Stephanie's POV
Kasalukuyan kaming kumakain ni joan ng ginawa niyang lasagna ng bigla siyang nagsalita.
"Hey bestie! Masamang kumain ng nakakunot ang noo. Sige ka papangit ka niyan."
Ni hindi ko namamalayan na kanina pa pala nakakunot ang noo ko simula nung magbunggo ang landas namin nung lalaking yun. Napabuntong hininga ako ng malalim tsaka pinagpatuloy ulit ang pag kain. And this time hindi na nakakunot ang noo ko.
"Yan! Pretty na ulit sister ko!" Napangiti na lang ako sa sinabi ni joan.
"You know what sister? Why don't we relax? Tara swim tayo after nito." Sabi ko at tinapos na ang pag kain.
"Ayy tara!"
Tim's POV
Pumunta ako sa bintana ng mapansin ko ang alon ng dagat. Napakagandang tanawin naman nito, kung wala lang kaming ibang kasama dito sa rest house, malamang ay mas makakapagrelax kami ng maayos dito.
Napabuntong hininga ako ng malamin ng maalala nanaman ang mga nangyari ngayong araw. Mas mabuti nang ipagwalang bahala ito kesa masira ang mood ko.
Kinuha ko ang phone ko at napagpasyahan na lumabas, ngunit nang paglabas ko ay nakita ko yung babaeng iniiwasan kong makita. Oh! who am i kidding? Ako? maiiwasan siyang makita? ugh.
Nakita ko na nagulat din siyang makita ako na lumabas ng aking kwarto pero mabilis niyang nabawi agad iyon. Malamang ay nagbabalak din siyang pumunta ng dagat dahil naka two piece lang siya. I can't believe that I have to admit that she has a great body.
Nang mapansin niyang matagal ko na siyang tinitignan ay napakunot ang noo niya
"Hey weirdo, are you done checking my body? masyado kang obvious." sabi niya sabay irap at tumungo na sa hagdanan
"Wala namang makikita." sabi ko kaya napalingon siya
Nang makita ko siyang susugurin ako ay mabilis akong umalis at bumalik sa kwarto ko.
I guess hindi yata magandang lumabas muna ngayon.
Dito ko na lang pagmamasdan ang dagat mula sa aking bintana.
Stephanie's POV
"Wala namang makikita" narinig kong sabi niya ng pababa na ako ng hagdan
Anong wala? Kailangan pa bang alisin ang kapirasong nakatakip sa dibdib ko ng makita niya ang hinahanap niya? Hayup na yun.
Nang hindi ko mapigilan ang sarili ko ay sinugod ko siya pero mabilis siyang nakapasok ng kwarto niya.
Argh! Hindi siya makakalusot sakin this time. Sisirain ko araw niya.
"Sister! Tara na." Sabi ni Joan na nasa pintuan wearing the same style of two piece that I'm wearing pero magkaiba lang kulay.
BINABASA MO ANG
In Love With You[TO BE EDITED]
Ficção AdolescenteA story of a girl named Stephanie that has to be with those popular handsome guys in one roof. Makakilos ka pa kaya ng maayos? Makakayanan mo bang tumagal? lalo na't may kanya kanya itong pag uugali? Read this story to witness Stephanie Montecillo...