst!" Ano ba yan kapapasok ko pa lang eh may nangugulo na kaagad sa akin.
"Psst!" "SHH!!!" "Yes Ms.Sebastian?" "Nothing ma'am." Tsk pahamak talaga tong si Ken. Kita nyang busy yung tao guguluhin nya. Maya maya, napansin ko si ma'am na para bang naninikip yung dibdib nya. Nakaalis na rin yung mga kaklase ko at ako na lang ang naiwan. Isa rin kasi akong class pres sa room namin. Wala trip lang nila. "Ma'am ayos lang po ba kayo?" "None of your business." "Naku ma'am dadalhin ko na po kayo sa clinic. Mukha po kasing naninikip ang dibdib nyu eh."
"SHUT UP!" After she say that words eh bigla na lang syang hinimatay. Tumawag ako ng ambulansya para maihatid sya sa hospital. Pagkarating namin dun ay agad na binigyan ng lunas si ma'am at sa wakas ay maayos na rin sya. after one hour, sa wakas at nagising na rin sya. "Maayos na po ba kayo?" "Bakit ka nandito?" Ano ba yan. Nasaktan na lahat lahat eh di pa rin nagbabago ang ugali. "Ako po ang naghatid sa inyo dito sa hospital. Kung wala na po kayong kailangan, aalis na po ako."
Palabas na ako ng pinto ng bigla nya akong tinawag. "Sandali...! Maupo ka." Nakaramdam ako ng takot ng bigla nya akong kinausap kaya naman agad akong umupo malapit sa tabi nya. "Salamat. Pasensya na rin kung ganun na lang ang ugali ko sayo. Naalala ko kasi yung kaibigan ko sayo. Ganyan na ganyan din sya katulad mo. Sobrang close naming dalawa na para bang hindi mo kami mapaghihiwalay." Kahit ganito pala ang ugali sa akin ni ma'am eh may tinatago rin pala syang kabaitan.
Totoo nga talaga ang kasabihan na wag nating huhusgahan ang isang tao lalo na kung hindi natin alam ang totoong storya ng buhay nila. "Ano po bang nangyare sa kaibigan nyung yun?" "Nakakainis nga eh... Iniwanan nya na ako. Pagkatapos ng ilang taon naming pagsasama, bigla nya na lang akong iniwanan." "San na po ba sya?" "Tumingin ka dyan sa bintana." Binuksan ko yung bintana para makita yung tinuturo nya sa akin.
"Nakikita mo ba yang langit na yan?" Tumango lang ako habang pinapakinggan ang kwento ng buhay ni ma'am. "Nandyan sya. Sa lugar na pinapangarap na mapuntahan ng lahat pero walang gustong mauna. Inunahan nya ako sa mundo ng pangarap. Hindi nya man lang ako sinama. Nakakainis nga eh." Naririnig ko yung pagiyak ni ma'am habang nakatingin kaming parehas sa bintana. "Balang araw, magsasama rin kaming dalawa. Namimiss ko na nga yung araw na magkasama kami.
Kaya ikaw, kung may kaibigan ka. Spend more time with her kasi we don't know kung hanggang saan lang kayo magsasama." Napakalalim ng kwento ni ma'am pero sobrang ganda. Di ko alam na minsan na palang nawalan ng kaibigan si ma'am. "Ano po bang pangalan nya?" Sandaling tumahimik si ma'am na para bang nagpapaalam sa kaibigan nya kung pwede nya bang sabihin ang pangalan nya. After nyang gawin yun ay nagsalita na sya.
"Siya si Jhane. Ang napakabuti kong kaibigan." (A/N: Abangan ang storya ng dalawang magkaibigan na sina Honey at Jhane sa The Story Of Us:"Peng Yu" .) Umuwi na ako sa bahay para makapagpahinga. Sobrang lungkot naman ang nangyare sa buhay ni ma'am honey. Hindi ko naisip na sa paguugali nyang yun eh may sikreto rin pala syang tinatago. Hay naku Juliet matulog ka na nga at madami ka pang mga bagay na gagawin.
"Ok ano bang mga bagay na kakailangan natin para sa JS natin? Kumpleto na ba?" "Uhmm madami pa po tayong kulang." "Yung mga banda ba ok na ba?" "Hinihintay pa po namin." "Yung sound system, maayos na ba?" "Ok na po ang lahat." "Yung venue natin ok na ba?" "Ok na rin po." "Ok ayusin na natin to lahat." Naghahanda na kami sa grand ball namin, ang JS prom. Hagard na naman ako. Syempre isa akong napakasipag na student councilor at student organizer.
Bilang isang student counsilor/organizer, tungkulin ko na mapaganda ang much waiting na JS. Super excited na naman ako. Lalo na't madaming sikat at kilalang tao ang pupunta dito. Oo nga pala, ang JS prom ay kasabay ng araw ng mga puso, kaya naman excited din ang mga couples. Ilang araw na lang at JS prom na! Ilang araw na lang din at graduation day na namin. Sa wakas at makakatapos na rin ako sa high school. Isang kendeng na lang!
Ilang araw na silang nagpra-practice para sa cotillion kasama dun sina Alden, Ken at Jamie. Habang ako naman ay nagaayus ng mga kakailanganin sa prom. Mabuti pa sila, pasayaw sayaw lang eh ako nagaayus dito. Daya naman nilang tatlo! Habang nagaayus ako ng banner ay bigla akong nadulas sa hagdan. "Ahhh!" *Thogs!* Nadaganan ko si Ken. Mabuti na lang at nandyan sya kaya hindi ako masyadong nasaktan.
"Ay sorry ahh. Nadulas kasi ako eh." "Tsk I know naman na you're always in trouble kaya I'm always here to save you." d>///<b Taray! Nakakainlove naman yung sinabi nya sa akin. "Naku friend ayos lsng ba kayo?" "Ahh oo. Sige balik na kayo sa practice nyo. Wag nyu na akong alalahanin pa." "O sige." Aba nakakapanibago. Mukhang hindi nagpunta dito si Alden. Busy ata sa kapartner nya. Mabuti na lang :D Back to work na naman ako.
Bukas na ang JS prom namin kaya naman paspasan na ang pagaayus naming lahat. Maayos na rin ang pagsasayaw ng mga magcocotillion, ayus na ang bandang darating, ayus na ang mga celebriting guest, ayus na rin yung mga decoration pero isa na lang ang hindi ayos... AKO! Lintik na wala pa pala akong susuotin. Lagi na lang. Paguwi ko ng bahay ay may nakita akong isang box na nakapatong sa kama ko.
"To the reckless girl in the world: Juliet from: Secret" Huh? Kanino naman to nanggaling? Binuksan ko na. Nacurious kasi ako kung anong laman ng kahon. "WOW!" Isang mamahaling gown ang laman ng kahon. Sino naman kaya ang magbibigay nito sa akin? Napakabait naman. Hindi ko na sinukat yung damit kasi baka hindi matuloy. Ay sa kasal lang pala yun. Hahaha xD
BINABASA MO ANG
The Story of Us: "Reckless"
Teen FictionTungkol ito sa isang babae na walang ginawa kundi saluhin ang kamalasan sa mundo. Pero bigla na lang syang dinapuan ng swerte. May 3 lalaking iibig sa kanya pero isa lang dun ang pwede nyang mahalin. Isang kwentong kapananabikan nyung lahat. Nakakat...