Pagpasok namin sa gate ay gusto na akong iwanan ni Jamie. "Friend exit na muna ako ahh. Hanap lang ako ng boys. Gueh ingat ka ahh." "Ok push mo yan!" Haist iniwanan na ako. Inuna nya muna ang mga lalaki kaysa sa kaibigan nya. Iba talaga tong si Jamie. Wala akong magawa. At kapag wala akong magawa ay kumakain ako. Pumunta ako sa buffet table para kumuha ng pagkain.
"Hi miss. Sabi ko na nga ba dito kita matatagpuan." "Alden?!" Sa totoo lang namiss ko sya. Ewan ko ba, di ko maintindihan tong nararamdaman ko. "Miss me?" "Hindi ahh!" "Denial! Kitang kita naman sa mga mata mo na nagsisinungaling ka." "Denial? Yun ba yun sa telepono pag may gusto kang tawagan? Denial?" Natawa sya sa joke ko. Grabe naman ang pagkababaw nito.
"Wala ka pa rin pinagbago. Yan ang namiss ko sayo ehh. Wait lang ang may gagawin pa kasi ako eh." Umalis na sya. Nakisali na lang ako sa iba. Nakisayaw, nakikanta at nakigulo. Napagod ako. Gabi na rin ng matapos ang party. Pauwi na ako, mga 11 na siguro ako nakaalis ng school. Bilang isang student councilor ay tumulong ako sa pagligpit ng mga kalat kaya naman ginabi na rin ako.
Sa kasalukuyan akong nasa jeep. Ako lang magisa. Kinakabahan ako sa nararamdaman ko. Feeling ko kasi pinagbubulungan ako ng dalawang lalaking to. "Diba sya yung laging kasama ni Kenneth John Bright?" "Oo nga no? Balita ko magsyota daw sila ahh." "Naku yayaman tayo dito." Awkward. Sobrang tahimik. Pag ganito pa naman eh nakakatulog ako. ZzzZzZzZZzzZZZzz....
Pagkagising ko ay hindi ko alam kung nasaan na ako. Ang alam ko ay nakatali ako. "Hoy sino kayo? San nyu ko dinala?" "Ikaw ba ang laging kasama ni Kenneth John Bright?" "Nasaan ba ako?! Pakawalan nyu nga ko naguguto na kasi ako eh. Please." "Sagutin mo ang tanung ko! Ikaw ba yung laging kasama ni Kenneth John Bright?" "Oo bakit? Ano bang meron?" Tapos bumulong sya sa kasama nya. Ewan ko na kung matatawag ba yun na bulong kasi naririnig ko ehh.
"Naku mukhang aagawan pa tayo nitong babaeng ito." "Oo nga kelangan na natin syang patayin." Natakot ako ng biglang naglabas ng kutsilyo yung isang lalaki. "Aagawan mo pa kami. Ang dapat sayo mamatay!" Teka shokla pala sila. Pero wait... PAPATAYIN NILA AKO. "Teka! May gusto kayo kay Ken?" "Oo!" "Pero isa lang ang pwedeng mahalin niya. Kung sino ang maganda sa inyong dalawa, mapapasakanya si Ken.
"Naku halata naman kung sino ang mananalo. Mas maganda naman ako sayo ng hindi hamak no." "Anong sinabi mo? Mas maganda ako sayo no!" Ayos habang nagaaway silang dalawa eh ako naman ay busy sa pagtatanggal ng tali sa kamay ko. "Itigil na natin to. Alam naman natin na pareho lang tayong maganda. Niloloko lang tayo ng babaeng ito. Mapaghahatian naman natin si Kenneth right?"
"Korak ka dyan sis! Mabuti pa patayin mo na yan ng mawalan na tayo ng karebal sa pag ibig." "Gusto nyo bang makita si Ken?" "Oo naman syempre. Sya ang aming prince charming." "May number ako nun. Kung gusto nyu tawagan nyu at papuntahin nyu dito. Kinuha nila ang number ni Ken sa phone ko. "Sure ka bang number nya to?" "Ba't di mo subukan?" Sinubukan nya itong i-dial.
Agad namang sinagot niyon ni Ken. "Hello?" "Hello? Sino po sila?" "Ikaw po ba si Kenneth John Bright?" "Ako nga bakit?" Hay naku para silang uod na nilagyan ng asin ng marinig nila ang boses ni Ken. "Girl sya nga! Ah-eh nandito ang kaibigan mong si... Anong pangalan mo day?" "Juliet!" "Juliet! Kasama namin sya ngayon. Kailangan mo syang puntahan dito or else, mamamatay sya."
"O sige sige, papunta na ako." Tsk para na naman silang uod. "Papunta na raw sya dito. Pasalamat ka girl at bibisitahin kami ni Kenneth John Bright." Sus ako pa dapat ang magpasalamat? Kung hindi nga dahil sa akin eh di nyu makikita yun. Agad silang umalis para magbihis. Pagbalik nila ay naka-gown silang dalawa. "Wow ganda nyong dalawa ahh." "Thank you. Ikaw din naman eh." *Door Bell*
"Sya na yun!" Agad nilang pinagbuksan ng pinto si Ken. "Asan na siya?" "Naku papa!" Agad nilang niyakap si Ken na parang teddy bear. "Teka anong ginagawa nyu sa akin." Tinawanan ko lang si Ken. Sorry ahh, kelangan kita para makawala ako dito eh. "Juliet andyan ka lang pala." Nilapitan nya ako habang yung dalawa naman ay nagiinarte sa gilid. "Tara na, umuwi na tayo." Binuhat nya ako palabas.
