"Ok class, we were having our school fest this week so be ready. I want you to create some booths and activities. Do your best ok!" Sprotfest day! Ang pinaka gusto kong event. May kainan, laruan at sayahan. Hays ang saya nito. Ako din ang napili nila na maging leader sa gagawing booth camp. Di ko alam kung gusto talaga nila akong maging leader o paglalaruan lang nila ako. Pero imperness supportive sa akin si Ken.
"Go Juliet! Susuportahan kita." Kelangan nya bang sabihin pa yun? Feeling ko tuloy lalo nila akong bubulihin ehh. "Oh Ms. Sebastian may dalaw ka!" Sino? Si Edward? Bakit anung kelangan nya? Naririnig ko na naman yung mga babae na pinagbubulungan ako. "Look Edward Nostigale ang pinaka sikat na author tinatawag daw si Juliet weirdo?" "Aba sumosobra na itong babaeng to ahh."
"Oo nga, halos lahat ng cute boys ay kelangan sya. Ano bang meron dyan sa babaeng yan? Di naman maganda." Urgh! Nakakabasag ng self-confidence yung mga sinasabi nila sa akin ahh! Kinausap ko na kaagad si Edward para naman wala ng masabi pa itong mga kumag na to. Mga bitter na di kagandahan. "Bakit?" "Uhm.. Pinapatawag ka ni lola ehh. Pwede ka ba daw bang dumalaw sa bahay namin? Pwede ba?"
Naku isa pa tong lola ni Edward. Di ko matanggihan, masyado kasing mabait sa akin ang lola ni Ed ehh. "Sige pupunta ako. Dun ka na shoo!" "Gueh I LOVE YOU!" Urgh lalo lang na nagkakagulo ang mga babae sa sinabi nya sa akin. "What did he say to her? I love you daw?" "Gosh I can take this anymore! I quit to this school." "Really?" "No! Do you think I will do that?!" Hays Haters alert again. After class ay sinundo na ako ni Edward sa room ko.
At pumunta na kami sa bahay nila. Pagkarating namin ay sobrang tahimik. Para bang hindi bahay yung pinuntahan namin. Parang seminteryo sa sobrang tahimik. Pagdaan ng kotse nya sa gate ay automatic na nagbukas ang gate. "Wow! Ganto pala ang itsura ng bahay nyu." "Hindi pa ito ang bahay namin. Bayan pa lang ito papasok sa mansyon ni lola." Huh? Nakakabigla naman ata. Para kasing pagpasok namin eh bahay na kaagad nila ang bubungad.
"Welcome to my grandmoms house." "WOOOOOOW!" As in dW.O.Wb ang makikita mo sa mukha ko. Pagbaba ko ng kotse ay agad akong sinalubong ni lola Cheska. "Hija, kamusta ka na? Namiss kita ng todo!" "Kayo din po la. Namiss ko din po kayo." Niyakap nya ako ng sobrang higpit. "O sya pasok. Kain tayo ng binake kong chocolate cake."
"Chocolate cake?! Tara na po la." "Naku sabi ko na nga ba magugustuhan mo yung bine-bake ko." Pagpasok namin ay SOBRANG LAWAK! Mas malawak to ng double kesa sa bahay nila Alden. Grabe naman ito. Maggagabi na ng pumunta kami sa garden ni Edward. May sasabihin kasi sya sa akin eh. "Uhm Juliet may importanteng bagay sana akong sasabihin sayo."
Say something, I'm giving up on you
I'll be the one, if you want me too
Anywhere, I would follow you
Say somthing, I'm giving up on you
"Isa akong prinsipe na tagapagmana ng mga kayaman ng pamilya namin. Kaya ako napapunta dito sa Pilipinas para maghanap ng aking magiging prinsesa. Sinabi kasi ng aking ina't ama na kung hindi ako makakahanap ng aking mapapangasawa ay mapipilitan silang ipagkasundo ako sa iba. Kaya naman ngayon niyaya kitang magpakasal sa akin dahil ikaw lang ang minamahal ko."
And I am feeling so small
It was over my head
I know nothing at all
And I will stumble and fall.
I still learning to love
Just starting to crawl
Say something, I'm giving up on you
And I sorry that I would'nt get to you
Anywhere, I would follow you
Say somthing, I'm giving up on you
"So last question, Will you marry me?" Napaisip ako ng malalim sa tanong nya sa akin. Di pa kasi ako ganun ka handa. Pero kailangan ko na syang sagutin. Ok Juliet, kaya mo yan! "Ahh--" "Isa pa nga pala, balak ko ng bumalik sa bansa namin. Kailangan na kasi nila ako eh. Gusto mo bang sumama sa akin?" Di pa rin ako naimik. Di ko sya kayang saktan pero kelangan ko.
And I will swallow my pride
You're the one that I love
But I'm saying goodbye
Say something, I'm giving up on you
And I sorry that I would'nt get to you
Anywhere, I would follow you
Say somthing, I'm giving up on you
"Say Something!" "Edward, I don't want to hurt you pero..." Bigla syang napaiyak. Alam nya na siguro ang susunod kong sasabihin. "Hindi ko kayang magpakasal sayo. Di pa kasi ako handa sa ganung level eh. Umpisa pa lang dehado akong sagutin ka. Naisip ko lang na kung sakali lang na magwork out ang relationship natin eh ipagpapatuloy ko pa rin ito. Sorry talaga. Kelangan ko na rin umuwi hinahanap na kasi ako ni mama eh."
"Kung ganun... Sige magiingat ka na lang." "Sorry talaga. Wag kang magalala makakahanap ka rin ng babaeng para sayo." Paalis na ako ng may biglang sinabi sa akin si Edward. "Juliet... Bukas ang alis ko papuntang Nemesis." Tuluyan na kong umalis.
May mga bagay tayo na kahit masakit sa iba ay kailangan pa rin natin gawin para maging masaya tayo. Hindi selfish ang tawag dun. Kasi baka di lang talaga kayo ang tinadhana. Alam kong malungkot si Edward pero balang araw makakakita rin sya ng babaeng mamahalin nya balang araw. Malay mo ako pala ang magiging dahilan para makita nya yun diba? Kasalukuyan na akong pauwi sa bahay. Dala ko pa din ang kalungkutang dinaramdam ni Edward.
"O san ka galing?" Anong oras na rin pala ako nakauwi. Masyado na akong ginabi. "Goodeve ma. Pumunta lang po ako sa bahay ng lola ni Edward." Nakita ni mama yung kalungkutan sa mga mata ko. "Anong nangyari? Bakit parang ang lungkot mo naman?" "Kasi..." Sasabihin ko ba yun sa kanya? Di ko rin maitatago kay mama yun. "Kami po kasi ni Edward ay... Break na." Di ako nalulungkot at mas lalong di ako masaya. Nakasakit kasi ako ng ibang tao dahil sa ginawa ko. Pero anong magagawa ko, desisyon ko yun at wala akong dapat na pagsisihan.
"Ganun ba?" "Opo. Aalis na rin po sya papuntang nemesis. Kinakailangan na rin daw po kasi sya ng pamilya nya doon." Sandaling napatigil si mama sa kanyang ginagawa. "Wala ka bang balak na pigilan sya? Di nyo na ba maise-save ang relationship nyong dalawa?" "Wala na po talaga. Umpisa pa lang, di ko na talaga minahala si Edward. Siguro kaya ko lang sya sinagot dahil sa awa. Ayaw ko kasi syang masaktan kaya ko yun nagawa. Di naman po ako selfish diba?" Napailing si mama at nilapitan ako sabay pinaupo. "Juliet, kung san ka masaya dun din ako. Wala namang masama sa ginawa mo pero yung pagpapaasa mo sa isang taong minahal ka, yung ang masakit."
"Alam ko po pero--" "Alam mo pala, eh bakit mo pa ginawa ang bagay na makakasakit sa kapwa mo? Pero atleast ginawa mo rin na umamin sa kanya. At ang mahalaga dun ay makakahanap sya ng taong mamahalin nya at mamahalin din sya."
Napaka madrama ang chapter na ito sa buhay ko. Eto yung part na sana pwedeng i-rewrite ng writer at simulan ulit sa umpisa ng sa ganun maiwasan ko na ulit ang mga pangyayaring iyon. Promise ko sa sarili ko na hinding-hindi ko na gagawin ang magpaasa ng ibang tao. Sana maging masaya na si Edward at sana makahanap sya ng taong magmamahal sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Story of Us: "Reckless"
Teen FictionTungkol ito sa isang babae na walang ginawa kundi saluhin ang kamalasan sa mundo. Pero bigla na lang syang dinapuan ng swerte. May 3 lalaking iibig sa kanya pero isa lang dun ang pwede nyang mahalin. Isang kwentong kapananabikan nyung lahat. Nakakat...