chapter 14

114 8 4
                                    

Tim’s POV

Kinabukasan…

Maaga akong gumising para magluto. At kung itatanong niyo kung ano nangyari sa niluto ko nung nakaraan? Napanis na lang. Ni hindi man lang natikman ni steph yung luto ko. Siguro naman ngayon matitikman niya na luto ko.

Maya maya lang ay may narinig ako bumababa ng hagdan. Matignan nga baka si steph na yun eh.

“goodmorning dude…”si Red lang pala.

“goodmorning din dude.”bati ko

Bumalik naman agad ako sa pagluluto.

“naamoy ko kasi yung niluluto mo kaya bumaba na ako.”sabi ni red.

“ganun ba? Sge later na dude tapusin ko lang to.”sabi ko.

Maya maya lang ay bumaba narin si Jim.

“dude, nagluluto ka talaga ulit? Talagang pinanindigan mo talaga na ikaw na taga luto natin ah? Haha” sabi ni Jim na halatang kagigising lang.

“yung unang luto ko kase hindi natikman ni brat. Kaya nagluluto na lang ulit ako.”sabi ko habang nagluluto. Haaay malapit ng matapos to.

“haha iba na yan bro ah?”pang aasar ni Jim.

“manahimik ka nga jan! sinisira mo konsentrasyon ko eh.”sabi ko. “ayun natapos din!” dagdag ko.

“oh anong nangyari sayo?”sabi ni Jim kay Joan na halatang wasted na wasted.

Mukha na siyang zombie sa lagay niyang yan. alam ko na kung bakit ganyan siya. It’s because of Ted.

We all know that Ted has a fiancee except Joan and Brat. Tsk bakit naman kasi bumigay siya kaagad?

Ni hindi niya pa nga ganun kakilala si Ted eh.

“wooooaah!”sigaw ni Jim dahil hinimatay si Joan. Pero nasalo naman kaagad ni Jim.

“napakaiingay naman.”sabi ni brat na pababa ng hagdan at humihikab pa. tapos nung nakita niya si joan na walang malay nagmadali itong bumaba. Pero syempre hindi ganun kabilis. Pilay nga siya diba?

“OH MY! Ano nangyari sa bestfriend ko? Bakit ganyan siya?! Anong ginawa mo?!”sabi ni Brat at hawak ang kwelyo ni Jim.

“H-Hindi ako—“hindi naituloy ni Jim yung sinasabi niya.

*SLAAAP!*

“DON’T YOU DARE TOUCH HER! KAHIT SINO SA INYO!!”pasigaw na sabi ni Brat habang pinagtututuro kami. Matatakot ka sa kanya pag nagagalit siya ng ganyan.

“red… patulong naman.”bigla naman siyang huminahon nung tinawag niya si Red.

Teka? Ano to?! may gusto ba siya kay Red? Bakit ganun?!

Lumapit naman si red at binuhat si Joan papuntang kwarto nila Brat.

Why do I feel so uneasy? At bakit nagagalit ako?

Steph’s POV

Hindi ko alam kung bakit nagalit ako agad kay Jim kahit na alam kong hindi naman siya ang dahilan kung bakit nagkaganito si Joan. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Eto pakiramdam ng brokenhearted. Alam kong ganun din si Joan. I hate this feeling. Parang gusto kong magpakamatay dahil dito sa nararamdaman ko. Feeling ko wala ng silbi pa para mabuhay ako sa mundong ito.

“Steph!”bigla naman akong nagulat kay Red.

“h-ha?”

“kanina pa kita tinatawag kaso tulala ka.” Sabi ni Red.

In Love With You[TO BE EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon