Chapter 26

3 0 0
                                    

Papunta na ako sa NAIA para pigilan ang pagalis ni Ken. "Manong wala na po bang maibibilis tong sasakyan nyu?" "Naku hija kung bibilisan ko ito, baka mahuli naman ako." "Para po kasing pagong tong pagpapatakbo nyu eh. Pakibilisan naman po please, may kailangan kasi akong gawin eh." Agad na binilisan ni manong yung pagmamaneho nya. Salamat manong d^_^b

*Flashback*

"Saktong 6 ng hapon ang alis nya papuntang NAIA. Kailangan bago mag 7 ay nakarating ka na. Kung makakarating ka ng 7:05 ay wag ka ng maghintay kasi nakaalis na sya at sira na ang plano mo. Go friend! Push mo yan!"

*End of Flashback*

Hala 7:01 na 4 mins na lang ang natitira. "Manong malapit na po ba tayo?" "Isang metro pa ang layo. Kung lalakarin mo, makakarating ka don agad." Iniabot ko na ang bayad sa kanya at nagsimulang ng lumakad... Tumakbo ako papasok ng NAIA pero hindi naging madali ang lahat. Kasi pinigilan ako ng guard na pumasok sa loob. Mabuti na lang at nakita ko doon si ma'am honey at nakisabay ako sa pagpasok nya. 

Pagpasok ko ay nasisisigaw na ako. "KEN? KEN!" Teka anong oras na ba? Pagtingin ko sa orasan ko ay exactly 7:10 na at nakita ko yung eroplano na paalis na. Kumaway kaway ako dun na parang tanga. "Ken! Bumaba ka dyan! Oo may gusto din ako sayo! Please wag ka ng umalis! dT_Tb Bumaba ka na dyan!" Halos lahat ng tao ay nakatingin sa akin, pero dedma lang. For the sake of love. Parating na dito ang guard ng bigla silang hinarangan ni ma'am honey.

"Shh hayaan nyu na muna sya." "Pero ma'am." "Hoy gago ka talaga! Iiwanan mo rin ako tulad nila! Nakakainis ka! Kala mo gusto kita? Tanga lang magkakagusto sayo! Wag ka ng babalik pa dito kahit kailan!" "Talaga?" Paglingon ko sa likod ay... "Ken?!" Nandun pala sya. Ang awkward tuloy. Kung anu-ano na kasi yung nasabi ko eh tas nandun lang pala sya sa likod ko. "Nakakainis ka!" Nilapitan ko sya at niyakap ng sobrang higpit.

'

"Akala ko ba gago ako at tanga lang ang magkakagusto sa akin?" "Oo nga. Bakit hindi ba ako tanga?" "Ako ang gagong lalaki na umibig sa isang tangang babaeng katulad mo." Nagyakapan kaming dalawa. Nakita ko si ma'am honey na maluha-luha sa aming dalawa. "Teka akala ko ba aalis ka?" "Ah.. Tinawag kasi ako ng kalikasan di ko natiis tapos narinig kita na parang baboy na humihiyaw dito kaya lumabas agad ako." 

"So ganun? Pinagalala mo pa ako! Nakakainis ka naman!" "Diba sinabi ko sayo na you're always in trouble so I'm always here to save you? I won't forget that! Yun ang promise ko sayo." Ahh kinikilig ang lola nyu!!! d>///<b *Graduation Song* This is the final moment, the one we've been waiting. The final event na mangyayare dito sa school na to. Ang sarap maging high school. Tama nga sila na ang high school life ang pinaka masayang pangyayari sa buong buhay ng isang tao.

Si Alden nakahanap na ng makakasama sa buhay nya. Si Jamie naman at yung misteryosong lalaking nakakatext nya na si Caloy ay naging sila na. Stay matatag pa nga daw silang dalawa eh. Si Steph naman ay humiwalay na sa grupo nya at nagbagong buhay na, siguro para makahanap ng true love. Ako? Ako naman ang first honor sa klase namin. Ako din ang first and last ng taong pinakamamahal kong si Kenneth John Bright.

Ano kayang mangyayare sa relationship namin? Stay matatag din kaya? Abangan nyu ang part II ahh! :D

*Jamie's POV*

"Dala mo na ba ang lahat?" "Ito na ang lahat ng hinihiling mo." "Hay salamat naman. O sinabi ko naman sayo diba, ako ang bahala sa inyong dalawa." HAHAHA! Ako ang nagbuo sa relationship ng dalawang lovebirds na yun. Simula sa isang mall na nagkagulo dahil sa katangs ng kaibigan ko hanggang sa pagplaplano namin sa kunwaring pagalis ni Ken.

*Super Flashback*

Habang nagsusukat ako kunwari ng damit sa fitting room ay pinlano kong ilagay si Juliet sa isang babasagin na lalagyanan. Kakunchaba ko din dun ang may ari ng dress shop. Naghahanap ng girlfriend for rent si Ken at ang una kong naisip ay si Juliet lang. Gusto kong maging silang dalawa. Pero mukhang mahihirapan ako dito ah. Napakachosy naman kasi ng friend ko. Sinabi ko rin kung san kami nagaaral kaya naman nagpalipat na rin ng school.

Binalak ko ring sabihin na magbabakasyon kami sa boracay which is nandun din sya. O taray lakas maging kupido para sa kanilang dalawa. Effort effort ako ng bonggang bongga.

*End of Super Flashback*

"Sa susunod ulit ahh!" "Gueh! Ingatan mo sya kundi humanda ka sa akin." Ang saya saya naman ng love story nilang dalawa. Sana ako din may own story din ako.

The Story of Us: &quot;Reckless&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon