This is it! Our grand ball party! Ito na yung pinakahihintay naming lahat, except sa graduation day, ang araw na pinaghahandaan ng karamihan sa amin. Whoo party party! Ang mga organizer ang nauna sa party kasi may mga bagay pa na kailangan naming ayusin. Di pa kasi totally arrange ang lahat. Nagsidatingan na rin yung bandang tutugtog at yung mga celebrity guest. Syempre todo pa-autograph ang lola nyo no. Sayang ang oppotunity.
exactly 8 p.m na nagsidatingan ang lahat. Lahat ay handa na para sa main event, ang grand cotillion. "Please welcome our grand cotillion." Habang pinapatugtog yung napakarelaxingn a song ay sobra naman akong naiinggit sa kanilang lahat. Di kasi ako kasali. Gusto ko pa man din sumali. Magkapartner sina Ken at Steph. Feeling ko nagseselos ako. Pero hindi dapat. Urgh! Nakakainis naman. Ang saya naman nilang dalawa.
*Ken's POV*
Nakakainis naman. Ayaw kong makapartner tong babaeng to. Gusto ko syang ihagis pero baka naman pagalitan ako. Hindi sya ang gusto kong makasayaw. Bakit kasi hindi sya kasali eh. "Uhm Ken, can I ask you something?" This bitch is now flirting at me. Hindi ba sya nandidiri sa sarili nya? "Ahm what?" "Do you have a girlfriend?" Say yes! Say yes! "No, why?" "Oh are you willing to be my boyfriend?" What are you insane? Even the ugliest person in this world would'nt like you!
"Ahh..." "Uhm.." "Pano ko ba sasabihin to sayo?... Kasi... May gusto kasi ako sa isang tao at hindi ikaw yun." "Let me guest? That girl who's wearing a blue gown? Ano bang nagustuhan mo sa kanya?" "Hindi ko alam. Basta nung una ko pa lang syang nakita, may kakaiba na akong naramdaman sa kanya. Something na hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko. Ikaw ba nakaranas ka na ba ng isang bagay na hindi mo pa nararanasan sa buong buhay mo?"
"Teka ano ba ang tinutukoy mo?" "Kasi sya, lagi kang masusupresa sa mga bagay na gagawin nya. Hindi mo malalaman kung anong sunod na mangyayare pagkasama mo na sya. Yun yung bagay na maganda sa kanya." "Sana mangyare rin sa akin yung bagay na nararanasan mo. O pano tapos na ang sayaw natin, puntahan mo na sya." She remove her hands to mine and run away. I think she's crying. Kahit pala isang napakatapang na tao eh umiiyak din.
Tulad ng sinabi nya sa akin ay pinuntahan ko si Juliet at niyayang sumaway. "Juliet!... Can I have this dance?"
*Juliet's POV*
Sobrang tagal naman ata ng sayaw nakakainip naman. Dumiretso na ako sa buffet table. Ang tambayan ko. Walang nagyayayang magsayaw sa akin. Busy kasi silang lahat sa kanilang mga syota. Ganito ba talaga ang feeling ng maging single? Baka mamaya maging single forever na ako. Napansin ko na parang palapit dito si Ken. At totoo nga ang hinala ko. Papunta nga talaga sya dito. "Juliet!" Huh? "Can I have this dance?" OMGi!
"Can I have this dance?" "Oh sure!" Wow sya pa lang ang nagyaya sa akin. Ang saya naman. Ang sarap palang sumayaw. First time ko itong na-experience sa buong buhay ko. Ito na yata ang best night ever ko sa buong buhay ko. "Hmm Juliet, do you remember what I said to you last christmas?" Hmm.. Ay yung bagay na yun? *Heartbeats Goin' Faster* "Diba sinabi kong I like you and you don't reponse? Now can you answer my question? Do you like me too?"
