chapter 20

122 9 2
                                    

Steph’s POV

“so pano? FRIENDS?”

Nung sinabi ko ang mga katagang iyan. He gave me a fake smile. May masama ba sa mga sinabi ko?

“you can finally move on. So hindi ko na kailangang magpanggap bilang kahati mo. Yeah we’re…friends.” Tinapik niya ang balikat ko tapos umalis na.

Ilang araw na ang nagdaan pero hindi ko nakikita si Tim. Bakit kaya?

Nasa kusina ako ngayon para magluto sana pero nang tinignan ko yung kaldero may ulam na pati kanin.

Aba. Sino naman magluluto dito?

“oy steph!” biglang dumating si Jim.

Anyway kumuha na lang ako ng pagkain at dinala ito sa dining room.

At ganun din naman si Jim.

Habang kumakain kami bigla akong nagsalita.

“teka, kumuha ba kayo ng taga-luto?”tanong ko.

Bigla namang kumunot ang noo ni Jim.

“oh? Bakit? Nagtatanong lang eh. infernes masarap siya ah?”sabi ko habang tinuloy ulit yung pagkain ko.

Pero bago ko maisubo ulit yung pagkain ko. Biglang nagsalita si Jim na ikinagulat ko.

“si Tim ang nagluto niyan.”natulala ako. Nagulat na lang ako nang mabitawan ko yung kutsara.

“what?! HAHAHA si Tim magluluto? You must be kidding me!” >_<

“no steph. I’m not kidding! Buti nga at natikman mo na yung luto niya eh. kasi sa pagkakatanda ko dalawang beses na siyang nagluto para sayo pero ni hindi mo man lang natikman.”tapos bigla na siyang tumayo.

Dahil sa pagkakagulat ko sa sinabi niya nakatulala pa din ako.

“I’m done. Sge may gagawin pa ako eh.”tapos tuluyan nang umalis.

Hindi naman siya marunong magluto ah? At bakit niya ako pinagluto?

Naaaah! Masyado akong nag-iisip. Baka trip niya lang magluto. Or nag-aaral siyang magluto.

Tama! Yun lang yun.

Natapos na akong kumain at maghugas ng mga pinagkainan.

Pinagmasdan ko ang bahay. Hmm. Mukhang kailangan ko na atang mag general cleaning ah.

Sakto ako lang ang tao dito sa bahay.

So nagwalis ako simula sa taas hanggang sa baba. Habang naglilinis ako nagpuputugtog ako. Lahat ng mga kwarto nilinis ko. Pati pagpupunas ginawa ko. Pinalitan ko yung mga kurtina. Nilinis ko ang mga banyo. Nagdilig ako ng mga halaman. At naglaba. Haaaay salamat natapos din. Nakakapagod pero sa tingin ko nalibang naman ako.

Napatingin ako sa picture frame namin nung kababata ko. Kinuha ko ito tapos tinapon na sa basurahan.

Wala naman nang silbi yun. Walang kwentang tao ang kasama ko dun. Ni hindi ko nga alam kung totoo ba yung pakikipagkaibigan niya sa akin noon eh.

In Love With You[TO BE EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon