Tim’s POV
Dinala ko si steph sa playground ng hospital sa labas.
Ang daming mga batang naglalaro.
Nakaupo siya sa swing ngayon at ako ang nasa likod.
“honey, naalala mo ba last time nung nahospital ka dahil sa pagkakalaglag sa hagdan?” tanong ko.
“hmm. Oo bakit?”
“yun yung last time na nakausap ko ang dad mo ng personal. Nagpapasalamat ako sa dad mo dahil kung hindi dahil sa kanya hindi kita mamahalin ngayon.” bigla naman niya akong pinalo sa kamay.
“ahh! Joke lang honey.”
“ano bang pinagusapan niyo ni dad?” tanong niya.
Flashback…
“she’s pretty right?”
Bigla akong napaisip. Kung tutuusin maganda naman talaga si brat. Dinedeny ko lang.
At bakit ko nga pala dinedeny? -_-
“oy! Sagutin mo ko.”bigla akong nagulat nung nagsalita si Mr. EM (haha katamad magtype eh. XD)
“y-yes sir!”pautal kong sabi.
At bakit ako nauutal? O.o that’s weird
“akala ko hindi ka sasang ayon eh. alam mo bang si Stephanie ay isang napakalambing at maalagang tao? Kaya kung totoo yung marriage niyo? Napakaswerte mo.”
Bakit parang biglang lumakas yung kabog ng dibdib ko?
“kaya lang ang malas naman niya dahil ikaw yung tao na yun.”
Ayy okay na sana yung moment ko eh. kaso humirit itong matanda na to. -_-
“haha! Biro lang. haaayy… alam mo bang dati naming bahay yang rest house na yan? Ginawa lang naming rest house dahil lumipat ng kami ng bahay simula nung may namatay samin.”
Malungkot na sabi ni Mr. em. Napayuko tuloy siya.
“at may kababata pa si Stephanie na tumira din sa resthouse. Hanggang sa lumaki sila at nagkaron ng feelings sa isa’t isa. At naging mahirap yun para kay steph dahil kinakailangang umalis nung kababata niya sa ibang bansa para dun mag aral at tulungan ang mga magulang niya. Tuwing bakasyon laging nasa rest house si Stephanie dahil nangako sa kanya yung lalaki na babalikan niya siya.
Ilang taon niyang hinintay yun. Pero hindi parin dumadating. Tska yun din yung dahilan kung bakit wala pang boyfriend itong anak ko hanggang ngayon. Alam kong aksidente lang yung nangyari sa anak ko at kung sakali nga na magka amnesia si steph? I’ll be thankful kasi makakalimutan niya na yung kababata niya na ilang taon niyang hinintay at hindi man lang dumating. At since kayo ang kasama niya sa rest house mapagkakatiwalaan kita na aalagaan mo siya diba?”
Whaaat? Pero parang bakit nanlambot puso ko at parang gusto ko siyang alagaan? Naaaah… nadala lang ako nitong matanda na to.
BINABASA MO ANG
In Love With You[TO BE EDITED]
Teen FictionA story of a girl named Stephanie that has to be with those popular handsome guys in one roof. Makakilos ka pa kaya ng maayos? Makakayanan mo bang tumagal? lalo na't may kanya kanya itong pag uugali? Read this story to witness Stephanie Montecillo...