Ahh teka lang ano ba ito! Di ako ready! Ano bang sasabihin ko? Help me! "Ah-eh kasi ang totoo nyan, ... hindi ko din alam kung may gusto ako sayo o wala eh. Iba kasi yung pakiramdam ko pagkasama kita pero nangingibabaw yung pagkakaibigan nating dalawa. Ewan ko ba, basta hindi pa siguro ako handa para sagutin yung tinatanong mo sa akin. Maybe I like you, or maybe not." "Ah ganun ba? Haha." Bigla syang tumawa na may kasamang luha.
Nakasakit na naman ba ako ng tao? Wala naman akong sinabing masama ahh? Teka nga, ano ba tong storyang ito ang gulo-gulo naman! After that party ay hindi ko na nakita pa si Ken. Ano na kayang nangyare sa kanya? Nalulungkot ako habang tinititigan yung upuan nya. May sakit kaya sya? Kung kelan naman malapit na ang graduation saka naman sya umaabsent. Bisitahin ko kaya sya? Ekk! Di ko pala alam ang bahay nya.
Ehh kung tawagan ko? Sus parang alam mo naman ang number nya? Hay ano ba yan bakit kasi wala sya dito? Di tuloy makapagprocess ng maayos ang utak ko. *Graduation March* Here us practicing our final performance para sa graduation. Wala pa rin sya hanggang ngayon. 3 araw na lang wala pa rin sya? Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakasalubong ako na dalawang babae na pinaguusapan nila si Ken.
"Oi girl alam mo ba, di na daw sisipot si Ken sa graduation day?" "Oh, sayang naman last day pa naman natin saka nya pa naisipang umalis." "Oo nga eh, ano kayang nangyare dun?" "Balita ko uuwi daw muna sya sa Italy para asikasuhin ang family business nila. Yun ang narinig kong chismis." Family business? Aalis papuntang Italy? Teka nga, wala naman syang nasabi sa akin about dun ahh. Di kaya... "Balita ko din na bukas na ang alis nila. Sayang naman gusto ko sanang makita ang pagalis nya at makapagpaalam naman kahit papano."
Bukas na ang alis nya?! Hindi maari! Kelangan ko syang pigilan. Pero hindi ko naman alam kung saan sya aalis at kung anong oras. *Light Bulb* Oo nga pala close friends nga pala silang dalawa ni Jamie kung di ako nagkakamali baka alam nya kung saan at anong oras ang alis ni Ken. Pinuntahan ko kaagad si Jamie para magtanong. "JAMIE!" "Oh bakit? Anong problema?" "Aalis na pala si Ken." "Alam ko, bakit di ba sya nakapagpaalam sayo?"
"Yun na nga eh, bakit ngayon pa sya aalis kung kelan graduation na. Sayang naman." "Ba't di mo subukang itanong sa sarili mo kung bakit sya aalis?" Napaisip ako sa tanong niya. Tungkol ba sa akin kaya sya aalis? "Eh diba kaya sya aalis para asikasuhin ang family business nila sa Italy?" "Oo, pero napilitan lang sya na gawin yun. Bakit kasi dini-deny mo ang tunay mong nararamdaman sa kanya? Friend magpakatotoo ka nga!
Gumising ka na sa katotohanan na mahal mo talaga sya. Alam ko naman na mahal mo sya eh pero ba't mo pa dini-deny? Kung mahal mo talaga sya, pipigilan mo sya sa pagalis nya. Ikaw lang ang makakapagpigil dun para na rin sa graduation day. Tulungan mo sya." Tama sya! Hindi ko na ide-deny na na may gusto na talaga ako sa kanya. Hindi ko na ulit itatago pa ang tunay kong nararamdaman sa kanya!
BINABASA MO ANG
The Story of Us: "Reckless"
Ficțiune adolescențiTungkol ito sa isang babae na walang ginawa kundi saluhin ang kamalasan sa mundo. Pero bigla na lang syang dinapuan ng swerte. May 3 lalaking iibig sa kanya pero isa lang dun ang pwede nyang mahalin. Isang kwentong kapananabikan nyung lahat. Nakakat...