chapter 31

65 6 0
                                    

Drew’s POV

GRRRRRRRRRRAAAAAAAWWWWL!!

WWWWWWWWWWWAHHHHHH!!

WWWWWWAHHHHHJTJSKUANMJPFOSIAAAA!!!

Bigla akong nagising sa tugtog na yun.

Pagtingin ko sa kaliwa ko wala si Joan.

Teka nasan siya?

Brrrrrr! Ang lamig na pala dito sa kotse.

Iniwan niya siguro ako dito at hinayaang matulog.

Tsk. Anong oras na ba?

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras.

12:30 pm?!! Eh 8 am kami umalis ah?

Dinial ko ang number ni Joan.

(calling babe…)

Nakakailang ring na ito pero hindi parin siya sumasagot.

Lumabas ako ng kotse para hanapin siya pero hindi ko parin binababa yung tawag.

Hanggang sa may marinig akong nagriring.

Sinundan ko ito nandito lang sa parking lot yung nagriring na yun.

Palakas na siya ng palakas hanggang sa makita ko na yung phone ni Joan na nagriring padin.

Nasa gilid siya ng kotse kaya kinuha ko kaagad ito at pinatay na ang tawag.

Nagtatataka ako kung bakit nandito ang phone ni Joan.

Pag-angat ko bigla akong nagulat pakiramdam ko huminto ang oras ko.

Hindi ako makagalaw ng maayos, hindi ako makahinga, hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

Bakit ito pa ang makikita ko?

I tried to walk.

Halos patakbo na nga ang ginawa ko.

Dinaanan ko lang ang kotse ni joan.

Gusto kong tumakbo ng tumakbo.

Hindi ako naniniwala sa mga nakita ko.

Ayokong maniwala.

Bigla ko na lang naramdaman na may tumulong luha sa kamay ko.

May nalasahan akong maalat.

at biglang bumuhos ng malakas na ulan

Buti na lang at umulan kailangan ko ito.

I don’t wanna lose her

Siya lang ang nagbigay ng kasiyahan sakin

Siya na lang ang natitira sakin.

Ipaglalaban ko siya.

Hindi ko siya hahayaang mawala sakin.

Huminto ako sa may playground at umupo sa swing

I cried my heart out hanggang inabot na ako ng gabi.

Ang galing naman ng ulan na to. hindi tumitigil hangga’t di ako tumitigil sa kakaiyak.

Sana lang hindi ako magkasakit nito.

In Love With You[TO BE EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon