"Ahm kasi ang totoo nyan--- Di ko rin kasi alam ang nararamdaman ko pag kasama kita eh. May kakaiba akong nararamdaman na gusto kong malaman." Napangati sya sa akin. "Mukhang alam ko yang nararamdaman mo ahh at mukhang parehas lang tayo."
Naku pinagpapawisan ako ng malagkit. Di ko na alam ang susunod kong sasabihin. "If I tell you that I like you, will you response?" Di pa rin ako nagsasalita. "They said to me that.. Silence means yes. Am I correct?" OMG kailangan ko ng magsalita. Ano ba paki-insert naman po ng coins.
"Bakit mo naman tinatanong yang mga bagay na yan? May gusto ka bang sabihin sa akin?" Napatahimik sya. Totoo nga, silence means yes. "Hmm actually.. Honestly speaking... I like you." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang hindi ko na makontrol. "Do you like me too?"
Naku para akong sasabog. Natatae tuloy ako sa kaba. *Phone Ringing* Ayos timing si mama. "Hello ma. O sige po papunta na po ako." Binaba ko na yun phone ko. "Ken sorry ahh. My mother needs my help. See you next year :D" Hay salamat at nakatakas na rin ako.
"Go ahead. Take care. Ikamusta mo na lang ako sa mama mo ah. Bye." Kumaway na lang ako sa kanya. Actually wala talagang tumawag. Nagalarm lang yung phone ko. Nagulat nga rin ako ehh. Salamat naman. d-_-b
Habang nasa jeep ako pauwi ay naalala ko pa rin yung mga sinabi nya sa akin. Bigla na lang nagfla-flashback ang lahat. "Hmm actually.. Honestly speaking... I like you." d>///<b Bakit sa twing naalala ko yun kinikilig ako. Di kaya... Hindi ehh landi lang to.
Nakauwi na rin ako sa bahay amin sa wakas. Pagdating ko ay may naririnig akong naguusap. "Teka parang kilala ko yung boses na un ahh." napatakbo ako kaagad sa loob ng bahay.
"Paanong magiging sayo yun eh sabi sa akin ni Ed---" "Yun na nga. Magkaibigan kasi kami ni Edward at nung nalaman nya na may gusto ako sayo eh binalaan nya ako na layuan kita." "Pero bakit mo sya sinunod?" Napatahimik ulit sya sa tinanong ko. "Naawa kasi ako sa kanya. Bilang isang mabuting kaibigan.. Pumayag ako na layuan ka."
Napakabait naman nya. "Ahh ganun ba? Ok." Nagulat sya sa sagot ko. Eh di naman kasi drama to eh. Napangiti sya sa akin. "Kung sakali lang... Pwede ba akong manligaw sayo?" "Hindi pwede ehh. Ayaw ko kasing magpaasa ng taong tulad mo na sobrang bait. Isa pa meron na kong minamahal pero di ko rin sigurado."
"Salamat ahh." "Bakit?" "Salamat kasi binigyan mo ko ng oras para sabihin sayo ang lahat. Sorry rin kung hindi ako nagpakatotoo sayo. Hayaan mo balang araw, gagantihan ko ang napakabuti mong puso." "O sya ang drama mo. Dapat happy tayo, bawal ang sad ngayong christmas. Merry christmas." Binigyan ko sya ng isang napakahigpit na yakap.
"Merry christmas din sayo piglet. O pano mauna na ko. Baka nagaalala na sa akin si papa. Goodbye." "Sige ikamusta mo na lang ako kay tito ahh." Araw ng christmas.. Ibang iba nung dati. Alam konng medyo magulo pero maayos ko din ang lahat. Hmm... Napasarap na naman yung tulog ko. Paglabas ko ng kwarto ay napansin ko na wala sila mama't papa. "Teka nasaan na naman sila?" Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig.
Nakita ko yung note na iniwanan ni mama.
"Juliet, may bibilhin lang kami. Pinapunta ko na rin si Jamie para naman may makasama ka dyan sa bahay. -Mama"
Ayy oo nga pala. Mamayang gabi na pala ang pagsalubong namin sa bagong taon. Siguro mamimili si mama ng mga ihahanda mamaya. Natapos na rin ang bakasyon namin. Malapit na naman ang back to school. *Door Bell* Nandyan na si Jamie. "Hi.. Advance happy new year girl. Balita ko ang color of the year is jade. We need to shopping para makiuso sa panibagong uso. Ready ka na?" Grabe naman kapapasok pa lang nya andami nya ng nasabi.
