Tim’s POV
Nandito ako sa Room kung saan nakaconfine ang dad ni Steph.
Tama kayo naiwan ang dad ni steph dito dahil hindi parin ito nagigising.
Ilang linggo na ang nakalipas simula ng umalis si Steph.
Ilang linggong puro alak ang iniinom ko.
Hindi kumakain ng maayos.
Hindi nawawalan ng issue.
Hindi nawawalan ng bayarin dahil sa mga binabasag kong mga bote at baso sa bar.
Dumami ang mga haters ko.
Puro negative ang nakikita ko sa mga sites.
I tried to locate steph pero hindi ko siya mahanap.
Ilang linggo kong inaasikaso ang dad niya.
Lagi kong binabantayan ang dad niya at nagbabakasakaling lumitaw si steph para dumalaw dito.
Hindi ko siya makalimutan gaya ng sinabi niya sa sulat.
Masyado ko siyang mahal para makalimutan agad.
Si Red at Jim kahit nagpatuloy sila sa career nila hindi parin nila ako iniwan kahit lagi ko silang pinagtatabuyan.
Aware ako na nagiging horrible na ang hitsura ko.
Hindi ako nagsshave. Hindi ko inaayos ang buhok ko.
Mahaba na ang buhok ko.
Mukha na akong sinaunang tao.
Dumaan ang ilang buwan na ganun lang ang takbo ng buhay ko.
Natapos na nila Jim at Red ang kontrata.
Normal na ang buhay nila pero ako eto parin walang patutunguhan ang buhay.
I was about to fall asleep ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan.
Binuksan ko naman ang mga mata ko.
Dahan dahan itong bumubukas at dahil dun biglang bumibilis ang tibok ng puso ko.
Masyado akong na excite kaya inakala kong si steph si Jim lang pala.
“Fck you *sshole!” sabi ko sabay bato ng unan sa kanya.
“Makapagmura ka naman bro!”
Inirapan ko lang siya at tinaasan ng kilay.
“taray neto. Oh prutas Bro. kainin mo na lang ito ah? Bakit hindi ka mag ayos napaka pangit mo na bro.”
“GET THE HELL OUT OF HERE!!” sigaw ko.
Nanahimik naman si Jim.
Pipikit na sana ako ng maramdaman kong may humila sa kwelyo ko at ang pagdapo ng isang kamao sa aking mukha.
“this is too much! Sumosobra ka na Tim! May mga taong nag aalala sayo. At sa tingin mo makakatulong yang ginagawa para maibalik si steph?! Hindi! Pinapatay mo lang sarili mo. At higit sa lahat hindi matutuwa si steph pag nalaman niyang ganyan ang nangyari sayo!”
Akala siguro ni Jim makokonsensya niya ako at mapapabago ang isip ko pero nagkakamali siya.
Mas lalo lang akong nainis.
Tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa kwelyo ko at umalis ng hospital.
Jim’s POV
Napabuntong hininga ako dahil sa inakto ni Tim.
Napatingin ako sa phone niya na nasa table at nagvvibrate.
Tinignan ko naman ito.
Nanlaki ang mata ko dahil si steph ang nagtext.
Pagkatapos kong basahin yung message agad akong tumakbo para habulin si Tim.
Nakasalubong ko pa si Red.
“Later Bro!” sigaw ko tapos patuloy na tumakbo.
Paglabas ko ng hospital wala na siya dun.
Tumakbo ako ng tumakbo para hanapin siya.
Hanggang sa may nakita akong nagkakagulo. Tapos may dalawang tao na napadaan sakin habang naguusap.
“Pre! May naaksidente dun.”
Kinabahan ako dahil madaming mga reporters ang nandun.
Nagmadali akong lumapit. Yung ibang camera ay napunta sa akin.
Hanggang sa makadaan ako.
Nakita ko na kung sino ang naaksidente.
Si Tim.
///
Epilogue is coming up! :')
EXO lovers♥♪♫
BINABASA MO ANG
In Love With You[TO BE EDITED]
Fiksi RemajaA story of a girl named Stephanie that has to be with those popular handsome guys in one roof. Makakilos ka pa kaya ng maayos? Makakayanan mo bang tumagal? lalo na't may kanya kanya itong pag uugali? Read this story to witness Stephanie Montecillo...