"Goodbye girls." Aba sobrang kilig ang mga bruha ng mag goodbye si Ken. Pagsakay namin sa kotse ay humingi agad ako ng tawad sa kanya. "Oi sorry ah. Nang dahil sa akin napahamak ka dun sa mga yun." "Ok lang yun. Di naman ako nasaktan sa kanila eh. Nakakatuwa sila haha." Ang ganda ng ngiti nya. Nakakainlove naman. Ayts di pwede to! Habang nasa byahe kami ay wala kaming imik. Siguro antok na rin sya nung time na yun.
Pero nabigla ako ng bigla na lang syang nagsalita. "Pwede ba kitang mayayang magdinner sa bukas?" "Sure! Bilang ganti ko sayo yun." "Teka san ka nga ulit nakatira?" Ngek maliligaw kami nito ahh! Di nya manlang natanong sa akin kung san ako nakatira. Wala pa palang nakakaalam kung san na kami nakatira.
"Ahh sa blk 8 lot 15 ph 6 short street di ka kasya subdivision." Napaisip sya bigla. "Ahh malapit lang pala tayo." Hay salamat naman. Kala ko maliligaw pa kami ehh. Grabe nakakatakot yung dalawang baklang yun. Papatayin ako dahil inagaw ko daw si Ken. Ang sama naman nila sa akin.
Ganun na ba ako kaganda? Haha hayaan nyu na ako. Christmas naman eh. Mabuti naman at tulog na sila mama't papa pag pasok ko ng bahay kundi isang napakahabang misa na naman ang sasalubungin ko sa kanila.
Natulog na ako sa kama kong napakalambot. ZZzzZZZzzzZzz.... Kinabukasan ay ang araw na inaabangan namin. "It's christmas." Bumaba ako kaagad para i-hug at kiss sina mama't papa. "Merry Christmas po!" "Naku merry christmas din anak. Wala kaming regalo ngayon ehh." "Ok lang naman po ehh. Ang makita kayo araw-araw ang regalong gusto ko."
Napaluha si mama. Ayan na naman sya. Napapaiyak din tuloy ako. Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Ken kagabi.
*Short Flashback*
"Pwede ba kitang mayayang magdinner sa bukas?" At syempre pumayag naman ako kaagad. Grabe easy get na ba ako?
*End of short flashback
Kaya ako pumayag para maconfirm ko ang nararamdaman ko kay Ken. May something kasing gumagambala sa isipan ko. Feeling ko kasi.... Ma--ma---ma------ Urgh!!! Di pa. Kelangan kong malaman yun!
Nagulat ako ng may biglang tumawag sa phone ko. "Hello?" "Ohh.. Ready for tonight?" "Sure. Actually nagaayos na ako ehh. Excited pa nga ako ehh. Just wait me there ok?" Tapos binabaan nya na naman ako. Nakakainis talaga sya. Minsan sobrang bait pero minsan sobrang bastos.
Kaya naman gusto kong iconfirm ang nararamdaman ko sa kanya. Nangako rin kasi ako na kelangan ko munang maramdaman bago umaksyon. "After kong maligo at magayos ay umalis na ako ng bahay exactly 8 p.m. Mabuti na lang at pinayagan ako ni mama. Ngayong araw lang naman ehh.
Pagdating ko sa mall na usual meeting place namin ay nakita ko ang isang lalaki na naghihintay dun. Isang lalaking naka-mask ang lumapit sa akin at iniabot ang isang sulat na nagmula kay Ken.
"Juliet.. Alam kong pupunta ka ngayon dyan kaya naman nagiwan ako ng isang sulat na maghahatid sayo sa ating meeting place. Sa courier restaurant. Mag-iingat ka ahh. Alam ko kasi na you're always in trouble so be careful."
Ahh ang sweat naman! Nakakakeleg d>///<b Hinatid ako ng lalaking nagbigay sa akin ng sulat papunta sa meeting place namin. Pagkarating ko dun ay kakaunti lang ang tao. Usually kasi ay nasa bahay silang lahat. Pagkarating ko dun ay may sumalubong ulit sa akin na isa pang lalaki.
Aba ano to basketball? Pasa-pasahan? Pagkapasok ko sa loob ay may isa pang lalaking naka-mask at natitiyak ko na sya na talaga yun. "Hello gorgeous." Hinawakan nya ang kamay ko at saka hinalikan. Pinaupo nya ako at pinaorder na. "So what do you want for the appetizer?" Hmm parang ampapangit naman ng mga nakalagay dito.
Pero sige push lang ng push! Di ko kilala ang mga pagkain dito pero natitiyak kong lahat ito ay masarap. "Masarap ba ang mga pagkain dito?" "Naman." "Good. Kami kasi ang one of the share owners nito. Napaisip ako... Siguro kaya galit si Alden kay Ken dahil hindi nya matanggap na isa syang share holders nito.
"Hmm Juliet.. Can I ask you something?" "Ano yun?" "Hmm what if may gusto ako sayo? Magkakagusto ka rin ba sa akin?" Realtalk ba ito? May bigla na naman akong naramdaman sa puso ko. Isang kakaibang ritmo ang tinutugtog nito. Pero hindi ko ma-explain kahit i-search ko pa sa google.
"Huh? Ako?" Tumango lang sya. "Ahh kasi ang totoo nyan---"
BINABASA MO ANG
The Story of Us: "Reckless"
Teen FictionTungkol ito sa isang babae na walang ginawa kundi saluhin ang kamalasan sa mundo. Pero bigla na lang syang dinapuan ng swerte. May 3 lalaking iibig sa kanya pero isa lang dun ang pwede nyang mahalin. Isang kwentong kapananabikan nyung lahat. Nakakat...