"Wait ligo muna ko." "Ok girl push mo yan." Binilisan ko ng maligo baka mainip yung babaeng yun, nakakahiya naman. After kong maligo ay nakita ko syang nakabusangot habang hawak ang kanyang cellphone. "Oh ba't ganyan ang itsura mo? Anong meron?" "Meron kasing nagtetext sa akin na hindi ko naman kilala." Napatawa ako ng hindi oras. "Naku baka mamaya yan na ang pagibig mo." Sinimangutan nya ako.
Grabe talaga to kung magalit d'-_-b "Laging nagtetext ng idol. Ano ba ko artista? Ok although sikat nga ako pero hindi ko naman pinangarap na magkaroon ng stalker no." Wow ganda mo... ALIEN! "O sya tapos na ko. Tara na?" Agad nyang niligpit yung mga gamit nya at saka kami lumabas ng bahay. Pagkarating namin sa mall ay sobrang dami ng tao. May sale kasi sila ngayon ng mga pinaglumaan ng panahon.
Pagganitong araw nagwawala si mama. Siguro hindi nya alam na may sale ngayon? Oh well mabuti naman kundi puro baduy na damit na naman ang susuotin ko next year. Madami syang nabiling damit. After shopping ay kumain kami. Grabe pinapagod na naman ako nitong babaeng to. Pero ok lang, sobrang saya naman ehh. Habang nasa foodcourt kami ay nakabusangot na naman yung mukha nya habang hawak nya yun cellphone nya.
"Ano na naman bang nangyayare?" "Hindi ako tinitigilan nito." "Naku, kung ako sayo hayaan mo na lang yan para hindi ka na mapagod." itinago nya na yung phone nya. 10 p.m na ko ng makauwi sa bahay. Umuwi na rin si Jamie sa bahay nila para mag-celebrate ng new year kasama ang family nya. Habang nasa daan ako ay sobrang rami ng nagpapaputok ng sobrang lakas kaya naman nagmadali na ako baka mamaya ako pa tamaan ng paputok.
"Oh bakit ngayon ka lang? Pumunta nga pala ako sa mall. Nabalitaan ko kasing may sale daw. Kaya naman bumili na ako ng mga damit mo. Dali sukatin mo na." Hay naku napadaan pala si mama sa mall. Nakakainis naman. "Si papa po?" "Ayun nanunuod na naman ng mga baduy na movies. Iniisip nya siguro na sya yung bida. Hayaan mo na sya dun ng maaliw naman kahit minsan. Yung mga damit dun ahh.. Sukatin mo."
"Opo." Pumunta ako sa sala para masilip kung anong ginagawa ni papa. Nakakatuwa naman kasi halos umiiyak na sa papa sa pinapanood nya. After kong silipin si papa ay umakyat na ako sa kwarto para umidlip muna. 11:50 p.m na ng magising ako. 10 mins na lang at new year na. Pagbaba ko ng pinto ay may hawak sila papa na torotot habang nakatingin sa wall clock. 5 seconds na lang... 4...3...2...1 !!! "HAPPY NEW YEAR!"
Pinatunog nila yung torotot na hawak nila at nagyakapan kami. "Naku anak isang taon na naman ang nakalipas. Sana makabangon na tayo." Hindi maiwasang maiyak ni mama. "O sya kumain na nga tayo. Baka bumaha pa ng iyak ni momsie dito." "Sus di ba pwedeng maging maramdamin?" After naming kumain ay lumabas ako para makita yung fireworks. "Wow!" Lumabas na rin sila mama. "HAPPY NEW YEAR!" Tapos nagtatatalon kami dun na parang wala ng bukas. "O momsie talon ka rin para lumaki pa tayo."
Sana maging isang masayang taon ang sumalubong sa amin. Be good to me!!!
BINABASA MO ANG
The Story of Us: "Reckless"
Teen FictionTungkol ito sa isang babae na walang ginawa kundi saluhin ang kamalasan sa mundo. Pero bigla na lang syang dinapuan ng swerte. May 3 lalaking iibig sa kanya pero isa lang dun ang pwede nyang mahalin. Isang kwentong kapananabikan nyung lahat. Nakakat...